16.) Vampires Princess

127 10 0
                                    

Nakabibingi ang ingay na naririnig sa paligid, bakas sa mukha ng piloto na nahihirapan itong dominahin ang pagmamaneho habang ang kanyang ekarpe ay umaapoy na sa bilis. Ilang sandali pa ay babagsak na ito sa lupa.

"Welcome!" Masayang tono ng isang boses, wika iyon ng isang babae na nakaprogram sa kanyang sasakyan. "Your soul is not reflected."

"Auto pilot, activate!"

"Auto pilot activated. Andrew will take control."

Halos mabuka ang lupa dahil sa lakas ng hangin habang ang mga puno sa malapit ay natanggalan pa ng mga dahon. Tunog ng hanging ang naririnig; ang mga nilalang na nakasaksi roon ay nahintakutan. Makaraan ang ilang sandali ay may bagay na umangat, kahawig ito ng kero subalit higit na maliit.

Mariing ipinikit ni Elyas ang kanyang mga mata, nangangatog ang buo niyang katawan. Naninibago siya sa nararamdaman. Kakaiba talaga ang planetang ito. Subalit kailangan niyang mag-insayo kahit sa kunteng oras lamang.

Muli niyang hinawakan ang joystick ng sasakyan, halos dumikit ang buong katawan niya sa kanyang kinauupuan dahil sa labis na lakas.

"Amo," wika ng kanyang sasakyan. "Huwag mong pilitin ang inyong sarili hayaan n'yong ako na ang gumawa nito para sa inyo."

"Hindi Andrew! Pabayaan mo muna ako."

"Sige amo, makiki-alam ako kapag babagsak na tayo."

Natawa sa tinuran ng ekarpe si Elyas.

LUMIKA...

"Mahal na pinuno," bungad ni Daniea. "Ang ating mesahe ay natanggap na sa planetang Munpre, date mark: April 01, 2188."

"2188?" Nagtatakang tanong ni Yrniea. "Subalit 2179 pa lamang mahal na Deniea."

"Napaka..." Hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil muling nagsalita ang pinuno.

"Alam ko Daniea, malayo ang planetang Munpre; subalit ang mensaherong ginagamit natin ay napakabilis!"

"Tama po kayo mahal na pinuno."

"At ang oras nila ay pareho sa atin, dahil may sinusunod tayong batas sa orasan. May mali rito Daniea!" Bulalas ni Yrniea.

NAPAKABAGSIK ang mukha ng mga Vanque. Malakas ang mga hinga nila, sa bawat paglabas ng hangin sa lubog nilang ilong ay mabilis silang nakakalayo patungo sa iisang direksyon.

"Mahal na pinunong Vanik!" Wika ng isang kawal sa kaliwang bahagi nito. Kakaiba ang hitsura nito kumpara sa ibang mga kawal.

"Tumahimik ka! Alam ko na kung ano ang sasabihin mo!"

Nahintakotan ang kawal.

"Bilisan n'yo pa ang paglalakad!" Ubod lakas na sigaw ni Vanik, ang ika-3 heneral ng hukbong sandatahan ng mga Vanque. Nakataas ang kanang kamay nito hawak ang kumikinang na baston. Mata lamang nito ang nakikita.

Ang mistulang harden ng langit kanina ay nagmistulang tapunan na ng mga bangkay; ang masukal na kagubatan sa banda roon ngayon ay kulay putik na, samantalang ang malinaw na tubig ay nagkulay berdi dahil sa mga dugong dumanak mula sa katawan ng mga Vanque at ang mga palutang-lutang na nilalang.

"Hanapin n'yo ang Lokque!"

Agad tumalima ang mga kawal. Isa-isa nilang tinignan ang mga bangkay.

"Mahal na Vanik, kakaiba ang limang nilalang na iyon na lumulutang sa tubig!"

NANDIDILIM pa ang paningin ni Pinding. "Aaahhhh.. " napadaing siya dahil nakaramdam siya ng sakit sa ulo; sinubukan niyang gumalaw subalit napaka-imposible ang bagay na iyon dahil nakagapos siya.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon