20.) Massive Massacre

87 6 0
                                    

'Bbooooommmn!!!"

Napakalakas na pagsabog. Nagulantang ang mga nilalang sa lungsod ng Kaperna. Sari-saring mga tunog ang kasalukuyang naririnig:

Ang mga tao ay nagsisipagtangis, nagsisigawan sa takot, samantalang ang ilan ay mabilis na nagtatakbuhan. Mistulang mga langgam na nabulabog ang mga ito at nagsisipagtakbo sa iba't ibang direksyon.

Nasa limampong Binoid ang nasa himpapawid, bawat makitang gumagalaw O maging mga bagay na nakatayo ay pinagbabaril nila. Panay ang pagsabog. Napakabilis ng mga ito, ang bawat madaanan sa ibaba ay wasak na pagkatapus.

"Paliparin ang mga kero!" Utos ng pinuno sa lungsod. "Madali kayo!"

Subalit hindi pa man nakakalipad ang mga sasakyang pandigma ay sumabog na ang mga iyon. May ilang nasa ere na nang sumabog. Magkaganoon, marami pa rin ang nakalipad at buong tapang na sinagupa ang mga Binoid.

GUMALAW, ang lupa dahil bumagsak ang mga heganting robot, papalit-palit ang mga anyo nito.

"Mahal na pinuno Yrniea!" Pupungas-pungas na salubong ni Daniea sa leader ng mga diwata.

"Inaatake na tayo ng mga kalaban!"

"Ano!?" Nagulat si Yrniea, "napakabilis naman nilang makarating dito!' Nagtatakang sagot ni Yrniea dahil lubhang malayo ang kanilang kaharian sa mga Vanque.

Lumabas na sila ng silid, "nakahanda na ba ang ating mga kawal?"

"Kanina pa po mahal na pinuno... Subalit marami na sa atin ang namatay!" Natatakot na pagbabalita ni Daniea habang sila ay naglalakad palabas ng palasyo. Unti-unting nagliwanag ang kasuotan ni Yrniea at naging kakaiba ang panlabas na kaanyuan niya dahil nagkaroon na siya ng bakal na kalasag.

Paglabas nila ay nakahilira ang libo-libong diwata.

"Ito na ang nakatakdang panahon para lumaban ng patas! Hindi natin palalampasin ang gerang ito."

May sasabihin pa sana si Yrniea subalit umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog.

'Kkkaaaabbbboooommmm!!!!'

Kasabay niyon ang pagtangis ng mga kawal na diwata, ang ilan ay agad na humandusay sa lupa samantalang nagtakbuhan naman ang iba palayo sa mga heganting dumarating. Napakarami ng mga ito. Ang ilan ay nagbagong anyo at naging kero. Mabilis na gumalaw ang mga parte nito at biglang umangat sa ere. Napaattras ang mga diwata sa nasaksihan.

"Harang ng kawalan!" Ubod lakas na sigaw ni Yrniea nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na espada. Sa isang iglap ay nasusukuban na ng napakalaking harang ang buong kaharian.

Subalit may walong robot ang nasa loob ng harang kung saan sila naroon. Mabilis ang ginawang pag-atake ng mga diwata. Naging hegante ang mga ito na kasing laki ng mga robot na Vanque at buong tapang na sinugod ang walo.

Nagbagong anyo ang apat na robot naging kero ang mga ito samantalang ang apat pa ay nanatiling hegante.

Nagkapalitan sila ng mga atake.

NAVIED:

Kumakaripas ng takbo ang mga nilalang na apat ang paa.

Napakaraming Tigre ang humahabol sa kanila, napakabilis nilang tumakbo at napakalikot gumalaw habang ang mga buntot nila ay kumakaway, samantalang panay ang putok ng kanyon nito sa likod at pinapatamaan ang mga tikbalang.

"Aahhh!!!" Ubod lakas na daing ng isang tikbalang dahil tinamaan ito. Nagpagulong-gulong ito. Mabilis na nakarating sa kinahihigaan niya ang isang Tigre. Nagliwanag ang armas nito sa likod at nawasak ang bungo ng nakakaawang nilalang.

Huminto ang mga kasamahan ng tikbalang, kinuha ng mga ito ang kanilang mga pana.

Sadyang malikot gumalaw ang mga robot kaya't ni isa ay wala silang napapatamaan, unti-unti nang nauubos ang mga kawal dahil sa galing ng mga ito.

"Takbo!"

Subalit sa puntong iyon ay huminto ang mga Tigre sa pagtakbo, ang mga Binoid sa himpapawid ay nagsitigil sa paglipad samantalang ang mga heganting robot ay tumalikod at nagbabadya nang umalis, maliban sa walong hegante dahil nakulong ang mga ito sa harang ng kawalan. Patuloy ang pag-atake ng mga diwata sa mga iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay may lumitaw na tila television na lumulutang sa ere, mayroon niyon sa lahat ng sulok sa buong Refmun.

"Patikim pa lamang iyan!" Nakakasindak na wika ng hari ng mga Vanque matapus itong lumitaw.

Napahinto ang lahat na nilalang.

"Wala pang sangkapat ng aking hukbo ang umatake sa inyong mga kaharian ay halos mamatay na kayong lahat!" At malulutong na halakhakan ang namayani.

Poot at sama ng loob ang masasalamin sa mukha ng lahat. Lubhang mapanganib ang mga nilalang na Vanque.

"Makalipas ang isang oras ay magpapadala na naman kami ng hukbo! Upang lipulin kayong lahat. Kahit pa magsamasama kayo! Hahaha!"

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon