25. The Mighty Princess

83 10 0
                                    

"Pahiram ng iyong tiera Kandro." Wika ni Chejik, "kailangan na nating hanapin sina Pinding at Zariea. Malapit nang matapus ang isang oras!"

"Hin-------" hindi naituloy na wika ni Elyas dahil may kung anong bagay ang bumagsak.

"P-pinding!" Sigaw ni Kandro habang ang nasa dalawampong bakal na nilalang ay sunod-sunod na nagbabagsakan sa likuran nina Lokque at Zarie.

"Woah!" Si Kandro. "Ang angas mo Pinding! At may mga kasama ka pang bodyguard." Nilapitan isa-isa ni Kandro ang mga humanoid. Tinapik niya ang ulo ng isa. Gumalaw ang ulo niyon.

"Bakit?" Parang nanggagaling ang boses nito sa loob ng napakalalim na balon.

Hindi nakasagot si Kandro dahil sa gulat.

"Wala na tayong oras Mahal na Lokque!" Si Erniek. "Kailangan nating pigilan ang mga Vanque sa paglusob, kung hindi... Tiyak na maraming mamamatay!" Nakakasindak na turan nito.

"Alam ko mahal na Erniek. Kailangan lang muna natinng gumawa na plano."

Napalinga si Lokque. "G-ginoong Elyas!" Bulalas niya. "Natutuwa ako at buhay pa pala kayo!"

"Matibay 'to mahal na Lokque."

"Paano... Impisahan na natin ang plano!" Si Zariea.

Itinutok nito ang singsing sa lupa. May lumabas roon.

"Iyan ang kaharian ng mga Vanque. Mayroon itong apat na looban. Isa sa unahan, sa likuran at sa magkabilang gilid." Pagsisimula ni Zariea.

Nakatayo silang lahat. Ini-angat ang emahe.

"Zoom. Freeze." Muling wika ni Zariea. Lalon lumaki ang kulay itim na kastilyo.

"Babawiin natin ang pinakamakapangyarihang baston na hawak ng Hari. Oras na makuha natin iyon... Magtatagumpay tayo sa misyong ito." Pagpapatuloy ni Zariea.

"Kahit saan ay maraming bantay. Kaya dito tayo dadaan."

"Sa taas?" Maang na tanong ni Kandro.

"Oo Kandro. Sapagkat dito lamang tayo makakapasok. Sisirain natin ang bubong niyon."

"Chejik, Erniek, Kandro, ginoong Elyas at Zariea." Si Lokque. "Kayo ang aatake sa itaas, sa harapan ako a-atake upang matuon lahat ang kanilang atensyon. Ang mga Humanoid na nasa likod ko ang mga kasama n'yo. Gawa sa bakal ang kabuon ng kastilyo kaya mahihirapan kayong pasukin iyon kung wala ang mga robot."

"Subalit mahal na Lokque! Napakadilekado kung kayo lamang ang mag-isang susugod sa harapan." Si Erniek.

"Ako ang pinakamakapangyarihan sa mundong ito mahal na engkanto. May plano akong gawin at nang maturuan ko ng leksyon ang General ng aming hukbo noong dakong una."

"Heneral?" Si Kandro, "Anong kinalaman niya sa kaguluhang ito?"

"Ang Hari ng mga Vanque at mga kalahi nito ang nagsisilbing kawal ng aming kaharian subalit nagtaksil sila sa akin. At ngayon tuturuan ko sila ng leksyon!"

Nagkatinginan ang lahat.

"Zariea! Bigyan mo sila Chejik, Erniek at Kandro ng sandata."

"Masusunod mahal na Lokque."

Biglang nagliwanag ang katawan ni Zariea, napapaligiran ng bolta-boltahing kuryente ang napakaseksi niyang katawan. Ang hapit na kalasag pang gera na kulay puti at itim ay talagang nakakamangha.

Nakakasilaw ang liwanag na iyon.

"Hhhhaaaaaa!!!" Sigaw ni Zariea. "Duplicate!"

"Duplicated." Sagot ng boses.

Napatulala ang tatlo, manghang-mangha ang mga ito. Naging apat ang singsing ni Zariea.

"Ang mga singsing na ito ay reflika lamang, maaari silang mabasag O kaya ay masira. Kaya dapat ninyong paka-ingatan. Madali kayo. Isuot n'yo na."

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon