Dahan-dahang lumapag mula sa ere ang robot na nakawasak sa sasakyan ni Elyas. Tumingin ito sa paligid, nang walang makita ay pinagana nito ang searching ability. May tatlong nilalang na gumagalaw sa banda roon, nasa isang daang metro ang layo ng mga iyon sa kanya. Habang si Kaire na komokontrol rito ay payapa lamang sa pag-upo habang kumakain ng lamang loob ng tao, duguan ang paligid ng bunganga nito. Maihahantulad siya at nang buong lahi nito ang mga Vampire.
"Humanda kayo!" Nababaliw na wika niya. Mag-isa lamang siya sa kanyang silid, sa likod ng pintoan niyon ay may dalawang robot na nagbabantay.
Lumipad muli ang nakakatakot na Vanquenoid at bigla itong sumulpot sa harapan ng tatlo.
"E-erniek!" Bulalas ni Chejik, bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat habang si Erniek naman ay nakatalikod.
"A-" hindi naituloy na wika ni Erniek. "I-iyan ang nakawasak sa sinasakyan ng mahal na Elyas!" Nagulantang na sambit nito. Samantalang si Kandro ay napaka-seryoso; bakas sa mukha nito ang tapang at tibay ng dibdib. Parang normal lamang na krimenal ang nasa harap niya. Isang nilalang na napakapangit ang hitsura at kahawig ng Vampira.
"Sabihin n'yo na ang mga dapat n'yong sabihin mga walang kwentang nilalang!" Anang ng Vanquenoid.
"Walang kwentang nilalang," iyon ang katagang nag-i-ingay sa utak ni Kandro. Nag-apoy ang mga mata nito at buong tapang na inatake ang robot na nasa harapan nila.
'Ttssssoooiuuuubbbbb!'
Tumilapon sa malayo si Kandro, nagpagulong-gulong ang buong katawan nito hanggang sa sumadsad sa malaking puno.
"Isa kang hangal!" Nakakatakot na sigaw ng robot. Hindi na gumagalaw si Kandro.
Mababangis ang mga matang nakatuon sa kinaroroonan ng robot.
"Hahaha! Huwag n'yo nang subukan mga tanga! Kahit ano pang gawin ninyo, hinding-hindi ninyo ako magagapi..." Nanunuyang boses nito. Marahang humakbang papalapit sa dalawa ang robot.
"Aaaahhhhhhh!!!" Ubod lakas na sigaw ni Erniek, may isinubo ito at biglang naging hegante. Nagpakawala siya ng isang napakalakas na suntok sa kalaban.
Napamulagat sina Erniek at Chejik sa nasaksihan.
"A-aray!" Napapatalong daing ni Erniek, mistulang nabali ang kamay niya sa sakit.
Ni hindi man lamang natinag sa pagkakatayo ang Vanquenoid. At isa na namang halakhak ang bumarina sa mga tainga nila.
"Hahahaha! Itigil na natin ang larong ito." At tumilapon ang hegante, natumba ang mga punong binagsakan nito.
"Aaahhhhh!"
Narinig nilang daing ni Erniek.
Sa pagkakataong iyon ay matapang na ring umatake si Chejik. Kinuha nito ang espadang nakasabit sa likuran at mabilis na enatake ang nilalang na nasa harapan.
"Hhhhhaaaaaaaaayyyyyyyyaaaaaaahhhhhh!!!"
Naka-sentro sa gitnang ulo ng nilalang na iyon ang sandata ni Erniek. Subalit, hindi pa man dumidikit ang talim nito sa kalaban ay nabali na iyon dahil sa tindi ng enerhiyang lumabas.
Umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog. "Ttttsseeeeeoooooobbbbbb!"
Tumilapon na din sa malayo si Chejik subalit agad itong bumabangon, itinukod nito ang putol na espada sa lupa. Nakaluhod si Chejik. Sa isang kisap-mata ay nasa harapan na niya ang Vanquenoid.
"Hahaha! Nakaka-awang nila..."
Hindi na nito naituloy ang nais sabihin dahil biglang may tumama sa katawan nito at tumilapon.
"Aaaahhhhhh...." Daing ng Vanquenoid, natumba ang punong tinamaan nito.
Napa-angat ng ulo si Chejik. Labis siyang namangha sa nakita. Nasa tatlong-metro ang taas ng isang nilalang samantalang ang kasama nito na sa tantiya niya ay magkasing-tangkad sila.
"Ok ka lang ba?" Tanong ng bagong dating.
Dahil hindi pa nakakabawi sa labis na nerbyos at pagkagulat. "E.... E-... E-lyas!" Nahihirapang wika ni Chejik dahil nanginginig pa ito.
"Ako nga kaibigan." Nakangiting turan ni Elyas. "Refleka ko lamang ang inyong nakita kanina." Natutuwang dagdag pa nito.
Walang lumabas sa bibig ni Chejik sa halip ay napapikit siya.
"Magpahinga ka muna kaibigan at kami nang bahala sa isang to." Turan ni Elyas sa kaharap matapus makitang tumatayo ang Vanquenoid.
Mabilis na nawala sa kinaroroonan ang robot na iyon. Bigla itong lumitaw sa harapan ni Elyas. At inundayan nito ng malakas na suntok.
Mabilis na yumuko si Elyas, "Ako naman!" Sigaw niya, at ubod lakas na sinuntok ang mukha ng robot bilang gante. Hindi man lamang natinag ang Vanquenoid sa pagkakatayo. Napangisi si Elyas.
Dahil abala ang robot kay Elyas ay hindi na nito napansin ang paglapit ni Andrew mula sa likuran.
Nangisay-ngisay ang Vanquenoid dahil may itinusok si Andrew sa katawan nito. Kitang-kita abg bolta-boltahing lumalabas sa mga parte niyon.
Mabilis na lumayo si Andrew, niyakap niya ang amo; kinarga niya ito at humantong sa kinaroroonan ni Chejik na manghang-mangha sa nasaksihan.
'Bbboooooooommmmmm!!!'
Umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Acción(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)