23.) The Great Inventor Return

114 12 0
                                        

"Tara umalis na tayo." Seryosong paanyaya nito Zariea. Akma na silang lalabas nang walang ano-ano ay may sumabog.

"Bbbooooooooommmmmmm!!!!"

Wasak ang pintuang nasa harapan nila. Mabilis na naghiwalay sila Pinding.

Unti-unti nang naglalaho ang makapal na usok samantalang ang maliliit na parte ng bakal na pinto ay kanina pa lumapag at nagkalat sa lupa, nagka-pirapiraso ang dalawang dahon niyon sa tindi at lakas ng pagsabog. May mga aninong lumilitaw roon.

"Hanapin n'yo ang mga nakapasok!" Mabangis na utos ng isang nilalang, ito marahil ang nagsisilbing pinuno ng mga nilalang sa labas ng silid. Agad na tumalima ang napakaraming Vanque.

Nagkatinginan sila Pinding at Zariea.

"Kailangan nating magmadali Zariea! Bago pa mahuli ang lahat."

"Aaahhhhhh!" Sigaw ng mga kawal.

Pagpasok ng isa ay agad na pinatamaan ng liwanag na nagmumula sa singsing ni Zariea, tumilapon palabas ang kawawang kawal dahil nangingisay pa ito matapus bumalibag ang katawan sa kumikinang na pader.

"Aaaahhhhhh....." Sigawan ng mga kawal. "Ahhhhh..." Sigaw ulet ng iba matapus tunilapon palabas ang ilan, samantalang ang iba ay patay na hindi pa man bumabagsak ang katawan sa marangyang sahig.

At dahil sa na-diskobre kani-kanina lamang. "Ako naman!" Sigaw ni Pinding. Nagliwanag ang buong katawan niya, napapalibotan ito ng bolta-boltahing kuryente kagaya ni Zariea. "Hhhhhhaaaaaaayyyyyyyaaaaaahhhh!"

"Tttttteeeeeeoooooooobbbbbbb!!!' Tsoooobbbb.... Boooommmm!!!" Nakabibinging mga tunog.

Nanginig sa takot ang pinuno ng kawal dahil sa nasasaksihan. Halos hindi na ito makagalaw.

"Lumabas na tayo mahal na Lokque!"

Ngumiti si Pinding. "Tara!"

Kapwa napamulagat at natawa ang dalawa. Ang matapang na pinuno ng mga kawal kanina na ubod ng tapang ay biglang nabuwal nang masilayan sila.

"Ngee!" Pakli ni Zariea. "Hinimatay! Hahaha!"

"Umalis na tayo!"

Halos mapuno ng mga bangkay sa dami ang daanan palabas sa silid na iyon. May natanggalan ng ulo, kamay, paa at may mga nagka-dorog-dorog habang ang mga kulay berding dugo ng mga ito ay umaalingasaw sa buong paligid, bumabaha iyon.

"Kailangan nating hanapin ang aklatan ng kahariian na kung saan matatagpuan ang sekretong talambuhay mo Pinding!"

"Bilisan natin."

"Scan." Si Zariea.

"Which subject to scan?" Sagot ng boses.

"Scan the whole floor plan..." Napabuga ng hangin si Zariea.

May lumabas na liwanag, sa isang iglap lamang: Lumulutang roon ang napakalawak at napakalaking emahe ng isang kastilyo.

"Scanning... Please wait a second."

Nagkatinginan ang dalawa. Sa isang iglap ay naglaho sila. Na siya namang pagdating ng iba pang mga kawal na nagbabantay sa palasyo.

"Woah..." Napapabilib na sambit ni Pinding. "Ang bilis ha."

Hindi umimik si Zariea dahil manghang-mangha ito sa nakikita.

Napa-ikot si Pinding. "A-ang daming aklat!" Bulalas niya.

Nagtataasan ang mga bookshelves sa gitna. Samantalang ang pader nito ay mistulang mga bloke ng mga aklat sapagkat nababalutan ito, puro libro na ang makikita roon sa dami.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon