4.) The Fairies

244 14 0
                                    

The Fairies, and the Giants:

Lumika

Malamig ang simoy ng hangin, tatlo ang buwang tumatanglaw sa nilalang... himbing na himbing ito sa pagtulog. Mala-art exhibit ang kinaroroonan nito dahil sa iba-ibang kulay na nalilikha ng mga ulap.

Kasabay ng magandang tanawin ang orchestra na likha ng mga kulisap, huni ng mga ibon at ngitngitan ng mga punong kahoy na hinahawi ng hangin.

Napakagandang lugar!

Gumalaw ang lalaki. Marahan niyang idinilat ang mga mata.

"Nasa langit na ba ako?" Namamanghang tanong nito sa sarili. "Alangan namang nasa impyerno?" Sita naman ng kabila niyang utak.

Kinusot ni Kandro ang mga mata. Sinampal niya ang magkabilang pisnge.

"Gising na gising ako!" Masayang bulalas niya. "Yeahey!" Sabay lundag. "Aray!" Daing niya dahil nauntog siya sa sanga ng puno.

Tumingala siya, labis siyang nagtaka dahil napakatayog ng punong iyon para mauntog ang ulo niya. Nasa 12-palapag na gusali ang unang sanga niyon sa tantsa niya.

Himas-himas ang bukol sa ulo. Muli siyang tumalon, "aba! Imposible ito.... I got the power!" Sigaw pa niya.

Muli siyang nauntog. Bumulusok siya pababa at naglupisay sa mainit na sahig na nalalatagan ng malalambot na bulak, kulay asul iyon.

Biglang napabalikwas si Kandro. Gumagalaw ang lupa!

Ilang sandali pa ay may lumabas na mga nilalang. Desente ang ayos ng mga ito halatang mayayaman.

Makakapal ang mga mga kulay gintong kwentas na nakapulupot sa leeg, ang malalapad na tainga ng mga ito ay hitik sa mga bato at kumikinang, mula sa balikat hanggang sa mga daliri ay may suot na porcelas at mga dyamanteng singsing.

Maihahalintulad ang anyo ng mga ito sa mga engkanto o diwatang napapanood sa mga pelikula ngunit kasing laki ng mga kapre. Magaganda at napakaamo ng mga hitsura nila, tipong hindi marunong manakit ng kapwa nilalang. Nasa tatlo't apat na metro ang taas nila.

Kalmado lamang si Kandro. Hindi siya pwedeng matakot kahit pa mistulang Dwende na siya sa liit.

May nagsalita sa mga iyon. Ngunit wala siyang naintindihan kahit isang salita.

"Nakaka-inlove ang mga higanteng ito!" Kinikilig na tili ng kanyang isip. "Hoy! Kalalaki mong tao kinikilig ka sa mga lalaki!" Lintaya naman ng kabilang parte ng utak.

Napamulagat si Kandro, itinuro ng napakaganda at sexy na babae ang kinaroroonan niya. Bahagyang gumalaw ang mga dibdib nito at mabilis na dinakma si Kandro. Subalit nakalundag siya ng mabilis.

Nalampasan ni Kandro ang maraming higante, doon niya napansin na magkakaparis ang mga ito. May lalaki at babae. Magdidate pa ata ang mga ito.

Hindi nakontrol ni Kandro ang sarili, dumaosdos siya pababa. Mabilis siyang tumakbo; at dahil napakagaan ng pakiramdam niya ay maraming beses siyang sumasadsad at nadadapa.

"Aaaaarrrrrggggghhhh..." Naiinis na wika niya.

Nagpaulet-ulet sa ginagawa si Kandro hanggang sa mainis siya sa sarili. At dahil doon ay nakalimutan nyang may humahabol sa kanya.

Nagulat si Kandro, may dumakma sa kanang paa niya; parang mababali iyon sa higpit ng pagkakakapit.

"Hhhhhaaaaaa!" Pumapalag na sigaw niya. "Pakawalan mo ako!"

Lumuwang ang magkakapit ng higanteng babae ang paa niya, inilipat siya nito sa kaliwang kamay.

Humupa sa pagsigaw si Kandro. Natutulala siya sa angking kagandahan ng higante. Nakangite ito habang hinihimas ng malaki niyang kamay abg kanyang ulo.

May sinabi ito sa maamo at malambing na tinig subalit wala siyang naintindihan. Lumapit ang lalaking hegante, nagkangitean ang mga ito.

Nagsimula silang maglakad hanggang sa makabalik sila sa pinanggalingan kanina.

Magkaakbay pa ang dalawa. "How sweet...." Wika ng kanyang utak. "Hoy! Huwag kang mainggit." Lintaya na naman ng kabilang utak.

Narating nila ang lugar kung saan may nakalatag na tela, "Napakaromantiko!"

Dahan-dahan siyang ibinaba ng babae at inilagay sa malinaw na baso. Sinubakan niyang akyatin subalit madulas, lumundag siya subalit nauntog lamang siya dahil nilagyan na agad ng takip ang baso. Nagtawanan ang magkapareha.

MABILIS silang nakalayo sa lugar, mistulang buhangin sa dagat ang mga nilalang patungo sa pinanggalingan. Pinapaputukan pa rin sila ng mga ito, ilang saglit pa ay malayong-malayo na sila.

Nanlalaki ang mga mata bi Pinding, namamangha siya sa napakagandang tanawin. Kitang-kita ng kanyang paningin ang tatlong buwan napakalapit ng mga ito, gayundin ang mga planeta (may kulay pula, asul, puti at halohalo ang kulay).

"Nakakamangha." Wika ni Bhiog, kasalukuyan silang nakaupo samantalang si Chejik ay nakafocus sa pagmamaneho. Nasa lima ang upuan sa loob at may sarilin mga kontrol, nakaupo lamang siya dahil wala siyang alam kung abo ang gagawin roon.

Mariing ipinikit ni Pinding ang mga mata. Ninamnam niya ang napakagandang tanawin. "Parang gusto kong tumira rito..."

Ngumite si Bhiog. "Dito kami nakatira Pinding at dito ka na rin titira kasama namin."

"Ito ang Lumika Pinding," si Chejik. "Ang lugar kung saan walang gulo, walang mamamatay tao, walang gera... napakatahimik ng lugar na ito."

"Angkop ang lugar upang sanayin ang iyong sarili sa pakikipagdigma Pinding, lahat ng mga taktika ay itinuturo sa isang paaralan. Pupuntahan natin iyon sa isang araw."

Mabilis na lumilipad ang sinasakyan nila, umiiwas ang mga ibon at mga sasakyang kagaya ng sinasakyan nila. Hindi matataas ang mga imprastraktura sa lugar, berding-berde ang buong paligid samantalang ang mga puno na may makakapal na baging ay nagliliwanag.

"Kalahati sa mga nilalang rito ay hegante Pinding." Pagpapatuloy ni Chejik. "Pero mababait sila, sa katunayan kaalyansa nating mga tao. Mga diwata sila at lubhang matulungin. Iyon nga lamang... minsan ginagawa nilang katuwaan ang mga kagaya natin subalit hinding-hindi ka nila sasaktan. Gagawin ka lamang meron. Upang may saksi sila sa kanilang pag-iibigan."

Tumawa si Bhiog. "Tama si kuya Pinding. Tignan mo ang basong iyon!" Itinuro nito ang malaking baso sa gitna ng dalawang Diwata, babae at lalaki ang mga ito.

"K-kandro!" Bulalas ni Pinding. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon