Halos kalahati sa kaharian ng Lumika ang napinsala ng dahil sa digmaan, sa pagitan ng mga diwata kasama ang mga tao laban sa mga Vanque.
Sa kabila ng sakunang iyon ay nanatiling matatag ang pag-asa nila na balang araw, matatapus din ang digmaan.
"Mahal na Pinuno," bungad ng diwata. Papalapit ito sa kinaroroonan ni Yrniea. "May natanggap akong mensahe galing kay Erniek."
"Ano iyon mahal na Daniea?"
"Nagkahiwahiwalay daw ang grupo nila Erniek sa mahal na Lokque! Ang masaklap pa, ang hukbo ng mga Vanque ay nagsi-alsa balutan na patungo sa Kaharian ng mga Preketor. Binubuo iyon ng napakaraming batalyon."
Naihilamos ni Yrniea ang dalawang palad sa magandang mukha nito. Napakadilim ng balitang iyon. Kinakabahan na siya, nakikita na niya sa kanyang pangitain: nagsisiiyakan ang mga tao, ang mga bangkay ay nagkalat sa buong paligid, ang pagtangis ng mga nilalang ay siya namang pagbubunyi ng mga Vanque. At ang buong kaharian ng Preketor ay nagbabanyang mawasak dahil sa dami ng mga kalabang patungo roon. Ang luntiang mga damo, ang mga matatayog na punong kahoy at sa kabuuan; ang payapang lugar ng mga Preketor ay nagkakagulo nang dahil sa iisang nilalang. Halos itim na ang buong paligid nito dahil sa gera. Talagang mapanganib ang mga Vanque, isang batalyon pa lamang ng mga ito ay halos kalahati na ng Lumika ang nawasak, paano pa kaya kung napakaraming batalyon na iyon.
"Kung ganoon, ipatawag mo ang buong hukbo ng ating kawal. Kailangan nating tumulong! Madalin ka mahal na Daniea."
"Opo mahal na Pinuno." Nakayukong wika ng diwata. Magalang itong umalis.
"Kariea! Kailangan magpadala ka ng mensahe sa Munpre, hihingi tayo ng tulong sa kanila!"
"HUMAYO KAYO!" Ubod lakas na sigaw ng hari ng mga Vanque. "Ang lahat na nilalang na sasalungat sa ating daraanan ay wala nang karapatan para mabuhay!" Napakaraming kawal sa unahan nito, halos hindi na iyon maabot ng kanyang paningin.
"Ahoo ahooo!!!!" Magkakasabay na sigaw ng mga kawal kasabay ng tunog ng kanilabg sandata sa kanilang mga kalasag.
Humalakhak ang Hari. "Wala nang makapipigil pa sa ating Lipi! Hanggang tayo-tayo na lamang ang nakatira dito sa Refmun!"
"Aho!!!! Ahooo!!!"
Itinaasa ng Hari ang hawak nitong baston. Sabay-sabay tumalikod ang mga kawal. Nag-dilim ang kalangitan, isang malakas na tili ng uwak ang narinig.
Isang malagim na kasaysayan ang nagbabadyang mangyari sa lahat ng lahi.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Ação(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...