24.) World Wide War

89 10 0
                                    

"Aaaahhhhhh!!!" Ubod lakas na sigaw ni Pinding. Napakaraming pumasok sa kanyang utak, mga ala-ala na nagdulot para hingalin siya ng husto.

Mariing ipinikit ni Pinding ang kanyang mga mata.

"Kumusta ang iyong pakiramdam Pinding?" Nag-aalalang tanong ni Zariea.

"P-pinding?" Maang niya. "Ako si Lokque mahal na binibini."

Napamulagat sa narinig si Zariea. Ngumiti siya. "Maligayang pagbabalik mahal na Lokque! Ako si Zariea..."

Natawa si Lokque. "Alam ko."

"Tsk! Akala ko pa naman nakalimutan mo na ako."

"Hindi ko makakalimutan ang isang tulad mo Zariea... Mabute pa umalis na tayo rito."

"Sige..."

Muling ipinikit ni Lokque ang mga mata. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng buhay ang mga robot sa paligid.

"Amo. Lubhang mapanganib ang robot na iyon."

"Tama ka Andrew. Napakalakas niya!" Bulalas ni Elyas.

"A-ang mga kasama ko mahal na Elyas." Sabad ni Chejik.

"Huwag kang mag-alala Kaibigan ako na ang bahala."

"Chejik."

"Alam ko na ang iyong pangalan Chejik. Salamat." Tumayo si Elyas. Hinanap ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ni Kandro at Erniek. Mas kritikal ang lagay ng una kaya lumapit siya rito.

Nagliwanag ang singsing ni Elyas. Pinatamaan niya ng liwanag na iyon ang buong katawan ni Kandro.

"Scanning..." Anang boses. "Internal damage determined. Wait a couple of seconds..."

Napatango-tango si Elyas.

"Repairing the damage and will revived the lost few second from now..."

Liwanag lamang ang gumagamot kay Kandro. Samantalang nanunood lamang si Chejik sa ginagawa ni Elyas buhat sa malayo. Dumukot ng Deque sa bulsa si Chejik at itinurok sa braso. Ilang sandali lamang ay nanumbalik na ang kanyang lakas.

"Operations completed."

Umaliwalas ang mukha ni Kandro. Hindi pa man nagkakamalay ay tinungo na agad ni Elyas ang kinaroroonan ni Erniek.

"Scanning... Unconscious... Building new cells on his brain will take a couple of seconds... Operations done."

Dahan-dahang bumangon si Kandro. "A-anong nangyari?"

"Iniligtas na naman niya tayo Kandro." Turan ni Chejik dahil mabilis itong nakalapit sa kanya.

"M-mahal na Elyas!" Bungad na wika ni Erniek matapus masilayan ang mukha ng kaharap. "P-patay na b-ba ako?"

Natawa sa tinuran ng kasama si Elyas. "Buhay ka kaibigan! Buhay na buhay."

DREIN:

Hindi malaman kung saan tatakbo ang mga 'itim na nilalang' matapus lumikas mula sa kanilang kaharian.
"Lusob!" Mabagsik na sigaw ng pinunong kawal. "Hhhhaaaaaaa!!!"

Lubhang mapanganib ang mga nilalang na kulay pula at may dalawang sungay O kilala sa tawag na Preketor.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon