2.) The First Encounter

490 14 0
                                        

The First Encounter of the Great Inventor and the enemy, the Vampires:

KAPERNA.

Maraming sasakyan sa himpapawid, ang mga gusaling matatayog ay tila nag-uunahan paakyat sa langit. Ang mga tao ay patungo sa iba't ibang direksyon.

Napaka-modernong mundo. Halos kalahati ng bilang ng mga tao sa lugar ay hindi na naglalakad. May suot ang mga paa nila na kusang lumilipad, utak ang komokontrol rito.

Samantalang sa gilid ng mga daan matatagpuan ang mga stablisyementong makabago. Sari-saring mga produkto ang ipinagbibili roon. Sa mismong kalsada naman ay makikita ang makabagong technolohiya. Ang mga kotse, motor, delivery truck, at iba pang sasakyan ay tumatakbo kahit walang nagmamaneho sa mga ito. Ibang-iba ang mga iyon kumpara sa mga sasakyang nakikita natin sa kasalukuyan.

"Tignan mo, may napatay na ang taong ito." Anang lalaki, payat ito at may hawak na gaget. Nakatutok ang bagay na iyon sa taong naglalakad patungo sa looban papasok sa parke. "Ilan kaya ang patong nito sa ulo?"

"Aba malay ko." Sagot ng kasama nito.

"Bingo! Tignan mo Chejik, isang daang libo ang patong nito sa ulo!"

"Oh shit."

"Oh ano pang ginagawa mo? Huliin na natin!"

"Hay nako barya lang iyan Bhiog bakit ko aaksayahin ang bala ko sa nilalang na iyan!"

"Bahala ka." Mabilis na itinago ni Bhiog ang tablet nito. "Kanina pa tayo naghahanap ng pera, nang andyan na ayaw pang kagatin." Maliksing lumundag mula sa kinauupuan si Bhiog. Hinugot nito ang malaking baril sa likod at inasenta ang malaking lalaki, "Open fire!"

Kusang pumutok ang baril. Tinamaan ang lalaki at nangisay ito dahil sa kuryenteng ibinuga niyon. Napatingin ang mga tao sa kinaroroonan ni Bhiog at sa lalaking nakahandusay sa daan.

"Hahaha!" Masayang tumawa si Bhiog. "One hundred thousand pen has been transferred to your account!"

Sanay na ang mga tao sa ganoong pangyayari, ni hindi man lamang pinag-aksayahang tulungan ang walang malay sa daan. Ilang sandali pa ay lumutang ang lalaki. Napaangat ng ulo si Bhiog samantalang pasimpleng nakaupo si Chejik sa upuang nakalaan para sa mga tao sa gilid ng daan. Nagliliwanag ang walang malay na lalaki ilang saglit pa ay naglaho na roon dahil kinuha na siya ng mga Pulis gamit ang sasakyan ng mga ito.

PARANG gumagalaw ang kinaroonan niya, mabibigat ang mga talukap ng kanyang mata... Marahang idinilat ni Pinding ang mga iyon.

Medyo nanlalabo pa ang kanyang paningin. May naaaninag siyang apoy sa di kalayuan. Nasa unahan niya ito. Mabilis siyang nahimasmasan ng mapagtanto kung anong nangyayari. Kasalukuyan siyang nakapatong sa malalaking troso, gumagalaw ang mga ito patungo sa isang lutuan... Napakalaking lutuan!

Mabilis siyang kumilos. Ilang sandali pa ay nasa isang dipa na lamang ang distansya niya mula sa nangangalit na apoy. Tumakbo siya palayo roon.

Lumundag si Pinding. "Hhhhaaaaa..." Nagtaka pa siya dahil ang lakas-lakas niyang tumalon. Sinubukan niyang maglakad. "Aaaahhhh!" Parang ang gaan ng pakiramdam niya. Halos hindi niya makontrol ang sarili, hindi siya makapaglakad ng maayos. Muli siyang tumalon, nalampasan niya ang napakatayog na puno ngunit nang lumapag na siya ay sumadsad siya pababa nauuna ang ulo. Tumihaya siya. "Nasaan kaya ako?" Nagtatakang tanong niya sa sarili.

Muli niyang sinubukan ang bagong abilidad. Ginaya niya ang moon walker. Nadapa siya, hindi niya alintana ang sarili dahil ang gaan talaga niya; kung ilang beses siyang nadapa ay hindi na niya mabilang.

"Aaaahhhh...."

Para siyang lobo na sa kunteng ihip lamang ng hangin ay matatangay na.

Subalit hindi naman siya tinatangay ng hangin, sa katunayan ay napakalakas ng hangin sa kinatatayuan niya.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon