13.) The Fallen Comrade

148 8 0
                                    

The Fallen Comrade: In the battle one must die when his part of the mission will done, for the sake of war.

Agad na napansin ng mga Vanque ang pagdating nila. Mistulang nakapaghanda na ang mga ito.

Napakalinaw ng ilog, may munting talon iyon sa bandang itaas; habang ang mga puno at halaman ay nagsisilbing palamuti sa mala-paraisong harden. Subalit, dahil sa mga Vanque ay nag-iitim na iyon dahil sa sobrang dami nila.

'Eeeeeeeeeiiiiiiiiiiiiikkgggghhhhhhhhhhtt!!!' Masakit sa tainga ang daing na iyon ng mga enerheya.

May papalapit na mga liwanag, napakabilis niyon.

"Sets eject!" Maagap na sigaw ni Chejik, alam niyang aabutan din sila kung sakaling iilag niya ang minamanihong kero.

Agad na naging abo ang kero, halos magkakasunod na bumagsak sa lupa ang mga upuan sa iba't ibang direksyon.

"Hanapin n'yo ang Lokque!!!" Malakas na sigaw ng nilalang.

"Masusunod kapitan!"

Gumagalaw ang mga ilong nila, kahit lubog iyon ay malakas naman ang pang-amoy.

Napakabangis ng mukha nila, ang suot nilang kalasag na kulay putik ang lalong nagpapakisig sa malaki nilang katawan.

"Madali kayo!" Ikinumpay ng pinuno ng kawal ang nagliliwanag na baston.

DAHAN-dahang umalis sa kinauupuan si Pinding. Luminga siya sa buong paligid. Muli na naman siyang napalayo sa mga kasama.

Ilang sandali pa ay biglang gumalaw ang lupa. Galing ang mga ito sa itaas at bumagsak ang mga paa ng kalaban. Napapaligiran siya ng mga pangit na nilalang, napakabagsik ng mga mukha nila.

'Kailgan kong makalayo," wika ni Pinding sa sarili. Maliksi siyang lumundag pataas.

Mabilis siyang nakalayo sa kumpolan ng mga nilalang subalit nang lumingon siya ay wala na rin ang mga ito roon. Sinubukan niyang tumingin sa ibaba habang nasa ere. Lumaki ang bilog ng kanyang mga mata dahil napakabilis tumakbo ng mga halimaw. Patungo ang mga ito sa direksyon kung saan siya babagsak.

Mabilis siyang nag-isip, walang mangyayari kung magpapahabol lamang siya; kailangan niyang gumawa ng hakbang. Nagbakasakali siya.

Naghihinatay na ang mga Vanque sa paglapag niya. "Ngayon na!" Ubod lakas na sigaw ni Pinding. Tapun dito tapun doon... Ang istilong walang kupas na natutunan niya sa mundo ng mga tao. Sunod-sunod na pagsabog ang nilikha niyon. Muli siyang dumukot dahil may dalawa pang nakatayo, sa pagkakataong iyon, kitang-kita ng mga Vanque ang hawak niyang granada. "Ito pa! Aahhhhh...."

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon