21.) The Realm of Lokque

100 8 0
                                    

Mabilis na nakalayo si Pinding pagkalapag niya sa lupa; napakatulin niyang tumakbo. Halos sumama ang mga sanga ng mga halamang nadadaanan niya.

"Haaa!!!" Ubod lakas na sigaw niya at sinuntok ang napakatayog na puno. Dahil sa tindi ng enerheyang nailabas ng kamao niya ay nabali iyon.

Nagliparan ang mga kawawang ibon dahil nasiraan sila ng tahanan.

Galit na galit sa sarili si Pinding. "B-bakit?" Naiiyak na wika niya. "Kailangan ako ng lahat ng nilalang subalit wala pa akong nagagawa para makatulong!"

Pakiramdam niya ay napakahina niya. "Hindi!!!!"

Napaluhod siya. Madamdaming tumingala sa langit. "Oh Diyos ko! Patnubayan n'yo sana ako sa labang ito..."

Natigilan sa ginagawa si Pinding dahil may lumabas na emahing lumulutang sa ere.

"Kami na ang maghahari sa buong Refmun!" Anang boses.

"Hindi!!! Hindi ako papayag!" Ubod lakas na sigaw ni Pinding.

"Lilipulin namin ang lahat ng lipi hanggang sa kami na lamang ang matira sa planitang ito!"

Mabagsik na napatayo si Pinding dahil sa narinig. Naalala niya si Bhiog, ang mga enosenting nilalang na nakahandusay at namatay sa gitna ng gera, at ang pagkawasak ni Elyas dahil iniligtas sila. "Hindi maaari!!! Hanggat nabubuhay ako!" Nabuhayan siya ng loob. Lalaban na siya hanggang sa ikatatahimik ng Refmun, kahit pa ikamatay niya.

"Pagkatapus ng isang oras ay sasalakay muli ang aking hukbo at lilipulin ang lahat ng lipi!"

Nahimasmasan na nang tuluyan si Pinding.

Naglaho na ang emahe ng pangit na Vanque.

Seryoso ang mukha ni Pinding. "Kailangan ko nang makalayo rito." Nagsimulang tumakbo si Pinding.

Hindi pa naman siya nakakalayo ay napahinto siya. May nararamdaman siya...

"Aaahhhhhhhhhh!!!!" Anang boses, napakalakas ng sigaw na iyon at mukhang babagsak pa ito sa kinaroroonan niya.

Mabilis na umupo si Pinding at ubod lakas na sinalo ang upuan.

"Hhooooooo!!!" Anang boses.

Maingat na ibinaba ni Pinding ang bagay na iyon.

"Z-zariea!"

"Pinding."

Hindi umimik si Pinding, dahan-dahan siyang tumalikod at nag-umpisang tumakbo. Mabilis namang tumayo si Zariea mula sa upuan ng nawasak na kero ni Chejik.

"Hoy! Sandali!"

Nagpatuloy sa pagtakbo si Pinding na parang walang narinig.

"Paano ang mga kasama natin?"

Napatigil si Pinding sa tanong na iyon ng babae. Mabilis siyang naabotan ni Zariea.

"Mahahanap din nila tayo sa pamamagitan ng tiera."

Napatango si Zariea. "Ah Oo nga pala."

"Tara!"

Magkasunod silang tumatakbo sa iisang direksyon.

"Saan ang tungo natin mahal na Lokque?" Malambing na tanong ni Zariea, may halong panlalandi ang tono nito sa katagang 'mahal'.

"Ewan! Basta sumunod ka na lamang..."

Kumikinang ang kuwentas ni Pinding habang tumatakbo, mistulang lumalakas ang liwanag na inilalabas niyon hanggang sa magliwanag ang buo niyang katawan. Sinubukan niyang lingunin ang kasama. Namangha siya sa nakita dahil kapwa sila napapaligiran ng liwanag. Tumindi ang liwanag na iyon.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon