"AMO!" Sigaw ni Andrew, kasalukuyan itong nakatayo; hugis tao siya nasa tatlong metro ang taas. "May mga parating. At ayon dito sa radar ko napakarami nila."
"Kung ganoon dapat na tayong umalis sa lugar na ito!" Matapus sabihin ang mga katagang iyon ay isang napakataas na turning kick ang pinakawalan ni Elyas.
"Woah... Magaling amo, napakadali n'yong turuan." Parang mabubuwal mula sa pagkakatayo ang robot, nagpapalit-palit ang posesyon ng mga parte nito at mabilis na naging sasakyang panghimpapawid muli. "Sakay na amo! At nang masubukan ang bago n'yong abilidad!" Nagagalak na dugtong ng robot, ang boses nito ay parang nagmumula sa loob ng isang malaking lata.
Napangisi si Elyas. "Roger that Sir!' Mabilis na hinigop papasok sa ekarpe si Elyas.
"Pupuntahan na ba natin ang pakay amo?"
"Tsaka na. Sasalubungin natin ang mga parating." Seryosong wika nito.
"Sandali lamang amo...." May lumabas na loading sign sa harapan ni Elyas, lumulutang sa ere ang mga emahe. Ilang sandali lamang ay nakikita na nila niya ang mga papalapit. Nasa limampo lahat iyon.
"Mga paniking dambuhala!"
Ang bawat isa roon ay katulad ng get fighter ang sukat.
"Mga Binoid mahal na amo. Ayon sa datà ko màpanganib sila. Walang katapusan ang kapangyarihan, ang kanyon nito sa likod ang tanging sandata at lumilipad 200k km/h." Kitang-kita ni Elyas ang bagay na sinasabi ng kanyang robot dahil lumalabas iyo sa kanyang harapan. "Mapanganib sila amo!"
"Hahaha! Pwes makikita nila!"
May dinukot sa bulsa si Elyas.
"Naging singsing na ang kwentas mo amo! Marami na ngang nagbago!"
Maingat na isinuot ni Elyas ang kanyang singsing sa gitnang daliri niya sa kanang kamay. Ipinikit ni Elyas ang mga mata. Mabagsik ang maamong mukha nito pagdilat ang mga iyon.
"Clone reflect!"
"Pupuntahan na natin ang mahal na Lokque."
"Multi-tasking ito amo!" Nagagalak na naiwika ni Andrew.
At ang dalawang bagay na nasa himpapawid ay nagkahiwalay patungo sa magka-ibang direksyon. Ang isa ay nakaharap sa mga parating na kalaban habang ang isa ay sa bandang kanan.
Napapatingala ang mga nilalang sa ibaba sa tuwing dumaraan sa himpapawid ang mga hindi pangkaraniwang nilalang, mabilis na naglaho ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Action(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)