Pagbabalik sa Nakaraan

120 8 0
                                    

"Lokque!!!"

Napakalakas na sigaw ni Elyas. Ang mga mata niya ay kakikitaan ng bagsik na ngayon lamang niya ulet nagawa.

"Submerge!" Agad na wika ni Elyas.

"Roger that amo!" Sagot naman ni Andrew.

Napatingala ang mga kawal na Vanque sa nagliliwanag na sasakyan pababa sa kanila.

"Hhhaaaaaaa!!!" Sigawan ng mga kawal na Vanque.

'Tttiiiiiooooobbbbbb!' Halinghingan ng mga liwanag. Nakakatulig ang tunog niyon na parang mababasag ang air drum ng tainga.

"Reflect!"

Napuno ng liwanag ang buong katawang bakal ni Andrew.

"Fire!!!"

'Kaaaabbbboooooooommmmm!!!"

Napamulagat ang mga Vanque at tumilapon sa iba't ibang direksyon matapus masabugan.

"Ubos na ba sila Andrew?"

"Hindi pa amo. Tignan mo ang radar! Napakarami pang parating."

Halos manlaki ang mga mata ni Elyas ng masilayan ang galaw ng mga kalaban. Napakabilis kumilos ng mga ito patungo sa kanilang direksyon.

Subalit agad na nag-isip ng taktika si Elyas.

"Clone reflect! Hundred times!"

Napahinto ang mga kawal na Vanque nang makita ang nangyari sa nag-iisang bagay sa himpapwid rumami ito at animo ay isang buwan dahil nagliliwanag.

"Mahal na panginoon sinasalakay tayo!" Pagbabalita ng isang kawal kay Karep.

"Hayaan mo sila mahal na kawal." "Anti gravity!" Baling ng Hari sa 'bola ng kawalan na kasalukuyan pa ring naglalabas ng mga kidlat at kalat-kalat na pagsabog.

'Eeeeeeeeeekkkkkkkkkk!!!" Nakakatulig na ngitngit ng bola. Ilang sandali pa ay nagsilutang ang lahat ng bagay sa paligid maliban sa mga Vanque. Gumalaw ang lupa. Ang mga puno sa lahat ng dako ay unti-unti nang nabubunot mula sa pagkakatanim niyon. Ang mga Drein, Pulks at Navied na kasalukuyang inaatake ng mga Hayonoid ay hindi magkamayaw sa kasisigaw samantalang binabaril sila ng mga ito sa pamamagitan ng kanyon sa likuran; ang mga tubig ay nagsimula na ring umangat kasama ng mga Zakque na kasalukuyang tinatawid ang ilog habang inaataki ng mga transnoid. Ang mga sirang parte ng mga kaharian ay nagsilutabng na rin at ang mga umaalingasaw na bangkay.

"Ano nang nangyayari?!" Malakas na tanong ni Kandro habang nakakapit sa bubungan, nakaangat na ang mga paa nito maging sina Zariea, Chejik at Erniek habang ang mga humanoid ay patuloy pa rin sa pagbubutas ng bubungan para sila ay nakapasok.

"Madali kailangan na nating makapasok sa loob!"

Pinapailawan ng mga humanoid ang bakal na bubongan. Ilang sandalinpa ay butas na iyon habang ang parte nito ay lumutang na sa ere.

"Isipin nyong nasa ibaba na tayo!" Malakas na wika ni Zariea.

Sa pagdilat ng kanilang mga mata ay bumungad sa harapan nila ang isang nilalang; may nakasabit na kung anong bagay sablikod at napaka-astig tignan dahil sa tindig nito na parang papatay sa isang iglap lamang. Nasa loob na sila, sa parting ito ay hindi nagsisilutang ang mga bagay na naroon.

"K-kaire!" Bulalas ni Erniek.

"Siya ang kaisa-isang anak ni Kaper." Dugtong naman ni Chejik.

"Mabuti naman at kilala nyo ako. At... Kayo na mismo ang lumapit patungo sa kamatayan!"

Pagkasabi niyon ay agad na naglaho si Kaire.

"Hahh!!!" Gulat na gulat na wika ni Kandro dahil nasa harapan na niya ang robot.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon