"Mahal na Panginoon! Ang ikinakatakot ng lahi ay nangyari na..."
Napatayo sa narinig si Karep, ang hari ng mga Vanque. Nagdidilim ang mga paningin nito. Ang hawak niyang baston ay itinaas.
"Hinding-hindi ko i-susuko ang bagay na ito!"
Nakakatulig na sigaw niya, kasunod niyon ang isang malaking uwak na lumipad sa himpapawid at tumili ng ubod lakas.
"Kkkwwwwwaaaaaaakkkkkk!!!"
"Sabihin n'yo sa dakilang Prowes na ihanda ang lahat na likha niya. Ilang sandali na lamang ay a-atake na tayo sa lahat ng nilalang!"
"Masusunod Panginoon!"
Muling na-upo sa lumilipad na trono si Karep. Dapat niyang kalmahin ang sarili kahit pa alam na niyang nagbalik na nang tuluyan ang tunay na Lokque.
"Hindi ako padadaig!"
Nanariwa sa kanya ang mga ala-ala:
"Ama..." Tawag ng munting paslit na si Karep. "Bakit tayo sumusunod sa mga pinag-uutos ng mahal na Lokque?" Nakatingalang tanong niya sa kanyang ama na pinuno ng kawal sa buong daigdig.
"Sapagkat sila ang pinakamakapangyarihan anak. May karapatan silang utusan ako O tayo at sumunod dahil ito ang aking tungkulin."
"Tungkulin ba ama? Pagmasdan ninyo ang lahat na nilalang sa buong mundo. Lahat sila ay matiwasay na nabubuhay samantalang tayo ay hito... Utusan!"
"Hinayan mo ang iyong boses anak."
"Hanggang kailan tayo magpapa-oto sa kanila? Ang ibang nilalang nagsisipag-aral, ang ibang nilalang nagdiriwang, ang ibang nilalang nabubuhay ng matiwasay; kasama ang kanilang mga pamilya. Samantalang tayo? Tayong mga alipin ay walang karapatan? Nasaan ang katarungan ama? Nasaan?"
"Anak..." Mahinay na wika ng Ama. "Tanggapin na natin ang stado ng ating buhay sapagkat ito ang ating kapalaran."
"Kapalaran ba kamo ama? Alam n'yo bang sa tuwing pag-alis n'yo upang sumuong sa gera ay hindi kami mapakali ni Ina? na kung sa pag-uwe n'yo ay malakas ka pa O hindi kaya ay bangkay na... Samantalang ang iba d'yan kasakasama ang buong pamilya."
Napaluha ang ama. "A-anak..." At buong higpit na niyakap ang anak.
"Walang araw na hindi ko inisip ang inyong kapakanan anak. Kailangan kong gawin ito para sa ating pamilya."
"Walang kwenta ang bagay na iyan ama hanggat nakatali at nakahukay ang kalahati ng inyong mga paa. Ang kailangan ko ay buo palagi tayo... walang panginoon na sinusunod, walang haring niyuyukuan..."
"Kailangan natin silang irespeto anak."
Humupa si Karep. Minabuti na lamang niyang tumahimik.
"Ina, ano kaya ang pinagkakaguluhan ng mga tao roon?" Tanong ni Karep sa butihing ina.
"Hindi ko alam anak."
Matapus magpa-alam ay lumapit sa kumpolan ng mga tao si Karep.
"Talaga? Bibigyan ang lahat kagaya niyan?" Masayang tanong ng lalaki.
"Oo kaibigan, ito ay isang sasakyan na likha ng amang hari. Hindi na tayo maglalakad."
Sumiksik si Karep sa kumpol ng mga tao. 'Isang bagay na lumilipad?' Tanong niya sa sarili, samantalang nasa harapan nito ang isang kotse na walang gulong subalit nakakalipad.
"Hoy pangit!" Sigaw ng isang nilalang sa likuran nito.
Napatingin sa kanya ang lahat na naroon.
"Isa kang anak ng alipin, lumayas ka rito!"
"Walang ilong! Hahaha!" At pinagtawanan siya ng lahat.
Tiningala ni Karep ang lahat dahil maliit pa siya. Kinabisado niya ang mga mukha ng mga ito. Samantalang sa paligid ay napahinto ang ibang nilalang na naroon upang umusyoso. Mayroong Drein (maiitim), Pulks, Navied (tikbalang), Zakqei (apat ang kamay), Berique (iisa ang mata), Niean at mga naliliit na nilalang, Piliea O Dwende.
'Bakit ako lamang ang tinutukso?' Tanong niya sa sarili, sapagkat alam niya na napakagwapo niyang bata. Halos lahat nga ng kalahi niya kagaya ang edad ay kinukursunada siya.
"Alis sabi!" Sabay sipa ng malakas. Ang kawawang si Karep ay tunilapon paitaas.
"A-aray...." Pinilit niyang tumayo.
"Umuwe ka na bata sapagkat wala kang karapatan sa lugar na ito. Isa ka lamang alipin!"
"Panginoon nakahanda na po ang mga kawal!" Agad na wika ng kawal.
Napahinto si Karep sa pagbabalik tanaw.
"Mabuti. At panahon na para masolo ang planetang ito!"
LUMIKA...
"Mahal na pinuno, si Erniek ay may mensahe para sa inyo." Ini-abot ni Daniea ang maliit na bilog, katulad ito ng piso.
"Salamat."
Pinindot bi Yrniea sa magkbila ang hawak na bilog.
"Mahal na pinuno, kailangan na ninyong maglakbay patungo sa kaharian ng mga Vanque sapagkat kailanga namin kayo at ang buong hukbo upang magapi ang mga Vanque. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa ibang mga kaharian para tumulong."
Halos sabay-sabay na nabasa ng lahat ang mensaheng iyon.
Ang mga kahariang Ieaninun, Drein, Pulkz, Navied, Zakquei, Berique, Niean, Piliea, Kaperna maliban sa Preketor na kasalukuyan pa ring lumulusob sa mga maliliit na kaharian ay nakatanggap ng ganoong mensahe.
"Mas mainam ang mamatay na lumalaban!" Ubod lakas na sigaw ng lahat. 'Hanggang sa kamatayan!!!"
"Hanggang kamatayaaaaannnn!!!!"
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Aksi(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)