The Truth:
The announcement of the arrival of the King of All King in the Planet of Refmun, The Great Inventor.
KAIREQUE
Mistulang patay ang lugar na ito, kahit saan ka tumingin ay puro itim ang iyong makikita. Wala ni isa màng puno roon.
Nagliliparan ang mga uwak, paakyat sa langit ang maiitim na usok na nagmumula sa mga pabrika.
Napakaingay ng lugar. Kalingkingan ng mga bakal, tunog ng mga makina at sigawan ng mga nilalang ang tanging naririnig roon.
May mga grupong nagsisidatingan. Mistulang aso ang mga ito sa paghinga, naglalakad sila sa gitna samantalang sa gilid nakahilira ang mga kawal ng kaharian.
Yumuko ang pinakaleader ng mga ito matapus makarating sa dulo, lumuhod ito. "Mahal na Panginoon!"
Taas noong nakatingin ang malaking nilalang sa kanyang harapan. Napakabagsik ng mukha nito. Ang magkabilang kamay ay nakapatong sa kumikinang na trono.
"Nagsimula na ang mga pangitain! Ang lahi ng pinakamakapangyarihang nilalang sa ating mundo ay muling nagbalik!" Nakayukong pagbabalita ng kawal.
Napangisi ang hari, "Isang kahangalan! Matagal ko nang nalipol ang mga Lokque."
"Iyan din ang pagkakaalam ko Panginoon! Subalit ang taluktok ng kaharian ng mga Lokque ay nagliliwanag!"
Napatayo ang Hari dahil nabigla ito sa narinig. "Imposible!"
Ang kaharian ng mga Lokque ang siyang pinakamalaki at pinakamataas na kastilyo sa Reflekang mundo. Nakatayo parin ang palasyo kahit marami na itong sira na sanhi ng digmaan. Kusang nawala ang liwanag sa tuktok ng kaharian nang mapaslang ng Vanque ang kahuli-huliang lahi nito.
Malalakas ang mga Lokque, ang mga armas na likha nila ay walang kapantay ang lakas. Sa katunayan sila ang lumikha ng mga baston, ito ay isang uri ng sandata na kapag ipinatama mo sa isang nilalang o bagay ay nagiging abo ito. Idagdag pa ang natural na lakas, kahit isang suntok ng mga ito ay kayang pumatay.
"At may..." Pagpapatuloy ng kawal. "At nalagasan tayo ng mga sundalo, labing siyam ang namatay sanhe ng Paruk (sandatang gamit ng mga tao). Ang isa roon ay namatay sa iisang suntok!"
Napangisi ang Vanque. "Kung ganoon, ihanda mo ang mga kawal. Hanapin ninyo ang Lokque'ng iyon! Gamitin nyo ang armas na likha nila laban sa kanila!" Malakas na sigaw nito.
"Makakaasa ka Mahal na Panginoon!"
Ikinumpay ng kawal ang kanang kamay, nilisan nila ang kaharian sakay sa Moquer (motor).
"Chejik! Kilala ko ang taong iyon!"
Hinihinto ni Chejik ang kero. "Bhiog," baling nito sa kapated. "Bigyan mo ng tiera si Pinding."
"Para saan naman to Chejik?" Agad na tanong ni Pinding sa hawak nito. Katulad ito ng hearing aid.
"Translator iyan Pinding. Kahit anong wika sa daigdig na ito ay maiintindihan mo. May kakayahan ka ding magsalita at makipag-usap oras na nagsalita ang kausap mo." Paliwanag ni Bhiog.
"Kaya pala may suot din kayo nito..."
Ngumite ang magkapated. "Tara bumaba na tayo!"
Kasalukuyang kumakain ng masarap na tinapay si Kandro nang mapansin niya na may lumilipad na bagay malapit sa kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Action(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...