7.) The Drug lord New Life

165 10 1
                                    

Hinihingal ang isang nilalang. Mabilis itong tumatakbo, napated ang paa nito at nadapa. Iginala nito ang mga mata at pinilit na tumayo.

"Huminto ka!" Sigaw ng humahabol sa kanya. Subalit nagpatuloy siya sa pagtakbo.

'Bang!'

Umalingawngaw ang putok ng baril. Humandusay sa putikan ang katawan ng nilalang. Kitang-kita pa ang liwanag ng kuryente sa katawan nito.

Nagliparan ang mga ibon dahil sa lakas ng pagsabog.

NAPATAYO SILA PINDING. Nagkatinginan sila.

"Halikayo at titignan natin kung ano nang nangyayari sa lugar na iyon, malapit lang dito ang pagsabog!" Pagyaya ni Chiog.

Tumakbo sila. Ilang sandali lang ay natunton nila ang lugar.

May nilalang na nakahandusay sa putikan, habang may papalapit na lalaki rito; may hawak itong baril na mahaba.

Kinusot ni Pinding ang mga mata. "Kandro, tignan mo ang mukha ng lalaki!"

"Parang familyar siya sakin Pinding." Saglit na nag-isip si Kandro. "Tama! Siya nga."

Magsasalita pa sana si Kandro ngunit napatigil siya dahil biglang bumangon ang nilalang na nakahandusay kanina.

May hawak na baril ang nilalang, mistulang 45-kalebre dahil maiksi lamang ito. Maagap niya itong kinalabit matapus ang ilang sandali.

Muling umalingawngaw ang isang pagsabog. Tumilapon ang babae, paglapag ng katawan nito sa lupa ay may dumadaloy pang kuryente sa kanyang katawan.

"S-si... Eduard..." Biglang nasambit ni Pinding.

"Oo Pinding, yan din sana ang sasabihin ko.

"Tara lapitan natin." Anyaya ni Pinding.

"Saglit lang mahal na Lokque!" Pigil ni Erniek. "Mukhang may mga parating."

Natigilan sila Pinding sa sinabi ni Erniek. Ilang sandali pa ay may nagsidatingan nga.

"Mga Ernaque!" Wika ni Chejik sa kontroladong boses. "Dapa." Dumapa sila.

Mabilis gumalaw ang mga Ernaque, gumagalaw-galaw pa ang kulay berding buntot ng mga ito.

"Sila ang tagapataguyod ng katahimikan rito Mahal na Lokque." Paliwanag ni Ernique. "Narito tayo sa teretoryo nila, huwag kayong mag-alala mababait ang mga iyan." Pagpapatuloy pa nito.

Muli nilang ibinalik ang atensyon sa mga nilalang sa di kalayuan.

Itinaas ni Eduard ang hawak nitong sandata. Labing-limang Ernaque ang nakapalibot sa kanya. Mapayapa siyang sumuko sa mga ito.

Dinampot nila ang babaeng nakahandusay at umalis na ang mga ito sa lugar.

"Wala silang kaalyansa sa mundong ito mahal na Lokque. Hindi katulad natin, nasa apat tayong lahi na naghahangad ng katahimikan. Mag-isa nilang hinaharap ang sinoman at handang magbuwis ng buhay alang-alang sa Inang tinubuan.

Tumikhim si Kandro. "Apat ba kamo?"

"Oo kaibigan. Ang lipi namin, ang lahi ninyong mga tao, angkan ng mga kapre at ang huli ay ang lahi ng mga Lokque."

"K-kapre ba kamo Erniek?" Si Chejik.

"Oo kaibigan, mga hegante sila."

"Hindi ba, hegante rin kayo?" Sunod na tanong ni Bhiog.

"Ang totoo niyan wala naman talagang kapre o hegante."

Napakunot ng noo ang apat.

"Ang gulo nun ha." Sabat ni Kandro.

"Ako man noong una. Isang malaking palaisipan ito sa marami. Subalit nang malaman namin ang malaking sekreto sa likod nito... Sa tulong ni Elyas ay nagiging hegante rin kami."

"E-elyas ba kamo?"

"Oo mahal na Lokque. Si Elyas. Siya ang taong tumulong sa lahi ninyo kung bakit may natitira pang Lokque sa buong uniberso. Peace maker siya sa Munpre."

Seryosong nakikinig ang tatlo. Samantalabg si Pinding ay nag-iisip.

"Ang Mundo ng mga Kapre." Pagpapatuloy bi Erniek. "Napakalayo ng planetang iyon buhat rito."

"Paano naman siya napadpad sa mundong ito kung ganoon?"

"Sa pamamagitan ng isang lagusan mahal na Lokque. Napakatalino ng taong iyon. Kaya niyang gumawa ng tulay sa pagitan ng dalawang mundo."

Tumayo si Kandro. "Kung ganun, kailangan natin hanapin ang taong iyon."

"Tama ka kaibigang Kandro. Siya lamang ang nakakaalam kung paano ibabalik ang memorya ng mahal na Lokque."

"At kapag nangyari iyon." Wika ni Chejik, tumayo na rin ito. "Seguradong manginginig na sa takot ang mga masasamang nilalang!"

Nagsitayuan na silang lahat.

"Kailangan nating makausap ang Hari ng mga Ernaque. Alam kong kaibigan rin ito ni Elyas." Seryosong wika ni Erniek. "Tiyak na maituturo niya sa atin kung saan matatagpuan ang lagusan tungo sa Mundo ng mga Kapre!"

Dinukot ni Chejik ang kanyang bulsa. Nagkaroon muli ng mahinang pagsabog lumabas roon ang kero. Ilang sandali pa ay tinutumbok na nila ang direksyon papunta sa kaharian.

Normal lamang aag bilis ng kero.

Halos mapatayo sa gulat ang lahat nang biglang may sumulpot sa kanilang harapan. Naapakatulin niyon na sinusundan pa ng lima. Napapikit si Chejik. "Mayroong air traffic rito!"

"Tama si Chejik," natatawang wika ni Erniek. "Dahil marami nang sasakyang lumilipad rito na naaaksidente kung walang gabay sa daan. Subukan mong iabante ang kero Chejik, makikita mo hindi ito aandar dahil may mga dumadaan pa sa ating harapan."

Napatango si Chejik dahil maraming beses na niya itong naranasan. Subalit kanina pa nawala ang mga kero sa harapan nila ay hindi pa rin sila makaalis.

"May kakaibang nangyayari sa lugar na ito. Masama ang pakiramdam ko. Magsihanda kayo." Seryosong wika ni Erniek.

Makaraan ang ilang minuto ay biglang may bumagsak na bagay sa itaas ng kanilang sasakyan. Naging sanhi ito upang bumulusok sila pababa. Napakaitim na usok ang ibinubuga niyon.

"Sets eject!" Mabilis na wika ni Chejik.

Mabilis silang nakaalis sa loob ng kero. Kitang-kita nila kung paano bumagsak ang sinasakyan nila. Nagpaikot-ikot muna ito bago sumabog.

Nagkawatak-watak silang lima dahil sa nangyari...

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon