Chapter 22

3 0 0
                                    

Nandito kami ni Ate sa shop n'ya ngayon. Well, aside sa pagiging teacher ay mahilig din s'ya sa fashion kaya nagpatayo s'ya ng sarili n'yang shop pagkatapos n'yang mag-aral ng fashion design.

"Well, program naman iyon at isa ka rin sa mga mage-emcee 'no?" tanong n'ya kaya umiling ako.

Tumingin-tingin s'ya sa mga racks hanggang sa makahanap s'ya.

"Why?"

"Ayokong maging emcee, ayun yung request ko sa kanila kung kakanta ako e." nakangusong sabi ko.

Ayoko talagang humarap sa maraming tao.

"Pumayag?" tanong n'yang habang naghahanap nang damit.

"Yep."

Kinuha n'ya ito at tinapat sa harap ko. Sleveless ito na kulay puti at may red roses ang design. Two inches above the knee naman ang haba nito. Sinipat-sipat pa ni ate kung talagang bagay ito sa akin at ng makuntento ay ibinigay n'ya ito sa isang staff.

"May white dress ka 'di ba?" tanong n'ya. Tumango ako bilang sagot.

"Hindi mo pa nasusuot?"

"Hindi pa."

"Suotin mo 'yon. Pamalit. O kaya gamitin mo kapag nagperform ka."

"Gagamitin ko na lang 'yon kapag nagperform ako." sabi ko kaya tumango s'ya.

"Kukuha pa ko. Para hindi naman masyadong boring ang itsura mo dahil iisa lang ang suot mo the whole program." sabi n'ya kaya hindi na lang ako nagsalita dahil mas maalam naman s'ya dito.

"Ah! Ito." sabi n'ya at may kinuhang dress.

Sleveless rin ito pero peach naman ang kulay, lace type ito pero may tela pa naman sa loob pero mga four inches above the knee ito at ang lace part naman ay two inches, may design din itong pa-heart. Sa bandang collarbone ay nahahalata ang balat ko dahil walang tela ito sa loob pero wala namang makikita dahil pagdating sa dibdib ay may tela na kaya kahit cleavage ko hindi makikita. Kung may makikita nga ba.

"Kukunin din natin 'to." sabi n'ya at binigay ang dress sa staff, nang kukuha ulit s'ya ay pinigilan ko s'ya.

"Why?" nagtatakang tanong n'ya.

"'Wag ka ng kumuha, Ate. May isa pa naman akong dress na hindi ko pa nasusuot e. Ayun na lang susuotin ko."

"What color?"

"Champagne." tumango-tango s'ya.

"Okay." sinenyasan n'ya ang staff kaya tumango ito at lumapit sa counter.

Napaupo na lamang ako sa isa sa mga upuan dito sa shop. Ewan ko ba, pero parang pagod na pagod ako e, wala naman akong masyadong ginawa kundi ang maglakad at sumagot sa mga tanong ni Ate.

"How are you?" tanong n'ya pagka-upo sa tabi ko.

"I'm fine. Medyo pagod lang dahil siguro sa program."

"That's not what I'm talking about." sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya habang nakakunot ang noo, nagtataka.

"What do you mean?"

"Your heart, how is it?" natigilan ako sa tanong n'ya. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.

"My heart? Nandun pa rin naman yung sakit kasi hindi naman agad-agad mawawala 'yon e. Pero alam mo yun, yung kahit pa pala papa'no nabawasan yung sakit kasi nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kan'ya. Nalabas ko na yung sakit na kinimkim ko." tumango-tango s'ya.

"Dun ko rin na realize na, makakahinga ka lang talaga ng maluwag kapag nasabi mo na at nagpakatotoo ka. Mawawala na yung bigat sa dibdib mo na matagal mo ng kinikimkim."

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon