Chapter 53

1 0 0
                                    

Gulat na gulat si Ryzk na makita akong umiiyak kaya agad n'ya kong niyakap.

"Shh! Just cry, your son is not here." sabi ni Ryzk habang hinahagod ang likod ko.

Kaya napaiyak ako lalo dahil naalala ko na naman ang senaryo na nakita ko kanina. Kaya ba ko kinakabahan kanina kasi may mangyayari? Hindi ko na sana binaliwala baka nakaiwas ako sa sakit. Pero mas maganda na rin na malaman ko 'di ba? At least nalaman ko ng maaga.

Hinagod-hagod lang ni Ryzk ang likod ko hanggang sa kumalma ako. Pinunasan ko ang mga luha sa ko para kapag bumaba si Aku ay hindi n'ya mapapansin na umiyak ako. Baka mag-alala pa iyon at magtanong nang magtanong.

"Can you... tell me now?" nag-aalangang tanong n'ya sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga para kumalma at baka sakaling mabawasan ang pananakit ng dibdib ko.

"I... I saw them, Ryzk..." sabi ko sa kan'ya at mahihimigan ng panginginig ang boses ko.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha na gustong lumabas sa mga mata ko kaya humugot ulit ako ng malalim na hininga baka sakaling kumalma ulit ako.

"Who?" mahina at nag-aalalang tanong n'ya.

"I saw Reo and Denise... kissing." naluha na ako dahil naalala ko na naman ang nangyari.

Hindi ko narinig na nagsalita si Ryzk at hinagod ulit ang likod.

"Kinausap ko na s'ya e..." bulong ni Ryzk pero hindi ko 'to narinig kaya kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kan'ya.

"Ano?" umiling s'ya at marahan akong nginitian.

"Wala..." napakagat s'ya sa labi. "Anong plano mo ngayon?"

Umiling ako at napahilamos sa muhka ko. "Hindi ko alam... hindi ko na alam."

"Hindi kayo nagkausap?"

Umiling ulit ako. "Hindi... natakot kasi ako. Sobra akong nasaktan kasi parang... bumalik ulit..."

Napatingin ako sa kan'ya. "Bumalik ulit sa dati..."

Nag-aalalang nakatingin s'ya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Kumalma ka muna atsaka kayo mag-usap, Reese." sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong... ibig mong sabihin?"

"Hindi p'wedeng dahil nakita mo silang gano'n ay niloloko ka na. You should know the point of view of everyone who's involve to know the truth, Reese."

Napalunok ako sa sinabi n'ya. Marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko at nginitian.

"I know your scared and it's okay. So for now, calm down and when you are ready. Talk to him. Clear everything, Reese."

Napaiwas ako ng tingin. Alam kong tama s'ya. Kailangan nga namin ni Reo na mag-usap pero gusto ko munang kumalma ngayon dahil baka kapag nag-usap kami baka kung ano na lamang ang masabi ko.

Pagka-akyat ko sa kwarto ay nakita ko si Aku na mahimbing pa rin na natutulog kaya nilapitan ko s'ya at dahan-dahang umupo sa tabi n'ya.

"Sorry, anak..." hinaplos ko ang buhok n'ya.

"Sorry kung pinalaki kitang... walang ama." mahinang sabi ko.

"Wala man o meron..." humugot ako ng hininga. "Gagawin ko ang lahat para maging mabuting magulang sa'yo."

Naramdaman kong nagluluha na naman ang mata ko kaya napaangat ako ng tingin baka sakaling hindi s'ya tumulo. Humugot ako ulit ng hininga para ikalma ang sarili ko.

"Pero sana... sana kapag nalaman mo ang totoo... hindi ka magalit at maintindihan mo lahat."

Pinunasan ko ang luha ko. "Sana maintindihan at maramdaman mo na kahit... hindi ka akin... mahal... na mahal... kita."

Marahan at matagal kong hinalikan ang noo ni Aku.

"Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko... namin. I love you, Aku." sabi ko at nginitian s'ya.

Hindi na ulit ako pumupunta sa site at hindi na rin muna ako nagpapakita kay Reo. Ni tawag at text n'ya ay hindi ko sinasagot dahil hindi pa 'ko handa na makausap s'ya.

Kaya para maiwasan na rin s'ya ay lagi kaming umaalis ni Aku kasama si kuya Peter. Hindi rin lang din naman iyon ang dahilan kung bakit kami umaalis. Umaalis din kami dahil gusto ko rin ipasyal ang anak ko pero ginagamit ko na ring ang pamamasyal na 'to para umiwas sa kan'ya.

"Kumusta na?" tanong sa akin ni kuya Peter habang tinitignan namin si Aku na nakikipaglaro sa ibang bata.

Nandito kasi kami sa isang playroom para sa mga bata. Dito namin naisipan na dalhin si Aku para naman makapaglaro s'ya kasama ang ibang bata.

"Okay lang. 'Yong restaurant malapit na rin s'yang matapos. Ikaw, Kuya?" tugon ko.

"Ayos lang din. Mabuti nga at nakapagleave ako kahit papa'no para makasama kayong dalawa."

Kunot noo akong tumingin sa kan'ya. Kaya ginulo n'ya ang buhok ko.

"Kahit naman ako ang nagma-manage ng company ay kailangan ko pa ring ipakita sa kanila na maasahan akong tao pagdating sa pagta-trabaho. Hindi ko gagamitin ang posisyon ko para lang gawin ang mga gusto ko." nginitian n'ya ako.

"Magiging unfair 'yon sa mga nagta-trabaho sa kompanya. Between me and the workers? Mas may karapatan silang magbakasyon kasi kundi dahil sa kanila, hindi magiging maayos ang kompanya ko."

Dapat mong tratuhin ng tama ang mga katrabaho mo kundi dahil sa kanila hindj magiging successful ang negosyo mo. Dapat pantay-pantay ang tingin mo sa mga tao sa kompanya dahil pare-pareho kayong nagta-trabaho. Pareho kayong gustong magkaroon ng maayos na buhay kaya dapat maging maayos ang pakikitungo n'yo sa isa't isa.

Mabuti na lang talaga at nakausap ko ngayon si Kuya kung hindi hindi ko matututunan kung paano magiging maayos na boss since ako na ngayon ang hahawak ng negosyo ni Mom.

"Mahirap ba?" tanong n'ya sa akin kaya nagtataka akong napatingin sa kan'ya.

"Ang maging magulang?"

Napatingin ako sa kan'ya at kay Aku. Napakagat ako sa labi at inisip ang mga naranasan ko habang pinapalaki si Aku.

"Aaminin ko, mahirap. Kasi sobrang bata ko pa nung nakilala ko si Aku. Tapos ang daming pangproseso bago ko s'ya tuluyang makuha."

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Alam mo ba na natakot ako na baka hindi ko s'ya makuha?" tanong ko sa kan'ya at nakitang nakatingin lang s'ya sa akin kaya ibinalik ko ang tingin kay Aku.

"Kasi antagal. Sobrang tagal akong naghintay tapos ang haba pa ng proseso. Natatakot ako na baka makuha s'ya ng iba. Kaya ipinagdasal ko talaga na sana, sa akin s'ya mapunta. At grabe ang pasasalamat ko na natupad ang dasal ko kasi nasa akin na s'ya. Nakikita at nahahawaka pati mapapalaki ko na s'ya."

Napangiti ako. "Nahirapan din ako kasi... ako lang mag-isa. Wala akong asawa o boyfriend na tutulong sa akin na magpalaki sa kan'ya."

Napakagat ako sa labi at tumingin sa kan'ya. "Pero dahil sa inyong pamilya ko. Hindi ga'nong naging mahirap sa akin kasi alam kong nand'yan kayo. Handang tumulong sa'kin."

Hinaplos n'ya ang buhok ko. "Never kang mag-iisa sa pagpapalaki sa kan'ya, Reese. Lagi kaming nandito. Handa kaming tumulong."

Napangiti ako. Sobrang swerte ko dahil may naging pamilya ako na hindi ako tatalikuran. Na laging nand'yan at handang tumulong sa akin.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon