Chapter 34

1 0 0
                                    

"Sumama ka na sa'min, bal!" sabi ko sa kan'ya habang hinahatak-hatak ang sleeves ng uniform n'ya.

Niyayaya kasi namin s'yang sumama sa amin kumain sa labas. Ang SSG officers lang naman ang makakasama namin ayaw n'ya pa.

"Bal..."

"Sige na, please!" pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at tumitig sa kan'ya. Nagpapacute pa talaga ako para lang mapapayag s'ya.

"Ba't ko pa kasi kailangan sumama?" tanong n'ya.

"Para may kasama ako. Atsaka date natin." sabi ko. I even wiggled my eyebrows that make him laughed.

Tumango-tango s'ya at ginulo ang buhok ko. "Okay, fine. Sasama na ko."

"Yes!" sigaw at napapalakpak pa sa tumawa kaya napailing na lamang s'ya sa inakto ko.

Kumapit ako sa braso n'ya at hinarap ang mga officers na kanina pa nanonood sa'ming dalawa.

"So, ano? Tara na?" tanong ko.

"Arat na!" sabay nilang sabi kaya nagtawanan kami.

Since nandito naman kami sa may parking lot ay madali lang para sa amin ang makapunta sa mga sasakyan namin.

Mabuti na lang din ay medyo malapit ang restaurant sa school namin kaya hindi kami natagalan. Kasi for sure gutom na gutom na kami pagdating, which is good since eat all you can naman yun. To think na puro mamalakas kumain ang mga kasama ko kaya kailangan talaga na sa eat all you can kami kumain.

Pagkarating naman doon ay mabuti na lang ay may mapaparkehan pa kami kaya nakapagpark kaagad kami. Pagkalabas na pagkalabas nila sa mga sasakyan ay tuwang tuwa sila at halatang excited kaya lumabas na rin kami ni Ryzk.

"Eat all you can!" tuwang-tuwang sabi ng ibang officer kaya napapailing na lamang ako.

Tumabi sa amin si Shun at napapailing.

"Pwede bang umarte na hindi natin sila kilala?" tanong n'ya kaya nagtataka akong napatingin sa kan'ya.

"Bakit?"

"Nakakahiya ang mga pinagsasabi nila. Akala mo first time lang makapunta rito. For sure naman lagi silang mga nasa eat all you can na restaurant." natawa na lamang ako sa sinabi n'ya.

"'Yaan mo na. Baka siguro kaya rin sila excited ay first time manlibre nung isa." tumango-tango s'ya sa sinabi ko.

"Nung malaman ko na manlilibre s'ya akala ko talaga may sumanib sa kan'ya. Papatawag sana ako ng pari e." natawa ako at pinalo s'ya sa sinabi n'ya.

"Grabe ka!" natatawang sabi ko.

"Kung hindi pa n'ya malaman na aalis ka, hindi s'ya manlilibre." napa-ismid s'ya.

"Kailangan lang pala may umalis para maglabas s'ya ng pera." natawa na lamang ako sa sinabi n'ya.

"Tara na nga, nagugutom na ko."

Nauna na kaming tatlo na pumasok sa loob at sumunod naman yung iba. Mabuti na lang din ay nakapagprovide sila agad sa amin ng lamesa na sakto para sa amin since may karamihan kami.

Pagkalapag nila ng mga gamit nila ay kanya-kanya agad silang punta sa buffet table habang ang President naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta dahil hindi ko s'ya napansin na kasama nila. Lumapit na rin kami sa kanila para makakuha ng pagkain.

Excited na excited sila habang kumukuha ng makakain kaya napapangiti na lamang ako. Siguro sinusulit nitong mga 'to dahil libre ng isang dakilang kuripot. Nang makakuha kami ng pagkain ay agad kaming mga bumalik sa mesa namin at nagdasal. Pinangunahan pa 'yon ng VP. Pagkatapos naming magdasal ay s'ya namang dating ng President na may dala ng pagkain kaya sabay-sabay na kaming kumain.

"Hanggang kailan ka ro'n, ate Reese?" tanong nung grade 9 student na kasama namin.

"Hm..." natigil ako sa pagkain dahil sa tanong n'ya. "Hindi ko alam e."

"Pero babalik ka naman po 'di ba?" tanong ng katabi n'ya na grade 7.

Tumango ako. "Oo naman. Malay n'yo nakabalik na ko bago pa grumadute ng senior high 'yung grade ten d'yan." Nakangising sabi ko.

"Totoo po?" tanong nung grade 10 student.

"Oo naman. S'yempre dapat nandun kami sa graduation n'yo." I wiggled my eyebrows.

"Ang tanong..." singit ng President kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Ga-graduate ba?" nakangising tanong n'ya.

Napanganga sa gulat ang mga bata at nagreklamo sa kan'ya.

"Oo naman, Kuya. Kami pa ba?" confident na sabi nung isa.

"Oo nga! Sabi namin 'di ba? Magiging proud kayo sa'min?" sabi nung grade 8 kaya tumango-tango naman kami.

"Pero for sure, ang parents n'yo ang pinaka-magiging proud." sabi ng Auditor kaya um-agree kami sa sinabi n'ya.

"Kaya 'wag kayong mag-alala, makaka-attend ako sa gradution n'yo." nginitian ko sila at tinuro ang grade 10 student.

"At magsisimula 'yon sa'yo!" kinindatan ko s'ya kaya napangiti s'ya.

"Aasahan ko 'yan, Ate!" sabi n'ya kaya tinanguan ko s'ya.

Pagkalabas namin sa restaurant ay mga nagpaalam na kami sa isa't isa dahil magkakaiba ang daan namin. Balak pa sanang mag-inom nung iba kaso naalala nila na ihahatid pa nila ang mga bata kaya walang choice kundi ang umuwi na pagkatapos naming kumain.

"Ingat!" sabi ko habang kinakawayan sila pabalik.

Pagkapasok ko sa kotse ay napatingin ako kay Ryzk na nakatingin sa akin. Kaya tinignan ko s'ya nang nagtataka.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

"After two years..." napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"After two years, babalik ka." naapatitig ako sa kan'ya.

Tama, kasi two years from now ga-graduate s'ya ng Senior High at nangako ako na manonood ako.

"Oo naman." sabi ko at nginitian s'ya.

Pagkadating namin sa bahay ay nakita namin si Dad at ate Eryn na nasa sala kaya nagkatinginan kami ni Ryzk.

"Dad? Ate? Ba't hindi pa po kayo nagpapahinga?" naagtatakang tanong ko.

Kaya napatayo si Dad nang lumapit kami habang si Ate ay nakaupo pa rin habang nakatingin sa amin, sa'kin.

"Reese..." seryosong sabi ni Papa kaya medyo kinabahan ako. Kaya nagkatinginan na namin kami ni Ryzk.

"Bakit po? May problema po ba?" nag-aalalang tanong ko.

Bumuntong hininga s'ya at napatingin kay Ate, si Ate naman ay tumango kay Dad.

"Dad? Ano po bang nangyayari?" tanong ni Ryzk.

"May problema po ba? May dapat po ba kaming ipag-alala?" nag-aalalang tanong ko. Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari?

"Ang tita Mika n'yo kasi nasa ospital." nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Po? Bakit daw po?" gulat na tanong ko.

"Maselan daw kasi ang pagbubuntis kaya pinagstay na s'ya kaagad sa ospital." tumango-tango ako pero nag-aalala pa rin ako sa Tita namin.

"Alam kong meron pa, Dad." sabi ko.

Humugot nang malalim na hininga si Daddy at hinawakan ang mga kamay ko kaya nagtataka akong napatingin sa kan'ya.

"Anak, gusto kasi ng tita Mika mo na pumunta ka na roon sa makalawa."


Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon