Chapter 46

1 0 0
                                    

Ilang linggo pa kailangan mag-stay ni Ryzk sa ospital kaya madalas ay bumibisita ako sa ospital para maalagaan s'ya minsan pa nga ay kasama ko si Aku para kahit papaano ay hindi maburyo si Ryzk doon at lagi rin kasing hanap ng anak ko ang Tito n'ya.

Katulad ngayon nandito na naman kami ni Aku sa ospital at this time ay nandito rin si Reo.

"Mags-stay na ba kayo rito ni Aku, Reese?" tanong sa akin ni Ryzk.

Tumango ako. "Yes, bal. Atsaka balak ko rin na magtayo ulit ng isa pang branch na restaurant e. Gusto ko sanang tulungan mo ko para may makasama rin ako kaso nandito ka naman."

"Sisimulan mo agad 'yon?"

Tumango ulit ako. "Oo. Para na rin sa amin ni Aku."

Tumango-tango s'ya. "Oo nga pala. Ang sabi ko sasamahan kita kapag may plano ka na kaso nandito pa rin ako sa ospital."

Nabalutan kami ng katahimikan pero binasag 'yon ni Reo.

"I can accompany you."

Natigilan ako at gulat na napatingin sa kan'ya. Nagkatinginan pa kami ni Ryzk at nakitang nakangiti ito sa akin.

"That won't be a problema to me." nakangiting sabi n'ya.

Si Reo at Ryzk lang naman ang kilala ko na apprentice ni Tito. Kaya silang dalawa lang talaga maasahan ko pero ngayon na nandito sa ospital si Ryzk ay si Reo lang din ang mapagkakatiwalaan ko kahit pa gano'n ang nangyari sa amin noon.

Napabuntong hininga ako at nginitian silang dalawa.

"Okay."

Kaya simula nang araw na iyon ay lagi na kaming magkasama ni Reo. Kapag weekends o kaya ay kapag hindi s'ya gaanong busy ay sinasamahan n'ya ako sa pagbili ng mga kakailanganin sa restaurant.

"Okay lang ba kung isama natin si Aku?" tanong ko sa kan'ya ng ihatid n'ya ako sa bahay.

"Sure, wala namang problema sa akin." napangiti na lamang ako.

"Uhm..."

Nagtataka s'yang napatingin sa akin.

"May alam ka bang pasyalan?"

"Pasyalan?"

Tumango ako. "Oo, ipapasyal ko kasi s'ya. Lagi na lang kasi s'yang nandito sa bahay kasama si Dad. Gusto ko naman na makalabas ang anak ko."

Napatitig s'ya sa akin na ikinailang ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Pupunta kami ni Rage sa zoo this weekend dahil wala sila Mama, pwede kayong sumama ng... anak mo." sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

Napangiti ako. "Sige, sasama kami. Matagal na rin simula nung nakita ko si Rage."

Napatitig na naman s'ya sa akin kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka

"May dumi ba sa muhka ko?" nag-aalangang tanong ko.

Marahan s'yang umiling. "Wala naman."

Tumango-tango ako. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil wala naman akong sasabihin at nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam na iyon na akala ko matagal ng nawala.

"I'll go ahead." napatingin ako sa kan'ya at tinanguan s'ya.

"Sige, ingat ka sa pagmamaneho."

Tinanguan n'ya ko pero hindi pa s'ya pumapasok sa sasakyan n'ya.

"Hindi ka pa ba... papasok?" nag-aalangan na tanong ko.

"Mauna ka na." napalingon ako sa bahay namin at tinignan s'ya.

'Di ba dapat ako ang maghintay na umalis s'ya since nandito na naman na ko? Ba't baliktad yata?

"Reese, just go inside. For sure, your son is waiting for you."

Nang mabanggit n'ya si Aku ay agad akong nataranta.

"Oo nga pala. Sige, ingat ka. Bye!" sabi ko at agarang pumasok sa bahay.

Hindi ko na napansin kung pumasok na rin ba s'ya sa sasakyan n'ya basta ang nasa isip ko ay si Aku na kanina pa nga pala ako hinahanap.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Dad na kasama si Aku at nasa sala sila at naglalaro. Nang mapansin ako ni Dad ay agad n'ya kinuha ang atensyon ni Aku.

"Apo, Mama's here." sabi n'ya kaya agad na lumingon sa akin si Aku.

"Mama..." nakangiting sabi ni Aku at tumakbo papunta sa akin.

Tumigil ako sa kinatatayuan ko at sinalubong ko s'ya ng yakap. Agad ko s'yang binuhat at pinugpog ng halik sa muhka na ikinatawa n'ya kaya napangiti na lamang ako.

"How's your day?" tanong ko sa kan'ya at lumapit kila Dad.

"Okay... we play, Mama." nakangiting sabi n'ya.

"That's nice. Nagbonding pala kayo ni Lolo."

Tumango-tango si Aku. "Tayo, Mama? Bonding?"

"We're going to zoo this weekend, would you like that?" nagliwanag ang muhka n'ya at itinaas ang mga kamay.

"Yehey! Animals!" nakangiting sabi n'ya kaya natawa na lamang ako at hinalikan s'ya sa pisngi.

"Sino ang kasama mo aside kay Aku?" tanong ni Dad kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Ah... si Reo at Rage po, Dad."

Napatitig sandali sa akin si Dad at marahang tumango.

"Okay, mag-iingat kayo roon, ha?"

Tumango ako. "Yes, Dad."

Tinignan ko si Aku na nakatingin sa akin kaya nginitian ko s'ya.

"Baby, stay here, okay? Magpapalit lang si Mama ng damit tapos kakain na tayo."

Tumango s'ya sa akin. "Okay po."

Bumaba s'ya sa pagkakaupo sa kandungan ko at lumapit kay Dad kaya agad akong umakyat sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Pagkababa ko ay wala na sila sa sala pero nando'n pa rin ang mga laruan ni Aku kaya dumiretso na ako sa dining area at nakitang nando'n na sila ni Dad pero wala pa si Ate kaya umupo ako sa tabi ni Aku.

"Nasa'n si Ate, Dad?" tanong ko.

"S'ya raw muna ang magbabantay kay Ryzk ngayon."

Tumango-tango ako.

"Aku, baby, kain ka na." sabi ko at inilapit sa kan'ya ang pagkain.

Mabuti na nga lang at maganang kumain si Aku kaya hindi ako nahihirapan sa kan'ya sa pagpapakain kahit nung sinusubukan pa lang n'ya ang mga liquid foods.

"Oo nga pala, kumusta na ang restaurant?" tanong ni Dad habang kumakain kami.

"Hindi ko pa po nabibista ang site pero do'n sa ibang branch, okay naman po s'ya."

"Kailan mo bibisitahin ang pinapatayo mo?"

"Bukas, Dad. After kong bisitahin si Ryzk." sabi ko at inasikaso si Aku.

"Dadalhin mo ba si Aku?"

"Sa site po hindi pero sa ospital, opo. Gusto po kasing makita ni Ryzk si Aku."

"We shee Uncle Papa?" tanong ni Aku kaya nginitian ko s'ya at tumango.

"Yes, baby. Kaya behave ka roon ha? Sabay kayong uuwi ni Tita Mama." sabi ko kaya tumango s'ya.

"I take care Unshel Papa." nakangiting sabi n'ya kahit hindi gaanong kumpleto at bulol s'ya sa ibang salita ay maiintindihan mo pa ring ang gusto n'yang sabihin

"And... we go out." napangiti ako.

"For sure, excited na rin ang Uncle Papa mo na makapasyal kayo." he giggle.

"Kaya kailangan alagaan natin s'ya, okay?"

Tumango s'ya. "Okay po."

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon