Chapter 12

1 0 0
                                    

"Kuya Peter!" nakangiting tawag ko sa kan'ya habang kinawayan s'ya at tumakbo sa pwesto n'ya.

"Hi, baby!" nakangiting sabi n'ya sa akin pagkalapit ko kaya mas lalong lumaki yung ngiti ko.

Binuka ko ang dalawang braso ko at tumalon papunta sa kan'ya kaya agad akong sinalo ni kuya Peter at niyakap ako pabalik.

"Na-miss kita." nanggigigil na sabi ko sa kan'ya at niyakap s'ya nang mahigpit.

Narinig kong natawa s'ya sa sinabi ko at tinulak ako ng mahina pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kan'ya para hindi ako makabitaw.

"Baby, hindi kita mabubuhat dahil naka-skirt ka, kaya bitaw na." napasimangot akong bitaw sa kan'ya at nakita kong nakangisi sa'kin si kuya Peter. Kaya hinawakan n'ya ang likod ng ulo ko nilapit sa kan'ya sabay halik sa noo ko.

"I miss you too, baby." sabi n'ya pagkatapos n'yang halikan ang noo ko.

Kuya Peter is our cousin. Anak s'ya ng kapatid ni Dad, s'ya yung namamahala sa isang company ng family namin kung saan magta-trabaho si Ryzk pagka-graduate n'ya. Kuya Peter is a tall man, have lean body, jet black hair, thick eyebrow, black eyes, pointed nose, his red lower lip is a bit thick, define jawline. He's wearing a plain white shirt with a black checkered, black jean and a white sneakers. His hairstyles is bit messy kaya mas lalo s'yang gumwapo.

"Ang ganda ng pormahan natin ngayon ah? Ano meron?" nakangising tanong ko sa kan'ya pagkatapos ko s'yang pasadahan nang tingin. Ngumisi naman s'ya pabalik at kinuha ang kanang kamay ko.

"We're going to have a date, baby." sabi n'ya sabay hatak sa akin ng marahan kaya nanlalaki ang mata kong tinignan s'ya.

"Huh? Date?" gulat na sabi ko sa kan'ya at tumango naman s'ya kaya tinignan ko ang sarili ko pabalik sa suot n'ya.

"Hala! Joke ba yun?" 

"Nope."

"Pero, kuya, naka-uniform pa ko." reklamo ko kaya napahinto s'ya sa paglakad at nilingon ako. Tinignan n'ya ang kabuuan ko kaya tumango-tango s'ya.

"May sando ka?" tanong n'ya kaya biglang kumunot noo ko sa tanong n'ya.

"Yep." popping the 'p'.

"Why?" tumango-tango naman s'ya at binuksan ang likod ng kotse. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng kotse n'ya.

"Come here." kaya lumapit ako sa kan'ya at bigla na lang n'ya sa'kin inabot ang isang blue checkered tinignan ko ito at tumingin sa kan'ya na nagtataka.

"Suotin mo yan tapo tuck-in mo. Hihintayin kita rito sa labas." sabi n'ya kaya tumango-tango ako at pumasok sa loob.

Hinubad ko ang I.D, blazer, at white polo shirt ko, buti na lang talaga at naka-spaghetti strap top ako kaya agad kong sinuot ang checkered na binigay ni Kuya at binutones ito bago ko tuck-in. Nang makuntento na ko ay inayos ko ang damit na pinaghubaran ko at nilagay ko sa bag ko ang I.D ko. Pagkalabas ko ay s'ya namang pagharap ni Kuya sa pwesto ko at pinasadahan ulit ako nang tingin.

"Nice." nakangiting sabi n'ya sabay thumbs up kaya napa-iling na lamang ako.

"Tara na nga." 

Pagkatapos naming manood ng sine ay pumunta kami sa isang pizza parlor ni Kuya Peter, ngayon naglalakad kaming dalawa dito sa mall para na rin matunawan kami kaagad kahit ang totoo ay mabilis akong matunawan. Habang naglalakad kami ay bigla akong nakitang shop na puro stuff toy kaya hinatak ko ay sleeves ni Kuya at tinuro ang shop na nakita ko. 

"Kuya, punta tayo ron." nakangusong sabi ko habang nakatingin sa kan'ya kaya natawa si Kuya at ginulo ang buhok ko.

"Okay." kaya napangiti agad ako at hinatak s'ya papunta ron. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kan'ya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon