Chapter 1

6 0 0
                                    

"It's about your Mom's last will..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy.

"Uhm... about it?"

"In her last will and testament, she want you to marry someone." seryosong sabi ni Daddy kaya napatanga ako sa kinauupuan ko at tinitigan s'ya.

Nang maproseso na sa isip ko ang mga sinabi ni Daddy ay nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kan'ya. Hinintay ko lang talaga na sabihin ni Daddy na nagjo-joke s'ya at ng makitang seryoso talaga ito ay do'n na ako nag-react.

"What?!" gulat na sabi ko.

"You heard me. She want you to marry someone. The two of you will meet when you reach eighteen." nagulat na naman ako sa sinabi ni Dad.

"What? It will be next month!" napasigaw na ako sa sobrang gulat. Napahilot si Daddy sa magkabilang sentido nito. Halatang stress na ito sa nangyayari.

Tumayo si Daddy at umupo sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko na nasa lap ko.

"Sweetie..." malabing na sabi ni Dad at tumingin sa akin.

"Even me, I don't want this. Ayokong ikasal ka sa taong hindi mo mahal. But it's your mother's wish. Sabi naman n'ya roon ay ipinagkakatiwala ka n'ya sa anak ng kaibigan n'ya. Pumayag din naman ang mga magulang ng lalake. Nangako rin sila na aalagaan ka nila. Kaya kampante s'ya, sabi n'ya rin ay para raw iyon sa'yo. Para sa kinabukasan mo."

Naiintindihan ko na kapakanan ko lang ang iniisip ni Mommy pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ko matanggap. Parang hindi ako binigyan ng kalayaan na mapakasalan ang taong gusto kong pakasalan. Oo, may mga taong ikinasal dahil sa fixed marriage at nahulog sa isa't isa pero may mga mag-asawang nauuwi rin sa hiwalayan dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa at hindi sila masaya. Ayokong mauwi sa gano'n ang magiging buhay ko kapag ikinasal na ako. Alam kong sagrado ang kasal na ginagawa o ginaganap lamang kapag mahal n'yo talaga ang isa't isa at handa kayong magsumpaan.

Pero paano ko mapapakasalan ang taong mahal ko kung nakatakda na akong ikasal sa taong hindi ko kilala. Parang gusto kong maiyak pero walang lumalabas na luha. Dad looked at me softly as he caressed my cheeks.

"Dad, ayokong ikasal sa taong hindi ko mahal at hindi kilala. I thought I have the freedom to choose who I'm going to marry. But I was wrong." umiling-iling ako.

"I'm sorry, anak..." malungkot na sabi ni Daddy kaya tumayo ako at umalis sa study room n'ya.

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Daddy pero hindi ako lumingon ni huminto. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nagkulong. Do'n lamang lumabas ang mga luha ko kaya isinubsob ko ang muhka ko sa unan at humagulgol. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at makatulugan ang pag-iyak ko.

Umaga na at kailangan ko ng maghanda sa pagpasok pero nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi ni Daddy at nasasaktan ako ngayon. Mayaman naman kami hindi pa ba sapat iyon para sa kinabukasan ko? Hindi ko ba pwedeng pagtrabahuhan ang mga iyon para sa sarili ko? Kailangan ba na sa iba pa ako aasa para sa kinabukasang gusto ni Mommy? Nand'yan naman ang pamilya ko, hindi pa ba sila sapat para tulungan ako sa kinabukasang gusto n'ya?

I love Mom, pero hindi ko lang talaga matanggap na ganito. Na kailangan ko pang ikasal sa taong hindi ko mahal ni hindi ko kilala para lang sa kinabukasang gusto n'ya. Hindi ba talaga p'wedeng magpakasal na lang ako sa taong mahal ko?

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa kwarto ko pero hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa pinto. Nang wala na akong marinig na katok ay tumingin ulit ako sa kisame. Napabuntong hininga na lamang ako sa nangyayari. Napatingin na lamang ulit ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si Ryzk na may hawak na susi. Seryoso s'yang nakatingin sa akin habang tinitignan ako sa mata na parang sa mata ko malalaman kung anong nangyayari sa'kin. Napa-iwas na lamang ako at tumingin ulit sa kisame. Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko ito tinignan.

Lumubog ang parte ng kama na nasa ulunan ko at naramdaman ko na lamang na hinahaplos n'ya ang buhok ko kaya napapikit ako ng mata at naramdaman ko na lamang na tumulo ang mga luha ko. Hindi s'ya nagsalita, hinahaplos n'ya lamang ang buhok ko at hinayaan n'ya 'kong umiyak ng umiyak. Nang hindi ko na napigilan ay bumangon ako at tinignan s'ya habang umiiyak. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay alam kong pinikit n'ya ang mga mata n'ya nang mariin at bumuntong hininga.

Binuka n'ya ang kan'yang mga braso kaya lumapit ako sa kan'ya at niyakap s'ya nang mahigpit. Isiniksik ko ang muhka ko sa leeg n'ya at umiyak nang umiyak sa kan'ya habang hinahaplos n'ya ang likod ko. Puro hagulgol ko lang ang naririnig sa loob ng kwarto ko.

"Ryzk..." nanginginig na sabi ko.

"Hmm?"

"A-ayoko..."

Narinig kong bumuntong hininga s'ya.

"Alam ko, Reese. Alam ko. Kahit ako, ayokong pumayag. Kung p'wede nga lang ay itatakas kita rito. Para 'wag lang 'yong matuloy. Pero, Reese, kahit umayaw kasi tayo, walang mangyayari. Ipapakasal ka pa rin sa kan'ya. Mas lalo na't hiling 'to ni Mommy." nanghina ang boses n'ya ng mabanggit si Mommy.

Because until now, she's our weakness, especially, to our Dad. Kahit ano kasing sabihin o hilingin n'ya sa amin noon, gagawin namin. Bukal sa puso naming gagawin. Gano'n namin s'ya kamahal. Pero parang ito ata ang kahilingan n'ya na ayaw kong gawin.

"Anong g-gagawin ko? M-mahal ko si Mom... gagawin ko lahat ng gusto n'ya pero h-hindi 'to. H-hindi ko kayang gawin 'to, bal. H-hindi..."

"Shh... I know, princess, I know."

Umiyak lang ako ng umiyak habang patuloy lamang n'yang hinahaplos ang buhok ko. Kaya namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nang kumalma na ako ay tinawag n'ya ang pangalan ko kaya habang nakayakap ako sa kan'ya ay inangat ko ang ulo ko para tinignan s'ya at s'ya naman ay tinungo ako.

"Kalmado ka na?" tanong n'ya sa'kin kaya tumango ako.

Lumayo ako sa kan'ya at hinarap s'ya. Tinitigan ko s'ya kaya kumunot ang noo n'ya at nagtatakang tumingin sa'kin.

"I'm sorry." tinaasan n'ya ako ng isang kilay.

"For what?" nagtatakang tanong n'ya.

"Alam ko na may pinagdadaanan ka ngayon pero nandito ka, dinadamayan ako." napangiti ako ng malungkot.

"Sorry kung naging pabigat pa ko sa'yo."

Pinitik n'ya nang mahina ang noo ko kaya napapikit ako.

"Sinong nagsabi na pabigat ka sa'kin?" tanong n'ya habang naka-kunot ang noo.

"A-ako..."

"Baliw ka!" hinampas ko s'ya sa balikat pero tinawanan n'ya lang ako at niyakap ulit.

"You were there for me when she died, when I'm down. When I'm at my lowest point. How can't I do that to you when your my sister, my soulmate?" hinawakan n'ya ang pisngi ko kaya napangiti ako.

"Thank you..."


Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon