Chapter 28

2 0 0
                                    

Nandito na naman ako sa store ni Ate at pumipili nang dress na maisusuot ko sa party. Gusto nga n'ya na ipagtahi ako pero sabi ko ay gusto ko na ready to wear na para hindi hassle since may mga students din na nagpapatahi sa kan'ya.

Habang tumitingin-tingin ako sa mga naka-display ay napahinto ako sa nakita. It's a sequin wrap split gown na kulay rose gold. Medyo malalim ang v cut nito kaya for sure kita ang magiging cleavage ko, kung meron. Hindi naman kasi ganung kalakihan ang dibdib ko. Medyo maliit ang size nito kaya for sure hapit ito sa akin. Ang slit naman n'ya ay hindi ko alam kung gaano ito kahaba since hindi ko pa s'ya nasusukat ay hindi ko mahusgahan kung masyado itong revealing o hindi.

Napaigtid ako ng maramdamang may humawak sa balikat ko at nakitang si Ate ito. Nakatingin ito sa dress na tinitignan ko at tumingin sa akin.

"Try it." medyo nagulat ako sa sinabi n'ya kaya napatingin ulit ako sa dress at kay Ate.

Nginitian n'ya ako at tinanguan kaya napabuntong hininga na lamang ako. Tinapik n'ya ang braso ko at tumalikod. Siguro para kunin ang stock ng dress na tinitignan ko.

"OMG! Bagay sa'yo, Reese!" ngiting-ngiti na sabi ni Ate.

Muntikan pa ata s'yang tumili talaga pagkakita pa lang sa akin na suot-suot ang dress.

"I knew it! Babagay talaga sa'yo 'yan!" proud na sabi n'ya kaya nginitian ko na lamang kaya lumapit s'ya sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Hey! Loosen up! Maganda ka naman e, bagay nga sa'yo. Sadyang wala ka lang confidence kaya nagkakaganyan." iniharap n'ya ako sa salamin.

"Look, hindi ka pa naka-make up at hindi pa naka-ayos ang buhok mo pero mas lalo kang gumanda." napangiti na lamang ako sa sinabi ni Ate at hindi na nagkumento.

"Sige na, magpalit ka na roon. Para maitabi ko na yang dress mo. Isasama ko na rin ang iba mo pang susuotin." sabi n'ya kaya tumango na lamang ako at sinara na ulit nila ang kurtina para makapagbihis ako.

Pagkatapos kong magbihis ay inabot ko ang dress sa isang staff ni Ate na kanina pa naghihintay sa akin. Nagpasalamat ako sa kan'ya at pinuntahan si Ate sa lounge. Kaso napahinto ako sa paglalakad nang makita si Reo na kasama si Ryzk. Nakasuot s'ya ng black na tuxedo at blue na tie. Si Ryzk naman ay nakasuot rin ng black na tuxedo at black na tie. Napansin ako ni Ryzk sa may salamin kaya nilingon n'ya ako dahilan para magsilingunan din sila sa akin na medyo kinailang ko dahil nakatingin sa akin si Reo.

Nginitian ko sila at lumapit sa pwesto nila. Pagkalapit ko ay tinaas ni Ryzk ang dalawa n'yang kamay kaya nagtataka akong napatingin sa kan'ya.

"So? What do you think?" naka-ngisi tanong n'ya.

"Gwapo ah!" nakangisi akong sumagot.

"Ako pa ba?" nagmamalaking sabi n'ya kaya natawa ako at pinalo s'ya sa braso.

"Ang hangin!" sarkastikong sabi ko.

"Ang bigat ng kamay mo." nakasimangot na sabi n'ya habang hinihimas ang braso n'ya na pinalo ko. Inirapan ko naman s'ya.

"Ang lakas ng hangin na dala mo." nang kokotongan na n'ya ako ay lumapit agad ako sa Ate namin at tinuro si Ryzk.

"Ate oh!" napailing na lamang sa amin si Ate.

"Kayo talaga, oo. Magpalit na kayong dalawa, ayan ang kukunin n'yo hindi ba?" tanong n'ya sa kanila kaya tumango naman ang dalawa.

"Sige na, magpalit na kayo para maitago ko na."

Umalis naman silang dalawa kaya umupo ako sa couch na nandito.

"Nag-usap na kayo?" tanong ni Ate.

Hindi ko naramdaman na umupo na rin pala s'ya sa tabi ko dahil siguro natulala ako.

"Nino po?" nagtatakang tanong ko.

"Ni Reo."

Parang tinambol ang dibdib ko dahil sa narinig ko. Napabuntong hininga ako at umiwas nang tingin.

"Matagal na po nung huli kaming nag-usap." mahinang sabi ko.

"Bakit? Ano ba ang pinag-usapan n'yo?" napalunok ako sa tanong n'ya.

"Na..."

Napatingin ako kay Ate at nakitang nakataas ang dalawa n'yang kilay na parang hinihintay ang sasabihin ko.

"Na pinapalaya ko na po s'ya."

"Na palaya mo na nga ba?" natigilan ako sa tanong n'ya.

"I thought so..." sabi n'ya.

"Akala natin napalaya na natin yung taong nanakit sa'tin pero ang tototo, hindi pa talaga. We're just avoiding the pain kasi sobra-sobra na, to the point na nakakamanhid na. Nand'yan pa rin ang pagmamahal na binibigay natin sa kanila its just that we buried it deep within us to avoid the pain."

She's right. I still love him I just buried the feelings to stop the pain. Pero tama nga ata sila kahit itago mo nang itago lalo itong lalago, at ayun yung nangyayari ngayon. Mas lumalalim pa ang pagmamahal ko kay Reo. Hindi ko ito napansin siguro dahil natuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Pero ngayong nakita ko ulit s'ya, dun ko na realize na mas lumalim pa ang nararamdaman ko.

Tinapik ni Ate ang balikat ko kaya napatingin ako sa kan'ya at nakitang nakangiti ito sa akin.

"Una na ko." sabi n'ya at tumayo.

Tango na lamang ang naisagot ko sa kan'ya.

"Bal!" napa-angat ako ng tingin at nakita ko sila Ryzk na papalapit dito sa pwesto ko kaya umayos ako nang upo.

"Okay na?" tanong ko. Tumango s'ya sa akin.

"May gagawin ka ba?" tanong n'ya.

"Oo e. Pupunta ako sa school, hindi pa kami tapos e." tumango-tango s'ya.

"Hatid ka na namin."

Natigilan ako at napatingin kay Reo na nakatingin pala sa akin kaya agad naman akong umiwas ng tingin.

Naalala ko nga pala na kay Ate ako sumabay. Hindi ko dala ang sasakyan ko, balik ko rin nga sanang hiramin kay Ate ang sasakyan n'ya kaso naalala ko na hindi ko nga pala dala ang lisensya ko. Kaya lihim akong napabuntong hininga dahil wala akong magagawa kundi ang sumabay sa kanila.

"Sige." sabi ko.

"Let's go." sabi n'ya sabay kuha ng gamit ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya sa labas papunta sa sasakyan.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon