Chapter 9

2 0 0
                                    

Nandito na ako sa school parking lot at naglalakad papuntang elevator kaso napapansin ko na ang ibang estudyante rito ay napapatingin sa akin. Ginagawa naman na talaga nila 'yon kahit noon pa, kaso kakaiba ang mga tingin nila sa akin ngayon.
Atsaka ko lang naalala. Paanong hindi nila ako pagtitinginan, e, may nagpost ng video ko habang kumakanta sa party ni Tita.

Paano ba naman kasi paggising na paggising ko kahapon, linggo, e, may biglang may video na pala ako sa internet na maraming views, reactions, at comments. Ang video lang naman ay 'yong kumanta ako sa birthday ni Tita last Saturday. Hindi ko akalain na may nag-video pala sa akin ng gabing 'yon. Kaya ngayon andaming nagulat na marunong pala akong kumanta. Well, totoo namang marunong ako itinuro kasi sa akin 'yon ni Mommy ng nabubuhay pa s'ya. Sadyang mas hilig ko lang ang pagsasayaw, itinago ko lang sa lahat na marunong akong kumanta. Konting tao lang ang mga nakakaalam no'n, ngayon marami ng nakakaalam. Hidden talent ko pa naman 'yon, ngayon hindi na s'ya hidden, nabunyag na kasi s'ya.

Dati sanay na akong tinitignan ng ibang estudyante, ngayon naiilang na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung tutungo ba ako habang naglalakad o hindi na lamang sila papansinin at titingin na lang sa harap. Kaso kahit gano'n ang gawin ko ay naiilang pa rin talaga ako. Nang makapasok na ako sa room ay agad akong pumunta sa pwesto ko at isinubsob ang ulo ko sa desk. Naramdaman kong may kumalabit sa akin sa right side ko kaya tumingin ako sa side na 'yon at nakita si Michelle na sobrang lawak ng ngiti sa muhka.

"May kailangan ka?" Mahina pero bored na tanong ko.

Napahagikgik naman s'ya.

"Galing naman pa lang kumanta, girl!" nakangising sabi nito at mahinang hinampas ako sa braso kaya isinubsob ko ulit ang muhka ko sa desk at umungol sa hiya.

"Ano ka ba? 'Wag kang mahiya. Dapat nga proud ka dahil napakita mo ang hidden---este ang isa mo pang talent." sabi nito sa'kin.

"Alam ko naman 'yon. Sadyang mas sanay lang akong i-perform ang pagsasayaw kesa ang pagkanta. Kaya naninibago ako at alam kong naninibago rin sila kasi puro pagsasayaw lang naman naipe-peform ko."

Kinurot n'ya ako sa braso kaya hinimas ko ang parteng kinurot n'ya.

"Aray ha!" reklamo ko.

"Gaga ka!" mataray na aniya.

"Bakit mo ko minumura? Inaano kita?" kunot noong tanong ko.

"Anong sinasabi mong naninibago?" nakataas na kilay na sabi nito at natigilan sandali at bumalik na naman sa pagtataray.

"Well, nanibago nga sila kasi akalain mo 'yon, si Reese Villanueva, na ang hilig ay ang pagsasayaw, e, marunong pa lang kumanta? Pero mas nangingibabaw ang paghanga nila sa'yo, kasi hindi ka lang matalino, magaling ka pang sumayaw at kumanta kaya sinong hindi hahanga sa'yo 'di ba?" sabi n'ya sa akin habang ako nakatitig lang sa kan'ya.

"Wala akong pera."

Pinalo na naman n'ya ako.

"Gaga ka! Hindi ko naman sinabi na bayaran mo ko dahil lang sa pinuri kita 'no." pagtataray na naman n'ya kaya natawa na lamang ako.

Mabuti na lang ay tapos na ang klase namin pero dahil tinatamad pa kong umuwi ay pumunta ako sa cafeteria para kumain kaso natigilan ako dahil nakita ko si Reo sa loob na may kasamang babae at nagtatawanan sila. Madali lang naman silang makikita dahil kakaunti lang mga estudyante rito. Parang nanikip ang dibdib ko dahil sa nakita pero isiniwalang bahala ko na lamang ito. Ano naman kung may kasama s'yang babae, hindi ba? Wala naman s'yang magagawa. Hindi n'ya pwedeng pagbawalan si Reo, may sarili itong mundo. Atsaka magkaibigan lang naman sila. Kung makikipag-date ito ay labas na ako roon. Wala na dapat akong pake. Oo, masasaktan ako, pero kung ayon ang magpapasaya sa kan'ya ay tatanggapin n'ya 'to.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon