Chapter 5

7 0 0
                                    

Maraming estudyanteng nakatingin sa amin pero wala lamang 'yon sa amin dahil alam naman nila na magkaibigan lamang kami. Lagi na kasi nila akong nakikita na inaakbayan ni Reo atsaka ni Ryzk kaya nasanay na rin sila. Nang makapasok kami sa cafeteria ay agad naming nakita si Ryzk sa may bandang sulok ng cafeteria at nagbabasa ng libro. Well, lagi kasing doon ang pwesto n'ya kaya makikita kaagad namin s'ya.

Kaya nilapitan namin s'ya at nakita ko na may mga pagkain na sa harap n'ya kaya agad akong umupo sa tabi n'ya at siniksik s'ya kaya umurong naman s'ya habang nagbabasa pa rin ng libro.

"Yes, lasagna! Here I come!" nakangiting sabi ko at hinatak ang tupperware ng lasagna at inilapit ito sa akin.

Napansin kong umiling na lamang si Ryzk sa ginawa ko at nangingiti naman si Reo pero hindi ko na lamang 'yon pinansin at kumain na lamang.

Napansin kong hindi kumakain si Ryzk kaya binalingan ko ito at kinalabit. Tinaasan lamang n'ya ako ng kilay habang nakatutok sa libro ang mata n'ya.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kan'ya pero umiling lamang ito kaya lumapit ako sa kan'ya at kinagat ang balikat n'ya kaya napalayo ito at hinimas ang braso.

"Shit! Reese!" sabi n'ya kaya umayos ako ng upo at tinaasan s'ya ng kilay.

"Minumura mo ko?" masungit na tanong ko sa kan'ya kaya umayos naman s'ya ng upo at tumikhim.

"No! Of course not." sabi n'ya kaya tumango-tango ako.

"Gusto mo subuan kita?" malambing na tanong ko sa kan'ya nung una ay tinitigan muna n'ya ako bago s'ya bumuntong hininga s'ya at tumango.

Kaya agad kong kinuha ang isa pang lasagna at kutsara. Paborito kasi namin ang lasagna, dito talaga kami pinakanagkakasundo. As in. Agad akong kumuha ng lasagna at isinubo ito kay Ryzk na bumalik na naman sa pagbabasasa pagkatapos ay ako naman ang kumain. Salit-salitan lang ang ginawa ko, susubuan ko s'ya tapos susubuan ko naman ang sarili ko. Gano'n ang nangyari pagkatapos namin kumain. Inabot ko sa kan'ya ang baso ng iced tea at agad naman s'yang uminom rito kaya uminom na rin ako ng iced tea ko.

Pagkatapos naming kumaing tatlo ay inilagay namin sa tray na nasa mesa ang mga kalat at pinagkainan namin. Nang maayos na namin ay tumayo na kami. Si Ryzk ay sinara na ang libro na binabasa n'ya at umakbay sa akin. Habang naglalakad kami palabas ng cafeteria ay magkakatabi kaming tatlo, si Ryzk nasa kanan ko habang naka-akbay sa akin at si Reo na nasa kaliwa ko at nakapamulsa.

Nang makapasok kaming tatlo sa elevator ay tahimik lamang kami. Nang makarating na kami sa tamang floor ay agad kaming lumabas pero biglang humarap sa amin si Reo kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Ryzk, ako na maghahatid kay Reese sa classroom n'ya para makapagbasa ka." sabi ni Reo kaya nagkatinginan kami ni Ryzk at nararamdaman ko na namang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi uso kumalma? Ihahatid ka lang naman.

"Okay lang?" tanong n'ya sa akin kaya tumango ako.

"Yeah. It's fine." sabi ko kaya inalis n'ya na ang pagkaka-akbay sa akin.

"I'll go ahead, then." sabi n'ya at lumakad papaalis papunta sa classroom nila.

Kaya naiwan naman kami ni Reo. Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya bumilis ang pintig ng puso ko. Kapag talaga may gagawin s'ya ay bumibilis ang pintig ng puso ko, ayaw kumalma. Pinapaalala sa'kin kung gaano ko s'ya kagusto. Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko ay kinausap ko s'ya.

"Ahm... Reo," tawag ko sa kan'ya sandali n'ya akong sinulyapan at tumingin ulit sa nilalakaran namin.

"Yes?"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon