Chapter 25

2 0 0
                                    

"Kambal!"

Napabangon ako dahil sa sigaw at nakita ko si ate Eryn na sobrang lawak ng ngiti sa akin kaya sinimangutan ko s'ya.

Ang ingay naman nito ni Ate e! Gusto ko pang matulog.

Napatingin naman ako kay Ryzk na nasa tabi ko at nakitang kinukusot-kusot pa nito ang mata. Kaya tinignan ko ulit si Ate at sobrang lawak pa rin ng ngiti nito.

"Ate, ang aga-aga nang iinis ka." naiinis na sabi ko. Inirapan naman n'ya ko.

"Mga kapatid, baka naman may balak kayong gumising?" sarkastikong tanong nito.

"Wala!" sabay na sabi namin ni Ryzk.

"Aray!"

"Ouch!"

Reklamo namin ni Ryzk. Pa'no ba naman kasi ay piningot kami ni Ate at halatang nanggigigil ito. Kaya ng bitawan n'ya ang tenga namin ay napahimas na lamang ako sa tenga ko na piningot n'ya.

"Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ni Ryzk.

"Hoy! Kayong dalawa," turo n'ya sa amin.

"Baka lang naman nakakalimutan n'yo na birthday n'yo ngayon." sarkastikong dagdag n'ya kaya natigilan ako.

"At bibisitahin pa natin si Mommy," aniya.

Nang mabanggit ni Ate si Mom ay agad kaming tumayo ni Ryzk sa kama ko.

"Magsitayo... na kayo r'yan." mahinang dugtong ni Ate.

Hindi na n'ya siguro natuloy ng malakas ang mismong sasabihin n'ya dahil umalis na kami sa harap n'ya.

"By the way, happy birthday, kambal!" sigaw ni Ate.

"Thank you, Ate!" sigaw ko mula sa banyo.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Ryzk na naglalakad pero hindi pa ako napapansin nito dahil ginugulo-gulo n'ya ang basa n'yang buhok. Kaya ng tumapat s'ya sa pwesto ko ay kinawit ko ang braso ko sa braso n'ya kaya napatingin ito sa akin.

"Happy birthday!" nakangiti sabi ko kaya nginisian n'ya ako.

"Happy birthday."

"Ay," nagtatakang napatingin s'ya sa akin.

"Pagkatapos ba nating bisitahin si Mom, bibisita ka rin sa kan'ya?"

Napatitig s'ya sa akin at umiwas ng tingin. Napakagat na lamang ako sa labi ko. Alam ko kasing malungkot pa rin s'ya sa pagkawala nito kahit nakakamove-on na s'ya

"Yes." mahinang sabi n'ya pero dahil nga katabi n'ya ako ay narinig ko pa rin 'yon.

"Sama mo 'ko." magiliw na tugon ko kaya tumango na lamang s'ya.

"Happy birthday!" bati sa'min ni Dad pagkarating namin sa dining area.

"Thank you po."

Nang mapatingin ako sa lamesa at nanlalaki ang mata ko na pinasadahan ng tingin ang mga nasa lamesa at tumingin kay Dad.

"May pyesta po ba?" nagtatakang tanong ko.

Umiling si Dad. "Wala naman, bakit?"

"Ba't po andaming pagkain?"

Tumingin ako kay Ate.

"Ito na ba 'yong prinipare mo para sa birthday namin?"

"Baliw! Hindi." She scoffed. "Hindi ito 'yon. Si Dad nagprepare n'yan."

Tumango-tango ako at umupo sa pwesto ko at gano'n na rin si Ryzk.

"May gagawin ba kayo ngayon?" tanong ni Ate.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon