Chapter 49

1 0 0
                                    

Simula kaninang umaga, kanina ko pa napapansin na parang may gustong sabihin sa akin si Reo pero kapag naman tinatanong ko s'ya ay umiiling lamang s'ya at pina-pat ang ulo ko na mas lalo kong ikinatataka pero hindi ko na lamang s'ya pinipilit dahil alam kong sooner or later, magsasalita rin s'ya.

Nandito kami sa site at kanina ko pa rin napapansin ang sobrang paglapit ni Denise kay Reo pero parang wala lamang ito kay Reo. Siguro nasanay na rin s'ya na maraming lumalapit sa kan'yang babae katulad ng nakikita ko... noon.

Napapaiwas na lamang ako ng tingin para baka sakaling hindi ko na ulit maramdaman ang sakit katulad noon kapag nakikita ko s'yang may kasamang ibang babae.

"Bagay sila ni Denise, 'no?" rinig kong sabi ng isang trabahante na medyo may kalapitan sa akin.

"Totoo."

"Dapat ligawan na s'ya ni Reo para wala ng kawala."

Napalunok na lamang ako sa narinig at napatingin kila Reo. Katulad ng dati, may nakalingkis na naman na babae kay Reo pero ang pagkakaiba nga lang ay hindi ko na s'ya fiancee kaya malaya s'yang magagawa ang makipagdate sa iba.

Napaiwas na lamang ako ng tingin at umalis dahil para akong nasu-suffocate rito. Saktong pagkadating ko sa likod ng site ay presko ang hangin dahil sa mga puno. Napahugot ako ng hininga at napahawak sa dibdib dahil nararamdaman ko na naman ang sakit na akala ko matagal ng nawala katulad ng akala kong wala na kong nararamdaman para sa kan'ya.

Puro akala lang pala 'yon dahil ang totoo, nandito lang 'yon. Naisantabi ko lang dahil mas inuna ko ang pamilya ko at ang sarili ko. Akala ko okay na ko, na pagbalik ko rito, wala na kong nararamdaman sa kan'ya. Pero hindi pala. Dapat pala sinigurado na wala, dahil itong nararamdaman ko hindi ko na dapat 'to i-entertain dahil alam kong masasaktan na naman ako.

Atsaka may Aku na ko, mag anak na ko, sa kan'ya na dapat ako naka-focus. Dapat iniisip ko kung paano ako mas magiging mabuting nanay sa kan'ya at kung paano ko s'ya mapapalaki ng maayos. At dapat nire-ready ko na rin ang sarili ko kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang mga bagay na dapat n'yang malaman.

Pero dahil sa nangyayari ngayon parang mas lalo akong nahihirapan. Imbes na um-okay ako kahit papa'no ay para akong nasasakal sa nararamdaman ko katulad noong itinatago ko kung anong nararamdaman ko kay Reo.

Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang phone at nakitang tumatawag sa akin si Ryzk.

"Hello, Ryzk? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Mama..."

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Aku.

"Anak? Bakit? May kailangan ka ba?" medyo natatarantang tanong ko.

"No..."
Kumalma ako dahil sa sagot n'ya.

"Hm... Miss mo ko?" nakangiting tanong ko.

"Opo..."

Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ang sagot ng anak ko. Kahit ako rin naman ay nami-miss ko s'ya kapag magkalayo kami. Ganito talaga siguro kapag may anak na.

"Don't worry, anak. I'll make sure na maaga ako makakauwi, okay?"

"Okay." sabi n'ya at alam kong nakangiti s'ya ngayon.

"How are you?"

"Fine... Alaga ko Unshel Papa."

Lalo akong napangiti kasi simula nung nakauwi si Ryzk gaking ospital at talagang tumutulong s'ya sa pag-aalaga sa Tito Papa n'ya. Kaya mas lalong gusto ng gumaling ni Ryzk para raw makabawi sa pamangkin dahil imbes na s'ya rin daw ang mag-aalaga ay nabaliktad daw ang nangyari.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon