Chapter 50

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Reo ay hindi na kami nag-usap ulit dahil iniiwasan ko s'ya. Nainis at nasaktan ako sa sinabi n'ya noon na parang ako pa ata ang may kasalanan kung bakit hindi natuloy ang engagement namin when in fact, s'ya ang may kasalanan ng lahat.

Pero wala na naman ng magagawa ang paninisi ko sa kan'ya dahil tapos na ang lahat at nakaraan na iyon. Dapat na kaming magfocus sa kung anong nangyayari ngayon. Ako kay Aku at sa negosyo ni Mama at s'ya sa pag-aaral at sa training n'ya.

Nandito ulit ako sa site para tignan ang construction ng restaurant tapos mamaya ay makikipagkita ako sa mga dating officer ng SSG dahil hindi ako nakarating sa graduation ng iba noon. Sabi rin nila ay gusto nilang ma-meet ang anak ko kaya isasama ko s'ya mamaya.

Hindi ko kasama si Reo ngayon dahil alam kong dito ko rin naman s'ya makikita pero sasaglit lang ako hindi dahil iniiwasan ko s'ya. Okay, kasama rin s'ya sa dahilan pero hindi ko muna iisipin iyon ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko sila Denise at Reo na magkasama. Nakalingkis ulit si Denise sa braso ni Reo at parang wala man lang ito sa kan'ya kaya lihim na lamang ako napailing.

"Miss Reese!"

Paalis na sana ako kaso mauudlot pa yata. Napatigil ang iba sa ginagawa nila dahil sa pagsigaw ng isang trabahante at nakita kong napatingin sa akin sila Reo. Nakita ko rin na tinanggal ni Reo ang pagkakakapit ni Denise sa braso n'ya na ikinataka ng babae at napatingin sa akin.

Pero nagpatay malisya na lamang ako at pumunta sa trabahante na pinapalapit ako sa pwesto nila. At doon ko lang napansin na nandoon si Tito kaya agad akong lumapit sa pwesto nila at niyakap s'ya.

"Jael, kumusta na?" tanong ni Tito sa akin kaya nginitian ko s'ya.

"Ayos lang po, Tito. Kayo po?"

"Okay lang din." lumapit s'ya akin ng kaunti. "Pero nakakapagod kasi andaming trabaho."

Natawa at napailing na lamang ako sa sinabi n'ya.

"Oo nga pala, kailan ko ba makikita ang anak mo, Jael?" tanong ni Tito kaya napaisip ako.

"Hm... kung kailan po kayo libre." nagkibit balikat ako.

"Sige, sasabihan kita kapag libre na ko at isasama ko ang kuya Peter mo."

Lumawak ang pagkakangiti ko pero napasimangot din.

"Oh! Bakit?" nagtatakang tanong ni Tito.

"Feeling ko may isa na namang tao ang mangii-spoil sa anak ko."

Natawa si Tito dahil alam n'yang si kuya Peter ang taong tinutukoy ko na mangii-spoil kay Aku. Spoiled na nga s'ya kay Ryzk, may dadagdag pa.

Ginulo ni Tito ang buhok ko. "Hayaan mo na, 'nak. Wala pa kasi s'yang baby. Alam mo naman na noon ikaw ang baby n'ya kaso ngayon ay may sarili ka na."

"Baby pa rin naman po n'ya ko. Wala namang nagbago." nakangusong sabi ko.

Napangiti at napailing na lamang si Tito.

" O s'ya. Aalis ka na ba? Halata kasing titingin ka lang dito para makita ang restaurant."

Tumango ako. "Opo, tinignan ko lang po talaga. Atsaka aalis din po ako kaagad kaso..." napangiti ako at tumingin sa trabahante na tumawag sa akin.

"Tinawag po ako."

"Nako! Miss Reese, pasensya na po." paumanhin n'ya kaya nginitian ko s'ya at inilingan.

"Wala po 'yon. Atsaka kung hindi n'yo naman po ako tinawag, hindi ko po makakausap ang Tito."

Tinignan ko si Tito. "Ang hirap pa naman po n'yang hagilapin." natatawang sabi ko.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon