Chapter 15

1 0 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa elevator dito sa parking lot ay napahinto ako dahil sa nakita. Kahit nakatalikod s'ya sa pwesto ko, alam kong s'ya si Reo at may kasama na naman s'yang ibang babae. Nakangiti ang babae sa kan'ya habang nakahawak sa kamay nito. Nanikip na ang dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit at nararamdaman kong nagtutubig na ng mga mata ko. Hndi ko alam kung anong nagtulak sa'kin at pinanood ko lang sila.

Umiwas ako nang tingin dahil sobrang sakit na ng dibdib ko. Kinalma ko ang sarili ko at naglakad papunta sa elevator. Mabuti na lang ay malapit na ako at malayo sila sa pwesto ko. Ayokong makita at malaman ni Reo na alam ko na ang lahat ng ginagawa n'ya.

Nang makapasok ako sa elevator ay napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Pinipiga ang puso ko. Nagre-reply sa isip ko lahat ng mga araw na nakita ko s'ya na may kasamang babae. Iba't ibang babae kada makikita ko s'ya. Ang sakit. Hindi ko 'to kakayanin.

Tulala ako buong klase. Parang walang pumasok sa isip ko habang nagdi-discuss mga teacher namin. Mabuti na lang palihim kong narecord yung mga discussion. Papakinggan ko na lang mamaya sa bahay.

Naglalakad ako papasok sa cafeteria ay napatigil agad ako dahil nahagip ng mata ko si Reo na may kasamang babae. S'ya yung babae sa may parking lot na kasama n'ya kanina. Napapikit na lamang ako sabay buntong hininga at umalis. Napagdesisyunan kong pumunta ng rooftop para magpahangin. Gusto kong lumanghap ng hangin dahil hindi ako makahinga. Parang may pumipigil sa'kin na huminga.

Pagkadating ko sa rooftop ay bigla na lang nagsilabasan yung mga luha ko na kanina ko pa pala pinipigilan. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ba't ngayon ko lang 'to nalaman? Bakit? Parang hindi na s'ya yung Reo na nakilala ko. Hindi s'ya yung Reo na minahal ko. O baka s'ya nga 'yon pero hindi ko alam na may ganun s'yang side. O hindi ko talaga s'ya kilala una pa lang. Hindi ko na alam. Nakakatanga naman 'to.

Pagkabalik ko sa room ay s'ya ring dating ng teacher namin kaya nagsimula agad nang discussion pero ewan ko ba nalulutang na naman ako kahit nandito na ako sa harap, kaya palihim ko na naman ni-record 'yung discussion at pinilit na makinig pero wala talaga. Nang hiram na lang ako kay Michelle ng notes kasi hindi ko natapos 'yung mga isusulat mabuti na lang tapos na s'ya dahil sa bilis n'ya magsulat.

Mabagal akong nag-aayos nang gamit dahil andaming lumalabas na estudyante, ayokong makipagsabayan sa kanila. Ang liligalig pa naman ng iba d'yan akala mo mga hindi senior high. Napailing at lihim akong napangisi nang makita ko 'yung mga estudyanteng naglalandian sa hallway tapos ang iingay pa mag-usap akala mo nasa kabilang bundok 'yung kausap.

Nang makita kong kaunti lang nasa hallway ay tumayo ako at lumabas nang room. Mabuti na lang din at wala akong nakasabay sa elevator. Huminga ako ng malalim dahil sumasakit na naman ang dibdib ko at feeling ko na may mangyayaring hindi maganda, hindi ko alam. Pagkalabas ko ng elevator ay balak kong agad na maglakad papunta sa kotse ni Ryzk kaso papunta pa lang ako ay napahinto na agad ako at nagtago sa pader dahil sa nakita.

Si Reo...

Si Reo hinalikan sa noo 'yung babaeng kasama n'ya rito pati sa cafeteria, pagkatapos nagngitian sila. Tapos inayos pa n'ya 'yung buhok n'ya at inalalayan n'ya pang pumasok sa kotse n'ya. Nang papunta si Reo sa kabilang side ay agad akong nagtago at napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutulo luha ko. Napaka-iyakin ko talaga.

Nang sumilip ulit ako wala na ang sasakyan ni Reo pero nang masigurado ko talaga na wala na ay agad akong tumakbo sa kotse ni Ryzk at agad binuksan ang pinto.

"Reese..." rinig kong tawag sa'kin ni Ryzk pagkapasok pero umiling ako at pinilit na magsalita.

"Please... uwi na tayo." mahinang sabi ko.

Hindi na s'ya nagsalita at nagmaneho na lang. Walang nagsalita sa'ming dalawa kaya rinig na rinig ko ang sarili kong hikbi sa loob ng kotse ni Ryzk. Gusto kong tumigil sa pag-iyak. Pero wala, kahit anong pigil ko lumalabas sila.

Naramdaman ko na huminto ang sasakyan kaya napa-angat ako ng tingin pero napakunot na lamang ang noo ko nang makitang wala kami sa bahay. Nandito kami sa may bangin at sa baba nun ay dagat. Ito 'yung lugar na pinupuntahan namin ni Ryzk kapag gusto naming mag-unwind. Napatingin ako sa kan'ya. He gave me a soft smile.

"Let's go." sabi n'ya at lumabas ng kotse.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas ng sasakyan. 

Nakita ko s'yang naka-upo sa harap ng sasakyan n'ya kaya tinabihan ko s'ya. Ngayon ko lang napansin na nagdrive thru pala s'ya. Binigay n'ya sa'kin 'yung burger, s'ya na rin ang umasikaso ng soft drinks namin. Tahimik lang kami kumakain habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"Hindi ko alam..." sabi n'ya kaya nagtataka akong tumingin sa kan'ya.

"Hindi ko alam na ganun si Reo." mahinang sabi n'ya, halata rin sa tono n'ya na humihingi s'ya ng tawad.

Pero bakit?

"Anong sinasasabi mo d'yan?" nagtatakang tanong ko kaya tinignan n'ya ko ng seryoso

"Nakita ko..." seryosong sabi n'ya kaya kinabahan ako.

"Nakita ko na may kasama s'yang babae." napaawang ang labi ko sa narinig sa kan'ya.

Pa'nong...

Tama... Nasa parking lot nga rin pala si Ryzk. Hindi malabong makita n'ya. Bakit pa nga ba ko magtataka? Ang tanga naman, Reese.

Napaiwas ako nang tingin at tumingin sa harap. Wala akong masabi. Kasi nasasaktan na naman ako. Naawa ako sa sarili ko, ilang beses ko ng nakita pero hindi ako tumigil. Nasasaktan na ko pero sige pa rin ako. Nakakatanga pala ang pagmamahal? Parang ayoko na ulit maramdaman.

"I didn't know what's he doing. Kaya hindi ko alam ang parteng 'to ng ugali n'ya. I didn't meddled myself on his business like he didn't meddled on my own when I decide to sit in on your classes even though I enroll myself on STEM." gulat akong napatingin sa kan'ya.

What? Hindi talaga s'ya naka-enroll sa TVL?

"Wait. Kung naka-enroll ka pala sa STEM? Ba't nakiki-sit in ka sa class ko? Pinayagan ka?" he glanced at me and looked in front again.

"Obviously. I just need to do something. Pero kinukuha ko naman 'yung mga lessons namin, ngayon lang ako bumalik."

Hindi ko na tinanong kung anong ginawa n'ya alam ko naman na sasabihin n'ya sa'kin.

"Like what I was saying, I knew he won't do stupid things. Kung alam ko lang na ganito s'ya, ako na mismo maglalayo sa'yo sa kan'ya." bumuntong hininga s'ya.

"He's my bestfriend, Jael. Pero gusto ko s'yang sapakin kahit andami n'yang nagawa para sa'kin. Parang bigla kong nakalimutan lahat 'yon nang makita kitang umiiyak dahil sa kan'ya."

Ayaw n'ya talaga na masaktan kami ni Ate. Sobrang swerte ko na naging kakambal ko s'ya.

"Dinala kita rito kasi ayokong umuwi ng ganyan ka. Alam kong ayaw mong makita ka nila Dad na ganyan."

Tama s'ya. Ayokong umuwi ng ganito. Ayokong mag-alala sila. Pero sooner or later, malalaman din nila.

"Dinala rin kita rito dahil alam kong gusto mong mag-isip. Gusto mong huminga. Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon. Kaya kung gusto mo pang umiyak. Go. I won't do anything. I will let you. Because I know, it will make you feel better." malambing na sabi n'ya and I snapped.

Umiyak ulit ako kaya hinigit n'ya ako at niyakap.

"I'm sorry, princess." He said. I shook my head, wala s'yang kasalanan.

"I'm sorry that I didn't protect you." He hugged me tightly. Mas lalo kong sinubsob ang muhka ko sa dibdib n'ya at mahigpit na humawak sa damit n'ya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon