Chapter 48

2 0 0
                                    

"Ma'am, nandito na po sila Sir Reo." sabi sa akin ng isang katulong.

"Papasukin n'yo na lang po sila. Salamat." nakangiting sabi ko.

"Sige po." sabi n'ya at lumabas ng kwarto namin ni Aku.

"Baby, magbihis ka na. Nandito sila Uncle Reo mo." sabi ko kaya agad s'yang tumayo sa paglalaro sa sahig at tumakbo papunta sa akin.

Pagkatapos ko s'yang ayusan ay kinuha ko ang mga gamit namin at bumaba. Pagkababa namin ay nakita namin sila Reo na nag-uusap pero naputol 'yon ng sumigaw si Aku.

"Unshel Leo!" napailing na lamang ako dahil sa nabanggit n'yang pangalan.

Agad s'yang sinalubong ni Reo ng tumakbo ito papalapit sa kan'ya at nakita kong nakatingin sa akin si Rage kaya ibinuka ko ang mga braso ko at nginitian s'ya. Agad naman s'yang tumakbo sa akin at niyakap ako kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kan'ya.

"Na miss kita, Rage." sabi ko.

"Ako rin po, Ate." nakangiting sabi n'ya sa akin.

"Nung huling kita natin maliit ka pa, ngayon matatangkaran mo na ko." nakasimangot na sabi ko.

Lalong lumawak ang pagkakangiti n'ya. "Gano'n talaga, Ate."

Napailing na lamang ako at napatingin kila Reo. Bubat-buhat n'ya ngayon si Aku at nakatingin sila sa amin ngayon. Napansin naman ni Rage na nakatingin ako kila Reo kaya lumingon s'ya at napatingin kay Aku at sa akin ulit.

"Sino s'ya, Ate?" tanong ni Rage habang nakatingin kay Aku kaya hinawakan ko s'ya sa magkabilang balikat na ikinalingon n'ya sa akin.

"That's Aku, he's my son." nakangiting sabi ko.

"Son?" gulat na gulat na sabi n'ya na ikinatango ko.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Rage sa amin ni Aku habang may nanlalaki ang mata.

"Alam n'yo, ba't hindi tayo umalis ngayon?" suggest ko para wala ng maitanong sa akin pa si Rage.

"Para mahaba ang oras natin sa paglilibot sa zoo." tumingin ako kay Rage.

"Ano sa tingin mo?"

"Oo nga 'no?" tumingin s'ya sa Kuya n'ya. "Kuya, tara na. Alis na tayo."

Tumango si Reo at kinuha ang mga gamit sa akin kaya kukunin ko pa lang si Aku sa kan'ya ng marahan n'ya itong iiwas sa akin.

"Ako na." sabi n'ya at naglakad papalabas ng bahay na ikinatanga ko na lamang.

Napailing na lamang ako at sumunod sa kanila. Pagkasakay naming lahat ay umalis kami agad sa bahay. Uupo sana ako sa tabi ni Aku sa likod kaso ay hindi naman kami kakasya'ng tatlo roon dahil hindi naman pwedeng umupo si Rage sa passenger seat kaya nagpresinta na lamang si Rage na s'ya na lamang ang magbabantay kay Aku na pinayagan ko naman.

Nililingon-lingon ko na lamang sila paminsan-minsan at sa ganoong paraan din kami minsan nagkakatingin ni Reo na ikiniiwas ko na lamang ng tingin dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Mabuti na lang at naglalaro lamang silang dalawa ni Rage kaya hindi ko na lamang sila iniistorbo.

Pagkarating namin sa zoo ay excited na excited agad ang dalawa. Kaya halos magtatatakbo ang dalawa, mabuti na lamang at ginagabayan pa rin ni Rage si Aku dahil nga sa medyo bata pa ito. Kami naman ni Reo ay binabantayan lamang sila at hinahayaan pero sinisigurado namin na hindi sila makakalayo.

S'ya ang may buhat ng gamit ni Aku dahil sabi n'ya ay mapapagod lang ako kaagad kung bubuhatin ko pa ang bag ni Aku na may kabigatan. Since medyo may pagkamalikot at sobrang energetic ni Aku ay panigurado ngang mapapagod ako at ngayon pa lang ay kailangan ko na ng maraming energy kay hinayaan ko na lamang sila.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon