Chapter 14

1 0 0
                                    

"Fiancé?"

"I..." napabuntong hininga ako at humarap kay Dad.

"We're going to talk." Dad shook his head that made my forehead creased.

"I'm the one should explain that. But not now, after the dinner, Peter, I'm going to tell you everything you need to know." Dad said. Kuya Peter just nod.

Pumunta kaming lahat sa dining area para kumain. Dad is in the center while tito Art, tita Grace, Rage and Reo is in his right, while in his left side are ate Eryn, kuya Peter, me, and Ryzk. Si kuya Peter ang nag-asikaso kay Ate habang si Ryzk ay inasikaso naman ako. Hindi na kami nagreklamong dalawa ni Ate dahil lagi nilang kaming inaasikaso kahit kaya naman namin. Habang nilalagyan ako ni Ryzk ng pagkain ay kinausap ko si Rage dahil nasa kaharap ko s'ya at ayoko naman na mailang ang bata dahil puro matatanda ang kasama n'ya.

"Rage?" nag-angat s'ya nang tingin.

"Yes, ate?" nagtatakang tanong n'ya.

"How's your school?"

"Uhm..." nag-isip muna ito sandali bago sumagot sa'kin.

"School's fine, Ate."

Nginitian ko s'ya. "I'm glad."

"Ate," tawag n'ya sa'kin kaya tinignan ko s'ya ng nagtataka.

"P'wede ka po bang pumunta sa school namin next week?"

"Huh? What for?"

"May play po kasi kami, isa po ako sa gaganap. Gusto ko po sanang pumunta kayo para manood, kung ayos lang po." magalang at nahihiyang sabi n'ya kaya nagkatinginan kami ni Ryzk.

Tinaasan ko s'ya ng dalawang kilay at muhkang nagets naman n'ya ang pinapahiwatig ko kaya tumango s'ya.

"Manonood kami ng kuya Ryzk mo." nakangiting sabi ko kaya ngumiti s'ya ng malawak.

"Talaga po?" excited na tanong n'ya kaya lalo akong napangiti at tumango sa kan'ya.

"Aasahan ko po 'yan."

"Sige na, kumain ka ng marami, okay?" sabi ko sa kan'ya kaya magana s'yang tumango sa akin at kumain.

Habang kumakain s'ya ay natapunan ang damit n'ya kaya agaran ko s'yang pinuntahan at tinulungan sa damit n'ya. Nang magkatinginan kami ni Rage ay napahagikgik na lang kami.

"Rage, sabi ko kumain ng marami, hindi magkalat sa damit." nakangiting sabi ko.

"Sorry, Ate, nagugutom na po kasi ako, kakatapos lang po kasi ng practice namin ng sabihin sa'kin nila Mama na pupunta po kami rito." sabi n'ya sa'kin kaya marahan kong pinisil ang pisngi n'ya.

"It's okay, may extrang shirt ka ba?" tumango s'ya bilang sagot. "Get your shirt and change, okay?"

"Okay po." sabi n'ya at pumunta sa living room.

Bumalik ako sa pwesto ko at napansing nakangiti sa akin si tita Grace.

"You're also fond kids, ha?" nakangiting tanong sa'kin ni Tita.

"Yes po." nahihiyang sabi ko.

"That's good to hear." napangiti na lamang ako sa sinabi ni Tita.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang nagpatuloy naman kami sa pagkain, bumalik na rin si Rage pagkatapos n'yang magpalit ng damit.

"Jael, pwedeng ikaw kumuha ng dessert?" tanong sa'kin ni Dad kaya tumango at pumunta sa kusina.

Kaya pala pinagawa n'ya ako ng graham mango cake kagabi ay dahil pala rito sa dinner with Reo's family. Pagkakuha ko sa ref ng container ay inilapag ko muna ito sa counter at kumuha ng knife and spatula kaso pagharap ko ay nauntog ako dahil ang alam ko wala namang pader sa likod ko kaya nag-angat ako nang tingin at napa-atras ng konti ng makita ko si Reo. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko ng makita s'ya.

"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na sabi ko.

"Helping?" inosenteng tanong n'ya kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Note the sarcasm?" umiling s'ya sa sinabi ko.

"I really want to help you." sabi n'ya kaya tumango ako at nilagpasan s'ya.

"Kung gusto mo talaga akong tulungan ilagay mo na ron yung mga platito at kutsarita na gagamitin natin." sabi ko habang inaasikaso yung dessert, s'ya naman kumukuha ng mga inutos ko sa kan'ya sa kabinet.

"I'll go ahead." he said.

"Okay." narinig ko na lamang ang tunog ng sapatos n'ya na paalis dito sa kusina.

Pagkatapos kong hiwain ang dessert ay agad akong pumunta sa dining area at inilagay sa table ang container. Habang nilalagyan ko ng dessert sila Daddy ay business pa rin ang pinag-uusapa nila kaya hindi na lamang ako nagsalita. Habang inaasikaso ko si Ryzk ay tinawag ako ni tita Grace.

"Reese, hija," hinarap ko si Tita.

"Yes po?" magalang na tugon ko.

"Sa birthday n'yo ni Ryzk, along the engagement party, do you have any ideas, where and what theme will be the party?"

Natigilan ako sa tanong ni Tita at napatingin kay Reo na nakatingin rin pala sa akin kaya umiwas ako ng tingin at tumingin ulit sa Mama n'ya.

"W-wala pa po e, sorry." mahinang sabi ko.

"Oh no, it's fine. Just ask us if you need any help, okay?" nakangiting sabi ni Tita kaya napangiti rin ako.

Pagkaalis nila Tita ay inaaya agad ni Dad si kuya Peter sa office nito para siguro ipaliwanag sa kan'ya ang tungkol sa engagement habang si Ate ay pumunta sa kwarto n'ya dahil may tatapusin pa raw ito. Si Ryzk ay hindi ko na nakita pagkatapos naming magpaalam kila tita Grace.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakita ko si Ryzk na nakaupo sa gilid ng kama ko habang nakatungo ang ulo kaya dahan-dahan kong sinara ang pinto kahit alam kong alam n'ya na nandito ako. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi n'ya.

"Ryzk..." mahinang tawag ko sa pangalan n'ya. Inangat n'ya ang ulo n'ya at tinignan ako.

"How are you?" tanong n'ya kaya nagtaka ako pero sinagot ko pa rin.

"I'm fine, twin. You?" tumango-tango s'ya at tumingin sa bintana.

"Go on." napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"W-what do you mean 'Go on'?" nagtataka kong tanong sa kan'ya kaya tumingin ulit s'ya sa'kin.

Seryoso na ang muhka n'ya hindi katulad kanina na kalmado lang kaya kinabahan ako kahit hindi naman dapat.

"Really, Jael? Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?" madiin na sabi n'ya kaya lalo akong kinabahan. Para akong tumakbo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"I won't fall for that lie, Jael. Never. I'm your twin. You know that we have strong bond. If you want to lie, lie to everyone, to your friends, to Dad, to Ate, to yourself, but not to me. Hinding-hindi mo 'yon kaya kasi magsisinungaling ka pa lang, alam ko ng may mali." seryosong sabi n'ya kaya napa-iwas ako ng tingin.

Totoo 'yon. Kahit magsinungaling ako sa iba, hinding-hindi ko kayang magsinungaling kay Ryzk kahit anong gawin ko. Nakikita na n'ya agad sa akin kung may mali. Nakikita namin sa isa't isa kung may mali o problema kaming dalawa. Maybe I said those words because I convincing myself that I'm fine. That everything's okay.

Kaso kahit anong gawin kong pagkumbinsi ko sa sarili ko na okay lang ako, mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko dahil iniiwasan ko ang totoo na dapat ay hinaharap ko kahit alam kong sobrang sakit ng maidudulot nito sa'kin.

"Is it about Reo?" agad akong napabaling sa kan'ya.

Naalala ko na naman 'yong mga araw na nakita ko si Reo na may kasamang babae sa cafeteria, na may kasamang ibang babae sa elevator at sa mall. Nagpaulit-ulit 'yon sa isip ko kaya hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. Hinatak ako papalapit ni Ryzk sa kan'ya at niyakap kaya isinubsob ko ang muhka ko sa dibdib n'ya at umiyak.

Wala s'yang sinabi. Hinaplos n'ya ang likod ko habang yakap-yakap ako. Pinaramdam n'ya sa'kin na nandito s'ya, na hindi n'ya ko iiwan, na dadamayan n'ya ko ngayon. Ito 'yong kailangan ko. Si Ryzk 'yong kailangan ko ngayon.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon