Chapter 45

1 0 0
                                    

Few weeks after my son's first birthday ay umalis din sina Dad at Ryzk dahil sa work at training. Pero si Ate ay nagstay pa s'ya for another week at naabutan pa s'ya noon ni kuya Michael.

And two another years had passed simula ng umuwi ako sa Pilipinas kahit sandali lang at hindi ko alam na sa ganitong paraan ko pa makikita si Ryzk.

I never expected na ang dahilan ng pag-uwi ko sa Pinas ay dahil naaksidente ang kapatid ko. Akala ko ay uuwi ako sa Pinas at maabutan ko s'yang nasa airport at sinusundo kami ni Aku o kaya sa bahay ko s'ya makikita.

Pero hindi dahil uuwi ako sa Pinas at sa ospital ko pa talaga s'ya makikita at dahil 'yon sa naaksidente s'ya at hindi ko alam kung bakit.

Mabuti na lamang at sinundo kami ng driver namin kaya hindi ko na kailangan problemahin ang mga gamit namin ni Aku.

Nagmamadali akong pumasok ng ospital kasama si Aku. Since nasabi na sa akin ni Ate kung anong room number n'ya ay agad akong dumiretso doon. Pero natigilan na lamang ako ng makitang may mga tao sa labas ng kwarto n'ya at ang una kong napansin si Reo.

Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto nila since nasa malapit sila ng kwarto ni Ryzk. Unang nakapansin sa akin ang isang lalaki at namuhkaan kong ito ang pinsan ni Michelle.

"Reese?" banggit n'ya sa pangalan ko kaya napalingon sila sa aking lahat. 

Napatingin sila sa batang natutulog sa braso ko kaya tipid ko silang nginitian.

"Si Ryzk?" tanong ko.

Napatingin sila sa akin. "Nasa loob, tulog pa."

"Ano bang nangyari? Ba't s'ya naaksidente?" nag-aalalang tanong ko.

"Vehicle defects, Reese. Sabi ng mga doktor fractures ang meron s'ya pero maagapan naman daw kaagad." sabi ng pinsan ni Michelle.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi n'ya at the same time ay naiilang kasi nararamdaman kong nakatingin sa akin si Reo.

"Pasalamat na rin tayo dahil sa air bag hindi na s'ya nagkaroon ng malalang injuries aside sa fractures. Sa ngayon, tulog pa rin s'ya siguro dahil na rin sa pagod dahil ilang araw na rin s'yang walang tulog dahil sa training."

Kumunot ang noo ko. "Pero sabi n'ya hindi naman daw kayo natatambakan."

Umiling s'ya. "Hindi nga. Pero feeling kasi naman may problema s'ya at training ang ginagawa n'yang takbuhan."

Napaiwas ako ng tingin at inalala kung may nabanggit s'ya sa akin pero wala talaga.

"Wala s'yang sinasabi sa'kin..." mahinang sabi ko.

"Subukan mo s'yang kausapin tungkol dito baka sakaling magsabi na s'ya."

Napakagat ako sa labi at tumango. Pero nagulat na lamang ako ng umiyak si Aku kaya pinatahan ko ito.

"Reese, ba't hindi ka kaya muna umuwi?" marahang sabi ng pinsan ni Michelle kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Halata kasing kakauwi mo lang galing ibang bansa at may kasama ka pang bata kaya sigurado rin akong pagod 'yan. Hindi 'yan makakapagpahinga ng maayos dito." nginitian n'ya ko.

"'Wag kang mag-alala, nandito kami para bantayan s'ya. Tatawagan na lang kita kapag gising na si Ryzk."

Napatingin ako sa anak ko. Tama s'ya, kung magi-stay pa ko rito hindi makakapagpahinga ng maayos si Aku. Kailangan ko rin ng pahinga para maalagan si Ryzk.

Kaya tinignan ko s'ya at tinanguan.

"Sige, salamat. Alis na ko. Kailangan na nga talagang magpahinga ng anak ko."

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon