Chapter 10

3 0 0
                                    

Pinagpapawisan ang mga kamay ko at kinakabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang lalabas na 'to sa loob ng katawan ko dahil sa sobrang kaba. Pero nakapagdesisyon na ko. Wala ng atrasan. Para 'to kay Mommy, atsaka baka sila rin ang makatulong namin sa company ni Mommy. Pinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga ulit ako para ikalma ang sarili ko at tinignan ulit si Daddy na nakatingin lamang sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa muhka n'ya.

"About the arranged marriage..." pagkasabi ko pa lang no'n ay umayos ng upo si Dad at seryosong tumingin sa akin.

"What about it?"

Napatungo ako at napatingin sa mga kamay ko na nasa kandungan ko.

"Nakapagdesisyon na po ako." mahinang sabi ko pero alam kong narinig ni Dad 'yon dahil rin sa sobrang tahimik dito sa study room n'ya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ni Dad.

"What's your desicion?" marahang tanong n'ya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kan'ya.

"Pumapayag na ho ako..." nanlaki ang mata ni Dad sa sinabi ko. Bakas na bakas ang gulat at pagtataka sa muhka n'ya.

"Dad, I accept the marriage because of Mom. Mom gave everything to us-- to me. Even in her last breathe, that's why I want to do this. Even though she's not here anymore. Atsaka sa tingin ko naman po matutulungan nila tayo sa business ni Mommy kaya bakit po hindi ako papayag, 'di ba?" mahinang sabi sa dulo.

Well, Mom's business is restaurants and cafe's at iniisip kong mas palaguin pa 'yon kapag naka-graduate na ako. May alam naman ako pagdating sa pagbu-business dahil na-train naman ako ni Mommy sadyang mas nagfocus lang ako sa pagluluto para may mas matutunan pa ako pagdating sa paggawa. Atsaka naisip ko na baka kapag naikasal nga ako sa anak ng kaibigan ni Mom baka makatulong sila sa business ni Mommy. Atsaka ayoko ng mas pahirapan pa si Dad, ayon na lang naman kasi ang huling hiling ni Mom na minsan lang n'yang gawin kaya hindi na ako magtataka kung bakit n'ya gustong gawin pero alam kong nahirapan din s'yang magdesisyon dahil anak n'ya ako, alam n'ya ang mararamdaman ko kaya masaya pa rin ako na naisip ni Dad kung ano man ang mararamdaman ko kung sakaling pumayag man s'ya na hindi ako sasabihan.

"A... are you s-sure, Reese?" nauutal na tanong ni Dad, halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

Kaya nginitian ko s'ya ng matamis. Nang makikita n'ya sa mga ngiti ko na okay lang sa akin ang desisyon kong 'to.

"Yes, Dad." kaya bumuntong hininga s'ya.

"Okay, sasabihin ko na sa kanila. Para magkita na rin kayo ng maaga."

"Sige po, kakausapin ko pa po si Ryzk tungkol dito."

"Ako na ang magsasabi nito sa Ate mo. Sige na, umakyat ka na at magpahinga."

Kaya tumayo ako at lumapit kay Dad sabay halik sa pisngi n'ya.

"Akyat na po ako." tumango lang si Dad bilang sagot kaya tumalikod na ako at lumabas ng office n'ya.

Agad akong umakyat ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Napaupo ako sa gilid ng kama ko at nagtakip ng muhka gamit ang mga palad ko. Siguro naman tama ang naging desisyon kong tanggapin 'yon. Wala naman sigurong mangyayari 'di ba? Magiging okay siguro ang lahat. Hindi naman ako ipagkakatiwala ni Mom sa kanila kung sasaktan nila ako 'di ba?

Napa-angat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Ryzk na seryoso ang muhka na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang luha ko kaya agad s'ya lumapit sa akin at niyakap ako kaya isinubsob ko ang muhka ko sa tyan n'ya.

"Pumayag ako, Ryzk... pumayag ako." sambit ko at naramdaman ko na lamang na humigpit ang yakap n'ya sa akin.

"Kinakabahan ako, Ryzk." umiiyak na sabi ko sa kan'ya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon