Prologue

9 0 0
                                    

Simula ng mawala s'ya lagi ng tulala si Ryzk, minsan wala pa s'ya sa sarili. Gusto ko mang maging matatag at manghugutan n'ya ng lakas hindi ko rin kaya. Kasi kahit ako, nasaktan din ng sobra sa nangyari. Lagi rin akong tulala at umiiyak sa kwarto. Kahit sandali lang kaming nagkakilala, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kan'ya. Tinuring ko na rin s'yang kapatid.

Kaya ang sakit para sa'kin na wala na s'ya sa tabi ko. Pero kahit gano'n kailangan namin magpatuloy kahit wala na s'ya. Kailangan namin tuparin ang pangako namin sa kan'ya at sa sarili namin. Sad'yang mahirap at masakit lang kay medyo nahihirapan kami. Nandyan naman si Ate para sa'min pero hindi palagi. Pero may isang tao na nandyan hindi lang para kay Ryzk, kundi para na rin sa'kin

Si Xyler Reo Xavier...

S'ya 'yong nandyan kapag bibigay na kami. S'ya 'yong pinagkukuhanan ko... namin ng lakas. S'ya 'yong nandyan kapag kailangan ko ng masasandalan. Kaya sobrang saya ko kapag nandyan s'ya. Lumakas ako dahil tinulungan n'ya ako. Kaya ngayon ay nasasandalan na ako ng kakambal ko kasi may lakas na ako para matulungan s'ya. Thanks to him.

Ilang buwan din n'ya akong tinulungan bago ko s'ya matulungan sa kapatid ko. Ilang buwan din ng marealize ko na nahuhulog na pala ako sa kan'ya. Pero hindi ko 'yon aaminin kasi alam kong nakababatang kapatid lang naman ang turing n'ya sa'kin. Atsaka ayoko namang may magbago sa kung anong meron kami ngayon dahil lang umamin ako. Okay ng mahalin ko s'ya ng palihim at least nakakasama at nakikita ko s'ya kesa naman sa mawala lahat.

Oo alam ko na dapat gawin ko lahat para wala akong pagsisihin sa huli. Pero natatakot din ako na kapag umamin ako, pagsisihan ko s'ya kasi nawala kung anong meron kami. Okay ng ganito. Okay ng masaktan ng palihim. Basta nandyan s'ya sa tabi ko. Masaya na ko. Sapat na sa'kin 'yon.

"Tulala ka na naman d'yan." rinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya napalingon ako ay nakita kong nakatayo si Reo sa gilid ko habang nakatingin sa akin. As expected, hindi na naman nito suot ang blazer n'ya. Kaya nakaputing long sleeve polo ang suot nito, nakapamulsa pa s'ya sa harap ko. Habang tinitignan ko s'ya ay bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin at tumingin sa harap.

"Ano na naman 'yang iniisip mo?" kalmadong tanong n'ya kaya umiling ako.

"Namiss ko lang s'ya." sabi ko at bumuntong hininga.

Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Tunog lang ng malakas na hangin at ng mga dahon ang naririnig n'ya. Nandito kasi sila sa rooftop ngayon kaya mahangin. Mabuti na lamang at itinali ko sa bewang ko ang blue kong jacket kaya hindi nililipad ang palda ko.

"Wala ka na bang klase?" tanong n'ya kaya umiling ako.

"Wala na." sagot ko. "Naging magkaklase na kayo ni Ryzk, 'di ba?" tumango naman s'ya.

"Simula kasi ng mawala s'ya binitawan n'ya ang culinary arts. Sabi n'ya sa'kin tutuparin na n'ya ang pangako n'ya sa dalawang babaeng dumating sa buhay n'ya kaya pinagtuunan n'ya ng pansin 'yon. Do'n n'ya binuhos lahat ng oras n'ya." kwento ko.

"Alam ko. Hindi mo naman kailangan mag-alala sa kan'ya. Kaya na n'ya ang sarili n'ya. Pwede ko rin naman s'yang tulungan." sabi ni Reo kaya tinignan ko s'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa harap.

"Thank you..." sinserong sabi ko kaya nagtatakang napatingin s'ya sa akin.

"For what?"

"For helping us. For helping him." nakangiting sabi ko kaya umangat ang gilid ng labi n'ya.

"He's my bestfriend. It's my duty to help him..." kaya lalo akong napangiti. Nag-aalala talaga s'ya sa betfriend n'ya. "... and you."

Lalong bumiling ang tibok ng puso ko ng sinabi n'ya 'yon. Alam n'yang walang ibang meaning 'yon pero sadyang ang sarap lang kotongan ng sarili n'ya dahil parang nilalagyan n'ya na ng meaning.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon