Chapter 29

1 0 0
                                    

Malapit na namin matapos ang pagdedekorasyon sa gymnasium. Ang iba rito ay tapos na at dino-double check na lamang nila kung sakaling magkaroon ng problema.

Napatingin ako sa paligid, masasabi kong ito na siguro yung maganda na na-decorate namin. Enchanted forest. Gusto kasi namin na maging magical ang last school year namin dito sa VU kaya ito ang napili naming theme na pinayagan naman ng nakakataas. Kaya sobrang saya naman dahil dito.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakitang nagliligpit na sila para makauwi na rin kami dahil nine P.M. na kami natapos. Gusto kasi namin na bukas ay konting ayos na lang at double checking sa mga decorations para hindi kami hagol sa lahat. Tumulong na ko sa pag-aayos nila para mapadali ang gawain namin. Nang matapos na kami ay pumalakpak ako na nag-echo sa loob ng gymnasium kaya naagaw ko ang atensyon nila. Nagtataka naman silang napatingin sa akin kaya nginitian ko sila.

"Anong oras na rin at lahat tayo hindi pa naghahapunan kaya naisipan ko na kumain muna tayo sa labas kung ayos lang sa inyo?" sabi ko kaya nagkatinginan naman sila.

"Oo naman!" sabi ng President namin kaya nabatukan s'ya nang malakas ni Shun.

"Dahil alam mong libre kaya ka ganyan." sarkastikong sabi ni Shun.

"Hoy! 'Wag nga raw tanggihan ang grasya e." pagdadahilan n'ya habang nakanguso pa ito kaya napailing na lamang ako.

Kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa iba pa naming kasamahan at tumango naman sila sa amin.

"Oy! Tama na nga 'yan. Parang hindi pagod ah!" saway ng Treasurer.

"Ito mapapagod?" turo ng VP kay Pres at umiling. "Napaka-imposible lalo na't nakarinig ng libre."

"Aba'y---" nang babatukan na ni Pres si VP ay agad itong tumakbo kaya naghabulan ang dalawa sa labas. Kinuha na lang namin ang gamit ng dalawa para maisara na rin namin itong gymnasium.

Ang PIO at ang PO ang nagsara ng gymnasium. Bumungad sa amin ang tunnel na hindi pa naayos dahil naisapan namin na ayusin na lamang ito bukas. Ito ang magsisilbing guide ng mga students papasok ng gym. Kumabaga sa mga fantasy story ay ito ang portal. Nakaayos na ito at ide-decorate na lamang para mas maayos tignan. Puro bakal at mga wires pa lang kasi ang itinayo wala pa ang mga decorations nito.

"Para talagang mga bata." sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa gilid ko at nakita ang Auditor. Napangiti na lamang ako.

"Hayaan na natin. Mga nagbibinata na e. Baka sinusulit." nakangiting sabi ko kaya natawa na lamang s'ya at napa-iling.

"Tara na. Late na dinner natin. Nakakagutom." sabi n'ya kaya tumango ako at naglakad papunta sa dalawa na naghahabulan pa rin.

Mabuti na lang din ay madamo rito kaya hindi na namin kailangan na maglagay ng fake na mga damo sa may tunnel. Pagkalapit ko sa dalawa ay nagrarambulan na sila sa may damuhan kaya sumigaw ako.

"Paghindi pa kayo tumigil hindi kayo kakain!" sigaw ko kaya napatigil sila agad at tumayo ng maayos.

Inayos pa nila ang damit nila na nagusot at nadumihan. Napailing na lamang ako.

Nakakailang iling na ba ako sa araw na ito? Hindi ko na mabilang.

"Tara na! Nagugutom na mga kasama natin. Kayo lang nagpapatagal." pangangaral ko.

"Ito na po." sabi nila at kinuha ang mga gamit nila sa ibang officers.

Napansin ko na medyo konti kaming mga officers at naalala ko na hindi na nga pala namin kasama ang mga Year Level Representatives dahil mga bata pa iyon. Masama na nagpapagabi sila kahit na sabihin pang may sundo kaya pinauna na namin silang umuwi. Maaga na lang daw sila dadarating bukas para tumulong na sinang-ayunan namin.

Pagkarating namin sa parking lot ay kanya-kanya silang punta sa kanilang mga sasakyan. Since wala akong sasakyan ay kay Shun ako sasabay.

"Sa may Haven's Restaurant tayo." sabi ko sa kanila na tinanguan na lamang nila at mga nagsi-sakay sa kani-kanilang sasakyan. Sumakay na rin ako sa sasakyan ni Shun.

Tahimik lamang kami dalawa dahil halatang napagod ito sa pakikipaghabulan sa Presidente tapos pagod din sa pag-aayos kanina, nagmamaneho pa s'ya.

Pagkarating namin ay halatang ini-reserve na talaga sa amin ang buong restaurant. Mabuti na lamang ay nasabihan ko na ang manager nito. Sumenyas ako kay Shun na bababa na ko na tinanguan naman n'ya kaya bumaba ako at lumapit sa manager na nasa entrance.

"Good evening, Miss Reese." nakangiting sabi nito.

"Good evening." nakangiting bati ko.

"Okay na po lahat, Mrs. Reyes?"

"Yes, Miss. Okay na po lahat." nakangiting sabi nito.

"Sorry po medyo late na kami." pagpapaumanhin ko. Umiling s'ya.

"Naku, wala iyon, hija. Halatang mga pagod at gutom na ang mga kasama mo." sabi n'ya sabay tingin sa likod ko kaya napalingon ako at nakitang nandito na sila kaya humarap ulit ako kay Manager Reyes.

"Opo."

Iminuwestra n'ya ang kamay n'ya papasok.

"O s'ya. Pumasok na kayo para makapagpahinga at makakain na kayo." sabi n'ya sa amin at naunang naglakad papasok kaya nilingon ko ang mga kasama ko at tinanguan.

Sinundan ko si Mrs. Reyes, nakakasalubong namin ang ibang staff na binabati kami kay nginingitian at tinatanguan ko na lamang sila. Ewan ko pero ayaw kong magsalita pa ulit dahil parang mauubos na ang lakas ko.

Nakita namin ang mahabang mesa at may buffet sa gilid may mga server din na aalalay sa amin kapag kukuha na kami ng pagkain. Iminuwestra ko na sa kanila na maupo na sila kaya kanya-kanya silang pwesto.

"Pwede na kayong kumain kung gusto n'yo." sabi ni Manager Reyes at itinuro ang pwesto ng mga pagkain.

"Nandito ang mga pagkain at nandyan ang mga staff na tutulong sa inyo."

"Salamat po." rinig ko sabi nila kaya nginitian ko si Manager Reyes.

"Salamat po, Mrs. Reyes." aniya ko.

"Wala 'yon. Sige na, maiwan ko na kayo. Magpakabusog kayo ha?" nakangiting sabi n'ya sa amin kaya nagtanguan sila at sumagot ng 'oo'.

Nagsimula na silang tumayo at pumila para makakuha ng pagkain. Hindi muna ako pumila at pinagmasdan lamang sila na kumuha ng pagkain nila.

"Ba't hindi ka pa pumipila?" napatingin ako sa likuran ko dahil nga naka-upo ako at nasa likod ko ang biffet table kaya kailangan ko pang lumingon para pagmasdan sila. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Shun na naka-upo at nakatingin sa akin.

"Papaunahin ko muna sila lalo na yung mga staff ni Tita. Atsaka for sure naman hindi ako mauubusan." Sabi ko.

"Ikaw? Ba't hindi ka pa kumukuha?"

"Ganun din. Atsaka gusto ko rin munang umupo nakakangalay pala ang tumayo at maglakad nang maglakad." napangiti ako.

"Tapos naghabulan pa kayo." pagtutukoy ko sa sinabi ko kaninang ginawa nila ni Pres.

Napangiti na lamang s'ya dahil sa sinabi ko.

"Yeah. That too."

"Sana pala ako na lang ang nagmaneho kanina. Hindi naman ako ganoon kapagod e." umiling s'ya at sumimangot dahil sa sinabi ko na ipinagtaka ko.

"Ayoko. Baby ko 'yon. Ako lang pwedeng magmaneho no'n." napangiti na lamang ako sa sinabi n'ya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon