Chapter 36

3 0 0
                                    

"Bal, sino susundo sa atin?" tanong ko sa kan'ya.

S'ya yung nagtutulak ng baggage cart namin habang ako ay nasa tabi n'ya lang. Ayaw n'ya kasi akong pagbuhatin ng bag kahit may bag naman kami na magaan lang. Sabi n'ya ayaw daw n'ya kong mapagod. Kaya hindi na ko nakipagtalo, hindi rin naman ako mananalo.

"Si Manong Jon." simpleng sagot n'ya kaya tinignan ko s'ya na nanlalaki ang mata.

"Totoo?" gulat na sabi ko. Kumunot ang noo n'ya at sinulyapan ako sandali.

"Ba't parang gulat na gulat ka?" !apanguso ako sa tanong n'ya.

"Kasi 'di ba may katandaan na si Manong Jon kaya nakakagulat na nagta-trabaho pa rin s'ya." tumango s'ya.

"True. I heard that Aunt Mika already stop him from working but he's the one who decided to continue from working. And I think it's okay since his working to them." I pouted.

That's true. Matagal din nagtrabaho si Manong Jon kila Mom. Binata pa lang si Manong Jon kila Lola na s'ya nagtrabaho hanggang sa nakapag-asawa na sila Mommy. S'ya rin nga ang kinuhang driver nila tita Mika dahil gusto raw n'yang mapag-aral ang nag-iisang anak ni Manong Jon. Mabuti na lamang at pumayag s'ya, dito na rin sa Canada nanirahan pati ang asawa n'ya, ang anak lang nila ang nasa Pilipinas. Kaya ngayon nagta-trabaho sa amin ang anak n'ya. Pero hindi s'ya pinapasok nila Papa dahil sa kakilala nila ito, tinanggap s'ya kasi qualified talaga s'ya. Nakapagtapos naman s'ya ng college at pasok naman s'ya sa qualifications.

"There!" turo ni Ryzk kaya tinignan ko ang tinuro n'ya at nakita ko si Manong Jon na may hawak pang-taurpaulin.

Welcome to Canada, Villanueva twins!

Nagkatingin kami ni Ryzk at natawa. Napansin din namin na kasama ni Manong Jon ang kambal kaya agad kaming lumapit sa pwesto nila.

"Hello po, Manong Jon." sabi ko habang nakangiti.

"Nako! Ang lalaki n'yo na." natutuwang sabi ni Manong Jon.

"Malamang, Manong. Lalaki talaga kami, tumatanda na kami e." natatawang sabi ko. Binalingan ko ang kambal na kinakausap ni Ryzk.

"Hi, twins!" bati ko sa kanila at kinawayan naman nila ako.

"Hi, ate Re!" balik na bati nila sa'king dalawa.

"Nako! Tara na, naghihintay sa inyo ang Manang Lena n'yo. Nagluto s'ya para sa inyo."

Napapalakpak ako sa sinabi ni Manong Jon at binalingan si Ryzk. "Hala! Ang tagal na rin pala nung natikman natin ang luto ni Manang, Ryzk."

Ngumiti s'ya at tumango. "Kaya umalis na tayo dahil nagugutom na ko." natatawang aniya.

Tinulungan ni Manong Jon si Ryzk sa mga gamit namin habang nakahawak sa mga kamay ko ang kambal para hindi sila mawala.

"Pasukan nyo pa rin ngayon, 'di ba?" tanong ko sa kambal.

"Opo." sagot ni Elijah.

Elijah have gray eyes that he got from his father while Isaiah have brown eyes that he got from his mother, Aunt Mika. That's the only difference between the two of them. Magkahawig na magkahawig kasi talaga ang dalawa, para nga raw silang baby version ni Uncle Nicholas.

Pagkarating namin sa sasakyan ay nagkwento lang nang nagkwento ang mga bata sa'min ni Ryzk. Kung anong mga ginawa nila sa school, kung anong club mga sinalihan nila at kung paano sila ka excited ngayon na magkakaron na sila ng babaeng kapatid. Nagtanong pa sila sa amin kung paano nila maalagaan ng maayos ang kapatid nila dahil sabi nila gusto raw nilang tulungan ang mga magulang nila sa pag-aalaga sa kapatid.

Pagkarating namin sa bahay nila ay pinauna na nila kaming pumasok. Gusto ko pa sana silang tulungan pero sabi nila ay asikasuhin ko raw muna ang mga bata kaya nauna na kaming pumasok. Pagkapasok namin ay nakita namin si Manang Lena na naghahanda, halatang hindi pa n'ya nararamdaman ang presensya namin at halatang hindi n'ya narinig ang sasakyan dahil busy s'ya sa paghahanda.

"Manang Lena!" tawag ko sa kan'ya kaya agad s'ya lumingon sa pwesto namin na nagpangiti sa akin.

"Ay jusko! Reese!" nagagalak na sigaw ni Manang at mabilis na lumapit sa akin kaya sinalubong ko s'ya ng yakap.

"Na-miss kita, apo!" sabi ni Manang at pinanggigilan ako kaya natawa na lamang ako.

"Na-miss ko rin po kayo, Manang." nakangiting tugon ko.

Humiwalay s'ya sa akin ng yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko kaya nagtataka ko s'yang tinignan. Hinaplos n'ya nang marahan ang pisngi ko gamit ang hinlalaki n'ya at tinignan ako nang nangungulila kaya kumirot ang dibdib ko. Alam kong hindi dahil matagal bago ulit kami nagkita kundi dahil 'yon kay Mama dahil kamuhka ko s'ya.

"I'm sorry," sabi ni Manang at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Na miss ko lang ang mama n'yo."

Malungkot ko s'yang nginitian. "Ako rin po."

Umiling s'ya at marahan akong hinatak. "Umupo ka na rito, alam kong pagod ka."

Umupo ako sa tabi ni Elijah at tinignan ang mga pagkain na nasa mesa. Napatingin ako kay Manang.

"May okasyon po ba? Andami po kasing pagkain." nagtatakang sabi ko.

"Nako! Wala, mas lalo kasi akong ginanahan na magluto dahil alam kong ngayon ang dating n'yo ni Ryzk." nakangiting sabi n'ya at tumingin sa may pinto kaya napatingin din ako at nakitang papasok na sila Ryzk.

"Iwan n'yo na muna ang mga 'yan d'yan. Kumain muna kayo." sabi ni Manang sa kanila kaya iniwan nila ang mga gamit at lumapit sa amin.

Tumabi si Ryzk kay Isaiah kay pinaggigitnaan namin ni Ryzk ang kambal. Umupo naman si Manong Jon sa tabi ni Manang Lena at inasikaso ito. Ganun pa rin sila kahit matanda na, inaasikaso pa rin nila ang isa't isa. Walang nagbago sa dalawa.

"Sayang po, wala po rito si Kuya Michael." napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko. Kumunot ang noo ni Manang Lena.

"Hindi ba n'ya nasabi sa inyong dalawa?" nagkatingin kami ni Ryzk at parehong nakakunot na ang noo dahil sa sinabi ni Manang.

"Ang alin po?" nagtatakang tanong ko.

Tumango-tango si Manong Jon. "Hindi nga nasabi."

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi nila at alam kong ganun rin si Ryzk.

"Susunod ang Kuya Michael nyo rito, natatakot daw kasi para sa inyo dahil kamag-anak ni Nicholas ang makakaharap n'yo."

Nagkatinginan ulit kami ni Ryzk.

"Pupunta ho?"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon