Chapter 54

1 0 0
                                    

Naisipan namin ni Ryzk na dalhin si Aku sa espesyal na lugar, and this time kasama na sina Ate at Dad. Pupunta kami sa Mi Refugio Seguro, Mom's safe haven. Gusto namin na ipakita sa kan'ya ang paboritong lugar ng kan'yang Lola.

"Sa'n tayo punta, Mama?" tanong sa akin ni Aku habang pababa kami ng hagdan.

"Pupunta tayo sa paboritong lugar ng Lola mo."

Kumunot ang noo n'ya sa pagtataka. "Saan po 'yon?"

Nginitian ko s'ya. "It's a secret, baby. Makikita mo mamaya at alam kong magugustuhan mo ro'n.

"Maganda po... ba do'n?" tanong n'ya ulit.

Masaya akong tumango sa kan'ya. "Yes, baby. Sobrang ganda."

Napahagikgik s'ya. "I'm excited!"

Natawa na lamang ako. Nasa sala na silang tatlo at kami na lamang ni Aku ang hinihintay. Pagkalapit namin ay agad na tumakbo si Aku sa Lolo n'ya.

"Lolo, let's go. I want to... see the place." sabi n'ya at hinatak-hatak si Dad kaya natatawang nagpahatak naman s'ya apo.

Napapailing na lamang kami at kinuha ang ibang gamit para mailagay sa sasakyan. Habang inaayos namin ang mga gamit sa loob ay napapansin kong hindi na mapakali si Aku sa kinauupuan kaya napapangiti na lamang ako dahil alam kong excited 'tong pumunta sa iba't ibang lugar.

Pagkaalis namin ay hindi na matanggal si Aku sa pagkakadikit sa bintana dahil sa kakatingin n'ya sa labas. Hinahayaan ko na lamang pero sinisigurado ko pa rin na hindi s'ya mauuntog o madidisgrasya.

Si Dad ang nagmamaneho ngayon habang katabi n'ya si Ate sa passenger seat. Kaming tatlo ni Ryzk ay nandito sa likod para may katulong ako sa pagbabantay kay Aku dahil si Ate ay pagod pa dahil sa trabaho kaya hinayaan ko muna s'yang magpahinga sa harap.

Nakatulog din kalaunan si Aku habang tumitingin sa labas kaya hinayaan ko na muna s'yang matulog. Pagkarating namin sa lugar ay agad s'yang bumaba sa kotse ay nakatingin lang sa paligid kaya nilapitan ko s'ya.

"Maganda ba?" nakangiting tanong ko sa kan'ya.

Tumango-tango s'ya. "Opo, sobla!"

Natawa na lamang ako.

"Reese, dalhin mo na ro'n si Aku. Kami na bahala rito." sabi sa akin ni Ryzk.

"Sure?"

Tumango s'ya. Kaya nginitian ko s'ya at hinawakan si Aku sa kamay.

"Let's go, baby." sabi ko at naglakad kaya sumunod sa akin si Aku.

Pagkalapit namin sa dagat ay muntikan na s'yang lumusong kaya natatawa ko s'yang pinigilan.

"Gusto mo ng magswimming, 'nak?" tanong ko.

"Yes, Mama!" natutuwang sabi n'ya at hinahatak ako papalit lalo sa dagat.

"Pero ayaw mo bang kumain muna?"

Umiling s'ya. "Di gutom..." nakasimangot na sabi n'ya.

Mabuti na lamang at nakashort at t-shirt ako kaya ayos lang kung mababasa na ko.

"Mama, let's go." sabi n'ya at hinatak-hatak ulit ako.

"Okay, okay. Wait magpalit ka muna ng damit, anak." sabi ko kaya nilingon n'ya ako.

"Tapos swimming?" paniniguro n'ya kaya tumango ako.

"Yes. Kaya magpalit ka muna, okay?"

"Okay."

Pumunta kami sa bahay para makapagpalit s'ya. Napangiti na lang sila Dad habang pinapalitan ko si Aku dahil halatang-halata na excited talaga s'ya na magswimming sa dagat.

Sumama na rin sa amin si Ryzk para raw masamahan ako sa pagbabantay kay Aku. Nagtatatakbo si Aku papuntang dagat kaya agad ko s'yang sinundan.

"Anak, dito lang muna tayo sa malapit." sabi ko sa kan'ya.

Lumapit naman s'ya at naglaro-laro sa harap ko. Tuwang-tuwa s'ya sa paglalaro sa tubig pati sa buhanginan kaya hinayaan ko na lamang s'ya na makapaglaro.

"Hindi mo pa rin ba sinasagot ang mga tawag at text n'ya?" tanong ni Ryzk kaya agad akong napalingon sa kan'ya.

Agad kong binalik ang tingin kay Aku at bumuntong hininga.

"Yeah..."

"Bakit?"

Bakit nga ba? Kasi natatakot ako na baka gano'n ulit ang mangyari? Madi-dissapoint na naman ako?

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Ewan ko, Ryzk. Gulong-gulo pa rin ako hanggang ngayon. Punong-puno ako ng pagdududa. Kung makakausap ko s'ya baka kung ano ang masabi ko na ikasasakit naming dalawa."

Naramdaman kong napatingin sa akin si Ryzk pero hindi ko inilayo ang tingin kay Aku dahil baka mamaya madisgrasya ang anak ko hindi ko pa alam. At ayoko rin n'yang makita ang mata ko dahil panigurado makikita n'ya ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Naiisip mo pa rin ba?"

Tumango ako. "Lagi, Ryzk. Lagi. Katulad na lang ng dati. Para s'yang sirang video tape na nagp-play sa isip ko. Ayaw ko na s'yang isipin..."

Umiling ako. "Pero wala e, na stuck na ata s'ya sa isip ko."

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko dahil feeling ko iiyak na naman ako.

"Ayoko na s'yang maalala, Ryzk. Kasi sobrang sakit at nakakapagod na. Pero anong magagawa ko kung nakakita na naman ulit ako ng gano'ng senaryo?"

Napahilamos ako sa muhka ko. Hinagod-hagod n'ya ang likod ko.

"Baka... mawawala lang s'ya sa isip mo at mapapanatag ka kung makakausap mo s'ya."

Napakagat ako sa labi. Handa na nga ba kong makausap s'ya?

"Kasi kapag nalaman mo na ang totoo, baka sakaling... mawala ang sakit. Ito rin minsan ang dahilan kung bakit kailangan natin malaman ang totoo, Reese."

Narinig kong huminga s'ya ng malalim.

"Dahil ang totoo ang magpapalaya sa'tin sa sakit na nararamdaman natin ngayon."

Naramdaman kong hinaplos n'ya ang buhok ko.

"Kaya 'wag kang matatakot na harapin ang mga bagay-bagay mas lalo na 'to. Kasi ito 'yong makakatulong sa'yo at sa relasyon n'yo na mas mapatatag 'to. Hindi maayos ang problema kung lagi kang tatakbo, Reese. Kahit alam kong natatakot ka kailangan mong harapin ang bagay na kinakatakutan mo para maging matatag at matapang ka."

Niyakap n'ya ako at hinalikan sa noo kaya napapikit na lamang ako para mas maramdaman 'yon. Isinandal n'ya ang pisngi n'ya sa gilid ng ulo ko.

"Ayos lang ang matakot, Reese, pero hindi palagi. Kasi hindi maayos ang lahat at lagi kang na lang matatakot at hindi mapapanatag. Kaya bigyan mo ang sarili mo ng lakas para marinig ang mga dahilan n'ya. Masaktan ka man o hindi, at least nalaman mo ang totoo."

Napangiti na lamang ako. Mabuti na lang talaga at nandito ang kakambal ko para lagi akong damayan.

Sinandal ko ang sarili ko sa kan'ya at humawak sa braso n'ya na nakayakap sa akin.

"Thank you..."

"Hm?"

"Kasi lagi kang nand'yan..."

"Para namang iiwan kita?" natawa s'ya. "Halos magkadugtong na ang buhay natin. Nasa sinapupunan pa lang tayo."

Natawa ako sa sinabi n'ya at tumango.

"Totoo..."

Nabalot kami ng katahimikan pero naputol din 'yon ng sinigaw ni Aku ang pangalan ng tao na matagal ko ring iniwasan.

"Unshel Leo!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan s'ya na napatingin at natulos na lamang ako sa kinauupuan dahil nakita ko s'yang naglalakad papalapit sa pwesto namin.

"Muhkang ito na ang oras para magkausap kayo, bal."

Hindi pa ko, ready!!!

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon