Chapter 51

4 0 0
                                    

I'm still scared of what will going to happen. Pero sa araw-araw na panliligaw ni Reo ay kahit papaano ay nababawasan ang takot ko. He always assured me that I don't have to be afraid that it will happen again. Kasi hindi na raw s'ya mangyayari dahil ngayon sigurado na s'ya sa nararamdaman n'ya para sa'kin.

Kaya kahit papaano napapanatag ang loob ko. Pero kay Denise, hindi. Kasi napapansin ko naman na umiiwas si Reo sa kan'ya pero s'ya itong lapit nang lapit. Hindi ko naman ito pino-point out kay Reo dahil alam kong katrabaho lamang ang tingin n'ya kay Denise pero kay Denise, alam kong iba. Alam kong may nararamdaman s'ya para kay Reo.

"Hanggang ngayon hindi ko alam kung matutuwa ako na nanliligaw ka sa kapatid ko o ano." sabi ni Ryzk.

Nandito kami sa sala ngayon at binabantayan si Aku sa paglalaro. Mabuti na lamang at hindi n'ya kami naririnig dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya na nanliligaw ang Uncle Reo n'ya.

Napailing na lamang ako sa sinabi n'ya.

"Hanggang ngayon ba, hindi ka pa maka-move on sa sinabi namin?" tanong ko na ikinailing n'ya kaya nagkatinginan kami ni Reo.

"Halos magta-tatlong linggo na 'yon ah?" puna ko.

"Masisisi mo ba ko?" tanong n'ya sa akin at tinuro si Reo.

"Alam mo bang nasapak ko 'yan ng malaman ko ang ginawa n'yang katarantaduhan noon?" gulat ako napatingin sa kan'ya.

"Totoo?" napatingin ako kay Reo at tumango na lamang s'ya.

"Aba! Walang p'wedeng manakit sa'yo 'no." masungit na sabi n'ya at pinagkrus pa ang mga braso.

"Don't worry, I won't do it again." sabi ni Reo.

"Dapat lang. Baka sa susunod, sa ospital ka na talaga didiretso." seryosong sabi ni Ryzk.

"Ryzk!" saway ko s'ya pero tinaasan lamang n'ya ako ng kilay at inirapan.

Napailing na lamang ako at hinawakan sa braso si Reo. Napatingin s'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya na ikinangiti n'ya pabalik.

"Kailan mo balak sabihin sa anak mo, Reese?" tanong sa akin ni Ryzk kaya napatingin ako sa anak ko.

"Bigyan mo pa ko ng kaunting panahon, Ryzk. Sasabihin ko sa anak ko." tinignan ko s'ya.

"Ayokong biglain ang anak ko."

"Kaya lagi kang pumupunta rito?" tanong n'ya kay Reo.

"Hindi lang naman 'yon ang dahilan. Napamahal ako sa bata, Ryzk. Kahit hindi ako tanggapin ni Reese," napatingin s'ya sa akin at nginitian ako.

"Bibisitahin ko pa rin si Aku."

Tumango-tango si Ryzk at napatingin kay Aku.

"Sana ikaw na ang kilalaning tatay ni Aku, Reo." sabi ni Ryzk kaya nagtataka kaming napatingin sa kan'ya.

"Kahit alam kong mapupunan namin ang kulang sa kan'ya, mas maganda pa rin na may kikilalanin s'yang tatay."

"Pero tinuring ka rin n'yang tatay, Ryzk. You became a father figure to him." sabi ko.

"I know. Pero mas maganda pa rin 'di ba? Na may kikilalanin s'ya. Na may tutulong na sa'yo at magmamahal sa inyong dalawa. Kahit nandito kami."

Napangiti ako at tumingin kay Aku.

"'Wag kang mag-alala, Reese." napatingin ako kay Ryzk. "Hindi pa rin naman ako titigil na maging Uncle Papa n'ya. Unang baby 'yan e."

Natawa na lamang ako at napailing. Naramdaman kong hinawakan ni Reo ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya at nginitian s'ya kaya ngumiti na rin s'ya at napatingin kay Aku.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon