Chapter 2

6 0 0
                                    

"Kailangan mong pumasok ngayon, Reese. Hindi p'wedeng hindi ka papasok. Alam kong mabigat ang loob mo pero hindi dapat ito ang magiging dahilan para hindi ka pumasok. Atsaka 'di ba tutulungan mo pa si Reo?" dahil sa pagbanggit n'ya sa pangalan ni Reo ay nanlaki ang mata ko at napabitaw sa kan'ya.

"Hala! Nakalimutan ko!" natatarantang sabi ko at umalis sa kama.

"Careful, bal!" paalala sa'kin ni Ryzk habang tumatakbo ako papunta sa walk-in closet ko para kunin ang towel ko.

"Yeah! Yeah!" sigaw ko at pumasok sa banyo.

Pero binuksan ko ito ulit at inilabas ang ulo ko. Takang-taka naman na tumingon sa gawi ko si Ryzk.

"Thank you for comforting me! Love you, bal!" nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya napangisi s'ya at umiling.

"Yeah! Love you, too." kaya lumawak pa lalo ang ngiti ko. Nag-flying kiss muna ako sa kan'ya at sinara ulit ang pinto.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa kwarto ko. Wala na rin doon si Ryzk sa kama ko. Siguro ay lumabas na ito. Umupo ako sa tapat ng vanity mirror ko at isinaksak ang blow dryer para patuyuin ang buhok ko. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay may kumatok ko.

"Pasok!" sigaw ko at pumasok ang isa sa mga katulong. Kaya nilingon ko ito habang nagpapatuyo ng buhok.

"Miss, ihahanda ko na po ang uniform n'yo." nakangiting sabi n'ya kaya nginitian ko rin s'ya pabalik.

"Sure. Thank you." kaya pumunta s'ya sa walk-in closet ko para kunin ang uniform ko habang ako naman ay naglalagay na ng mga kung ano sa muhka ko. Hindi make-up, okay? Mga skin care product ang nilalagay ko sa muhka ko.

Pagkatapos ko sa morning ritual ko ay tumayo na ako at lumapit sa kama kung saan nilagay ng katulong ang uniform ko.

"Alis na po ako, Miss." sabi n'ya sa akin kaya tumango ako at nginitian s'ya.

"Sige, salamat ulit." ngumiti s'ya pabalik at lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay nagbihis na agad para makakababa na ako.

Pagkatapos kong magbihis ay chineck ko ang laman ng bag kung nando'n lahat ng gamit ko. Nang makita kong nando'n na lahat ay tumingin ako sa full length size mirror ko na nasa tabi lang ng vanity mirror ko at tinignan ang kabuuan ko. Nang makitang maayos na ang itsura ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.

Pagkapunta ko sa dining area ay umupo agad ako sa tabi ni Ryzk na nagkakape habang nagpipipindot sa cellphone nito. Nasa tapat nito si Ate Eryn na tahimik na kumakain. Si Dad naman ay kumakain din pero alam kong tumitingin ito sa gawi ko pero hindi ko pinansin. Kaya kumuha na lamang ako ng pagkain ko at nagsimulang kumain.

Tahimik lang kami sa dining area hanggang sa matapos ang lahat. Kinukuha ko ang nga gamit ko ng kunin sa'kin ni Ryzk ang bag ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kan'ya.

"Sumabay ka na sa'kin." sabi n'ya sa akin. Kaya tumango ako.

Napansin ko na lalapitan ako ni Daddy kaya tumalikod ako.

"Mauna na ko sa sasakyan." at naglakad palabas ng bahay papunta sa garahe.

Nang makarating ako sa tapat ng kotse n'ya ay hinintay ko si Ryzk dahil alam kong naka-lock pa ang ang mga pinto. Nang makita ko s'yang lumabas ay pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko at tinitigan s'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Nang makalapit s'ya sa akin ay natawa na lang kaming dalawa. May pinindot s'ya kaya tumunog ang sasakyan. Pumunta s'ya sa passenger seat at binuksan ang pinto kaya sumunod ako sa kan'ya.

Nakangisi s'ya sa akin ng lumapit ako sa kan'ya. Kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Pasok na." sabi n'ya habang nakangisi sa akin kaya umiling na lamang ako at pumasok. Binigay n'ya muna sa akin ang bag ko at sinara ang pinto.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon