Chapter 13

2 0 0
                                    

Pagkadating ko sa parking lot nakita ko kaagad si kuya Peter na nakasandal sa likod ng sasakyan habang nakatingin sa cellphone n'ya kaya agad ko s'yang nilapitan. Papalapit na ko sa kan'ya ng mag-angat s'ya nang tingin kaya nginitian ko kaagad s'ya.

"Ganda ng ngiti ah?" nakangising sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya.

"Shut up." mataray na sabi ko sa kan'ya pero kalaunan ay napangisi rin.

"Let's go." tinanguan ko s'ya kaya agad n'yang binuksan ang pinto sa passenger seat.

Tumingin s'ya sa akin at iminuwestra ang loob ng sasakyan. Napailing na lamang ako at pumasok sa loob, inalalayan pa n'ya ang ulo ko.

Pagkapasok ko ay agad n'yang sinara ang pinto kaya sinuot ko kaagad ang seatbelt. Pagkapasok n'ya ay agad n'yang sinara pinto at nagsuot din ng seatbelt.

"Where are we going?" tanong ko.

"You'll see." nakangiting sabi n'ya kaya kumunot ang noo ko pero hindi ko na s'ya inusisa pa.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kaya nang magising ako ay bigla na lamang nanlaki ang mata ko sa nakita at parang bumalik ang wisyo ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Hindi ko alam na makakapunta pa ulit ako rito. Matagal na nung huling punta ko rito sa lugar na ito. Akala ko matagal pa bago ko ulit makita ang lugar na ito. The white sand, the blue sea, the hammock that we always lay down, the white bungalow, and the sunset. Ito yung lugar na namimiss ko ng puntahan. The "Mi Refugio Seguro", my Mom's safe haven. This place is a wedding gift from my Dad. I remember that Mom what a place near the beach kasi gusto n'yang napapanood noon ang sunrise at sunset at gusto n'ya palaging maligo sa dagat, gusto rin n'ya kasing tumira sa tabing-dagat noon, that's why Dad gave her a private place, a private beach. Nagpatayo si Mom ng bungalow pero hindi kami rito tumira because of Dad's work and Mom understand that. Kaya napag-usapan nila na dito magba-bakasyon palagi. 

But after Mom died, hindi na kami nakabisita kahit gustong-gusto ko. Pero hindi pa namin kaya noon, because this place reminds us of her. Her smile, laugh, her hugs and kisses, the smell of foods she prepared, the memories we had. But now, nandito ako sa lugar kung saan ko s'ya huling nakasama. Dito sa lugar kung saan huling kong naramdaman yung yakap at halik ni Mommy. Hindi ko mapigilang umiyak.

"Mom," tawag ko kay Mommy na nasa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa dito sa hammock habang pinapanood ang pagbaba ng araw, nagkukulay orange na ang ulap na mas lalong nagpapaganda sa kalangitan.

"Yes, mi princesa?" nakangiting sabi n'ya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Bakit po gustong-gusto n'yo ang manood ng sunset at sunrise?" mas lalong lumawak ang ngiti n'ya dahil sa tanong ko.

"Dahil nagagandahan ako sakanila, every time I will watch how the sun rise and fall, I feel... relax. It calms my mind." nakangiting sabi n'ya habang nakatingin sa araw at tinignan ako.

"And for me, sunset represents and everything has it ends, every trial, challenges, pain happiness, sadness we feel, it ends, but when the sun rise, it will have a new beginning, a new start. Don't forget that, okay?" nakangiting sabi ni Mom kaya nginitian ko rin s'ya at tumango.

Naramdaman kong hinalikan n'ya ang noo ko kaya ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ko ang halik n'ya.

Lalo akong napahagulgol kaya tinakpan ko ang muhka ko. Naninikip ang dibdib ko. I miss her. I miss my Mom. So much. That I want to see her again but kahit anong gawin ko, hindi na s'ya babalik sa'min. Nasa alaala na lang namin s'ya. But, I'm thankful to Mom kasi s'ya yung dahilan kaya nagustuhan ko ang panonood ng sunrise at sunset. Dahil sa kan'ya lagi ko yung inaabangan. Naramdaman kong niyakap ako ni kuya Peter kaya niyakap ko s'ya ng mahigpit at umiyak sa dibdib n'ya.

"Thank you..." mahinang sabi ko at naramdaman kong hinaplos ni Kuya ang buhok ko.

"T-thank you for bringing me h-here." nauutal na sabi ko dahil sa pag-iyak. 

"I know how much you miss Tita that's why I bring you here." inilayo ako ni Kuya sa kan'ya at inangat ang muhka ko kaya nakatingala ako sa kan'ya. 

"Don't cry, baka multuhin ako ni Tita dahil pinaiyak ko ang isa sa mga prinsesa n'ya." sabi ni Kuya habang pinupunasan ang muhka ko.

Natawa ako sa sinabi n'ya kaya tumango-tango ako at nakita kong nakangisi sa'kin si Kuya.

"Yeah. You're right. Baka bigla mo na lang din akong tawagan dahil binista ka ni Mom." pabirong sabi ko kaya inakbayan n'ya ako at hinatak papunta sa bungalow. Napailing na lamang s'ya dahil sa sinabi ko. 

Pagkadating namin sa tapat ng bungalow ay ganun pa rin ang itsura. Malinis pa rin ang pintura nito. Parang mahihiya pa ang dumi na lumapit dito. Hinatak ako ng marahan ni Kuya papasok sa bungalow, bumungad sa'kin at tahimik pero malinis na sala. Halatang alagang-alaga pa rin ito. Then I remember, may caretaker nga pala ang bahay. Ayaw ni Daddy na mapabayaan ang bungalow na ipinatayo ni Mommy. Nakita ko na nandito pa rin ang mga pictures namin nung bata pa kami kaya nilapitan ko ito. Merong picture dito nila Mom na wala pa bungalow, habang pinapatayo ang bungalow at kung kailan tapos na ito. Meron din picture dito na baby pa si Ate Eryn hanggang sa dumating kaming dalawa ni Ryzk at hanggang mag-seven kami. Napahinto na lamang ako ng makita ko ang family picture namin sa dingding. Ito yung picture namin kung saan nakaupo sa may porch, nakasuot kami ni Ate ng summer dress at pinaggigitnaan namin si Ryzk. Nasa likod naman namin ang parents namin na magka-akbay at malawak ang ngiti.

Malungkot akong napangiti. Because after one year, Mom died. Ryzk got mad at Dad. Nung una nagtataka kami kung bakit s'ya galit na galit kay Dad 'yun pala ay nakita n'ya itong may ibang kasamang babae. But he watch a video tape of Mom saying na s'ya ang dahilan kung bakit may kasama itong ibang babae, dahil ayaw n'yang maiwan si Dad ng mag-isa ay idine-date n'ya ito sa iba. Dahil mawawala na pala s'ya. Hindi man lang n'ya sinabi sa'min ang sakit n'ya noon. Nagkaayos din sila Ryzk at Dad after Dad explained na ayaw din n'ya noon ang pinapagawa sa kan'ya ni Mom, because he loves Mom so much pero ito ang hinihiling niya kaya kahit ayaw n'ya ay ginawa n'ya but he stops secretly at ibinuhos na lamang kay Mom ang lahat ng oras n'ya bago ito mawala and I think Dad didn't regret a thing dahil nakasama naman n'ya ito bago mawala ang asawa n'ya. 

We stay there for few a hours. But we decided to go home after I got a call from Dad saying we should go home and Kuya should join us for dinner and Kuya agreed. And now we are heading home. Dahil may kalayuan pa naman ay nakatulog ako dahil na rin siguro sa pagod.

"Thank for bringing me there, Kuya. You really made my day."  sabi ko pagkababa namin ng sasakyan n'ya. 

"I'm glad that I made your day, princess." nakangiting sabi n'ya kaya humawak ako sa braso n'ya at sabay kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin sa sala ay natulos ako sa kinatatayuan ko at napatitig sa kan'ya.

"Oh! Nandito na pala kayo!" rinig kong sabi ni Dad pero na sa kan'ya pa rin ako nakatingin. 

Agad akong nag-iwas nang tingin at nagmano kay Dad pati sila tita Grace at tito Art, ang parents ni Reo. Yes, nandito sila sa bahay kaya nagulat ako ng makita ko s'ya. Hindi sa'kin sinabi ni Dad na pupunta sila ngayon. 

"And this is Peter," sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ni Kuya. "their cousin."  

"Peter, this is Grace, your tita Bea's bestfriend and her husband, Art." sabi ni Dad kaya nakipagkamay si Kuya sa kanila. 

"That's Rage, their youngest," turo kay Rage na kumaway ngumiti sa amin kaya nginitian ko rin s'ya. "And Reo, Reese's fiancé." natulos ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi ni Dad.

"Fiancé?" seryosong tanong ni Kuya kaya tinignan ko s'ya at nakitang nakatingin din s'ya sa akin, hindi ko mabasa ang expression ng muhka n'ya pero nakunot ang noo n'ya kaya mas lalo akong kinabahan. 

Patay! Hindi nga pala n'ya alam.


Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon