Chapter 52

1 0 0
                                    

Wala si Reo ngayon dahil may kailangan daw silang puntahan at magi-stay sila roon ng halos isang buwan. Kaya kami nila Ryzk at Aku ay mamasyal dahil sila Dad at Ate ay hindi available ngayon kaya kaming tatlo lang muna.

Pero sabi nila babawi sila sa susunod. Sisiguraduhin daw nila na magkakasama na kaming lima sa susunod na pamamasyal.

Ngayon ay balak namin na pumunta kila kuya Peter dahil gusto na raw nila makita ang anak ko. Ang problema ay wala si Tito dahil may pupuntahan sila.

"Saan tayo punta po, Mama?" tanong sa akin ni Aku.

Magkatabi kami ngayon dito sa back seat para mas mabantayan ko s'ya. Habang si Ryzk ang nagmamaneho para sa amin. Gusto ko nga na sana ako ang magmamaneho dahil kakalabas lang n'ya ng ospital pero nagmamatigas s'ya na s'ya na lang daw ang magmamaneho kaya hinayaan ko na since nangako naman s'ya na magi-ingat.

"Pupunta tayo sa isa mo pang Tito, baby."

Kumunot ang noo n'ya sa pagtataka at itinagilid pa n'ya ang ulo n'ya kaya napangiti ako.

"Who?"

"Uncle Peter."

"S'ya 'yong bumi-baby sa Mama mo noon, baby." singit ni Ryzk kaya napatingin si Aku kay Ryzk at napatingin ulit sa akin.

"Leally, Mama?"

Tumango-tumango na lamang ako.

"Baby n'ya lin ako?" nakangusong tanong n'ya.

"Of course, baby." sabi ko at hinalikan s'ya sa noo kaya napangiti s'ya.

"I have new playmate, too?" nakangiting tanong n'ya kaya lalo akong napangiti at tumango.

"Yes, baby. You have a new playmate." nakangiting sabi ko sa kan'ya.

"Yehey!" natutuwang sabi n'ya habang ipinapadyak pa ang paa kaya natawa na lamang ako.

Pagkarating namin sa bahay nila kuya Peter ay agad kong kinuha si Aku habang kinuha naman ni Ryzk ang mga gamit.

"Wow... big..." sabi ni Aku habang tinitignan ang malaking bahay.

Napangiti na lamang ako dahil parang nangingislap ang mata ni Aku habang tinignan ang bahay kaya nagkatinginan na lamang kami ni Ryzk.

"Kambal?"

Napatingin kami sa pinto ng bahay at nakita si Tita na gulat na gulat na nakatingin sa amin.

"Kayo na ba 'yan?" tanong n'ya at agad na lumapit sa amin.

"Kayo nga!" natutuwang sabi n'ya at niyakap kami.

Pagkahiwalay n'ya sa pagkakayakap sa amin ay napansin n'ya si Aku. Si Aku naman ay nahiya kaya isiniksik ang muhka sa leeg ko na ikinatawa ko.

"Baby, that's... uhm..."

"Reese, hindi pa ko matanda ha!" pagbabanta sa akin ni Tita pero mahihimigan ng pagbibiro ang boses n'ya kaya natawa ako.

"That's Momma, baby." sabi ko kay Aku habang hinahagod ang likod n'ya kaya isinandal n'ya ang noo n'ya sa leeg ko para sumilip.

"Ay! Gusto ko 'yan." tatawang sabi ni Tita kaya natawa na lang din ako.

"S'ya ang mother ni Uncle Peter mo." dugtong ko.

Idiniretso ni Aku ang katawan at nakipagtitigan kay Tita. Pumikit-pikit pa ito na kaya mas lalong nahalata ang mahaba n'yang pilik mata.

"Ihhh!" tili ni Tita at hinawakan ang muhka ni Aku.

"Ang cute-cute mo!" nanggigigil na sabi n'ya at kinurot ang pisngi n'ya.

"Come to momma, baby." sabi ni Tita at kinuha si Aku.

Mabuti na lang din ay sumama s'ya dahil nakikita kong natutuwa rin s'ya sa reaksyon ni Tita.

Pumasok sila sa loob kaya sumunod na lamang kami ni Ryzk. Pagkapasok namin ay kausap na ni kuya Peter si Aku habang si Tita ay nakatingin lang sa kanila.

"Hi, kuya Peter!" sabi ko kaya napatingin s'ya sa akin at agad na lumapit.

"My baby!" nanggigigil na sabi n'ya habang yakap-yakap ako.

Natawa na lamang ako dahil habang bumabati s'ya kay Ryzk ay hindi pa rin n'ya ako binibitawan. Lumapit na rin kami kila Tita ay naka-akbay na s'ya sa akin.

Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Aku at umiyak. Nagpapabuhat s'ya sa akin kaya lumapit agad ako sa kan'ya at inalo s'ya. Nag-aalalang napatingin si Tita kay Aku kaya hinawakan s'ya ni Ryzk sa balikat.

"Don't worry, Tita. Aku cried because he's possessive of his mother." nakangiting sabi ni Ryzk.

Kumunot ang noo ni Tita. "He's a Mama's boy?" tanong n'ya na ikinatango ni Ryzk.

"Oh! My son, you both are the same." natutuwang sabi ni Tita at mahinang pinalo sa balikat si Kuya.

Kumunot ang noo n'ya sa pagtataka. Alam naman n'yang possessive din s'ya kay Tita. Sabagay, s'ya lang kasi ang babae sa pamilya at tatlo lang sila.

"Really?" tanong ni Kuya na ikinatango ni Tita.

"Yes, gan'yan ka rin noon. Kapag may lumalapit sa akin na guy ni baby ay umiiyak ka." natawa si Tita at umiling.

"Ni sa daddy mo nga, ayaw mo ko pahawak e."

Napakagat na lamang ako sa labi para magpigil ng tawa.

"Kaya siguro hindi ako nagkaroon ng kapatid." sabi ni Kuya habang tumango-tango kaya hinampas s'ya ni Tita sa balikat.

Natawa kami ni Ryzk ng mahina. Niyakap ni Kuya si Tita at hinalikan ito sa noo. Nagstay pa kami roon hanggang gabi dahil ayaw matigil sa paglalaro si kuya Peter at Aku. Nangako na lamang si Kuya na s'ya na lamang ang bibisita sa susunod para makipaglaro kay Aku. Pagkauwi namin ay bagsak na bagsak ang anak ko dahil sa sobrang pagod mabuti na lang lamang kahit pinapalitan ko s'ya ng damit ay hindi s'ya nagising kundi mahihirapan akong patulugin ulit s'ya.

Nakauwi na si Reo kaninang madaling araw pero ang sabi ko sa kan'ya mamayang tanghali na ako bibisita sa condo n'ya at dadalhan ng pagkain.

Kaya ngayon ay nagmamaneho ako papunta sa condo n'ya dala ang pagkain na ipinangako ko.

Pagkarating ko ay nag-in muna ako sa may reception dahil need daw iyon para ma-record kung sino ang mga bumibisita.

Habang nakasakay ako sa elevator ay para ay bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Binigay n'ya sa akin ang passcode ng condo n'ya at sinabing pumasok na lamang ako. No'ng una nag-aalangan pa ko pero ayoko naman s'ya istorbohin dahil baka nagpapahinga pa s'ya at binigyan naman n'ya ako ng permiso.

Pagkapasok ko ay mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko kaya mas lalo akong nagtaka dahil wala namang dahilan para kabahan kaya isinantabi ko na lamang ito at dumiretso ako sa kusina para ihain ang mga pagkain na dala ko.

Pagkatapos kong ihain ang mga pagkain ay napatingin ako sa kwarto n'ya at sa pagkain.

"Gigisingin ko na ba s'ya?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ulit ako sa kwarto n'ya at mas lalong tumindi ang kaba ko kaya bumuntong hininga ako dahil parang naninikip din ang dibdib ko.

Napailing na lamang ako at naisipan na gisingin na lamang s'ya. Pagkaakyat ko ay napansin kong nakabukas ng kaunti ang pinto ng kwarto n'ya kaya naisipan kong sumilip para tignan kung tulog pa ba s'ya. Pero ito 'yong bagay na pinagsisisihan ko dahil nakita ko si Reo at Denise na naghahalikan.

Napaatras ako sa gulat at napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sa sakit na nararamdaman ko. Tahimik akong tumalikod at umalis ng condo n'ya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon