Chapter 55

1 0 0
                                    

Napalunok na lamang ako dahil sa kaba at sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Reo. Para s'yang leon na handa ng kainin ang biktima n'ya.

At ako 'yon.

Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin n'ya. Kahit hawak-hawak n'ya ngayon ang anak ko ay sa akin pa rin s'ya nakatingin pero halata rin na nakikinig s'ya sa mga sinasabi ng anak ko.

Naramdaman kong lumapit ang kamay ni Ryzk sa likod ko kaya nilingon ko s'ya. Nginitian n'ya ako na parang sinasabi na magiging maayos lang ang lahat.

Huminga ako ng malalim at tumango-tango sa kan'ya kaya naramdaman ko na naman na hinagod n'ya ang likod ko.

"Aku, baby," tawag n'ya kay Aku kaya nilingon s'ya ng anak ko.

"Come here, maglalaro tayo sa dagat. Gusto mo ba 'yon?" nakangiting tanong ni Ryzk.

Napapikit na lamang ako dahil balak pala nila kaming iwang dalawa.

Mapapadasal na ata ako sa sobrang kaba dahil nararamdaman ko ang nakakapaso n'yang paninitig na mas lalong nagpakaba sa akin.

Lord, help. Bigyan n'yo ko ng lakas kasi feeling ko po mawawalan na ko no'n sa paraan po ng pagkakatitig n'ya.

Tuwang-tuwa na tumango ang anak ko at bumaba sa pagkakabuhat ni Reo sa kan'ya. Agad s'yang lumapit kay Ryzk at hinatak-hatak ito sa dagat.

Napansin ko lang na ang hilig manghatak ng anak ko. Hindi naman ako gan'yan. Ako nga ang laging nahahatak. Saan kaya n'ya namana 'yon?

"Reese..." nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa pagtawag n'ya sa pangalan ko.

Pero hindi pa rin ako tumitingin dahil kinakabahan ako. Napaatras ako ng kaunti ng mapansin na lalapit s'ya.

"Reese, look at me..."

Lumunok ako at marahang umiling. Narinig bumuntong hininga s'ya. Napansin kong lalapit s'ya ulit pero aatras pa lang sana ako ng mahawakan n'ya ako sa siko kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko.

"Reese, ba't hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" mahinang tanong n'ya.

Pero hindi ako sumagot. Naramdaman ko na lang na isinandal n'ya ang noo n'ya sa ulo ko kaya ramdam na ramdam ko ang hininga n'ya nagpatayo sa mga balahibo ko.

"Reese, what's wrong, please?" narinig ko sa boses n'ya ang pagsusumamo. "Please, baby..."

Napapikit na lamang ako dahil parang tinambol ang puso ko dahil sa narinig.

Reo, kailan ka hihinto sa pagpapatibok ng puso ko? Hulog na hulog na ko.

"Nakita mo?" tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

Kitang-kita sa mga mata n'ya ang pagsusumamo at... pangungulila?

Marahan n'yang hinaplos ang braso ko kaya natulos ako sa kinatatayuan at umiwas ng tingin.

"Reese..." tawag n'ya sa pangalan ko na parang naghahanap ng sagot kaya marahan akong tumango.

"Ba't hindi mo sinabi sa'kin? Ba't ka lumapit?" tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Kasi natatakot ako..."

Huminga ako ng malalim.

"Natatakot ako na baka maulit ulit 'yong dati. Na baka nakikipaglaro ka ulit. Reo, sobrang sakit na nakita ako ng gano'ng senaryo ulit. Feeling ko bumalik ako sa dati. Na may kasama ka ulit habang ako nakatingin na naman sa inyo... tahimik na kinikimkim 'yong sakit." sabi ko at marahas na pinunasan ang luha ko na tumulo na pala.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon