Epilogue pt.2

4 0 0
                                    

After one month ay sumunod agad ako sa Canada para makausap si Reese.

Pero hindi ko alam na ang madadatnan ko roon ang ikagugulat ko.

Nasa labas s'ya ng bahay, may kasamang lalaki at isang bata. Halata sa muhka ni Reese ang tuwa habang nakatingin sa bata at ang lalaki naman ay nakatingin lang sa kanila habang nakangiti.

May asawa't anak na pala s'ya? Hindi man lang ako nasabihan. Sabagay, hindi rin naman ako nagtanong.

Ayoko naman ng manggulo kaya umalis na ko sa lugar at bumalik din kaagad ng Pilipinas.

Wala akong ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral at gawin ang training ko. Hindi na rin ako nagtanong pa kay Ryzk tungkol sa nakita ko sa Canada noon.

Halata namang masaya na si Reese kaya sino naman ako para kumontra doon, 'di ba?

Nandito kami sa ospital ngayon dahil na aksidente si Ryzk. Sabi ay vechile defects at medyo madulas din ang daan sa lugar kaya s'ya naaksidente.

Natigilan na lamang ako ng makita si Reese rito ospital at ang mas ikinagulat ko pa ay ang buhat-buhat n'ya na bata na nakita ko noon.

"Si Ryzk?" nag-aalalang tanong n'ya.

"Nasa loob, tulog pa." sabi ni John.

"Ano bang nangyari? Ba't s'ya naaksidente?"

"Vehicle defects, Reese. Sabi ng mga doktor fractures ang meron s'ya pero maagapan naman daw kaagad."

Nakahinga si Reese ng maluwag at hinagod-hagod ang likod ng bata. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa'yo hanggang sa pauuwiin ka at doon ko rin nakumpirma na anak mo nga s'ya.

"Sige, salamat. Alis na ko. Kailangan na nga talagang magpahinga ng anak ko."

Hindi ko na kasi alam kung ano pa bang sasabihin ko sa'yo atsaka alam kong wrong timing dahil sa nangyari kapatid mo at alam kong mas uunahin mo 'yon kesa sa ano mang bagay.

Simula noon ay lagi na akong pumupunta sa ospital para balitaan sj Ryzk about sa school at training at para na rin makita ka at ang anak mo.

"Atsaka balak ko rin na magtayo ulit ng isa pang branch na restaurant e. Gusto ko sanang tulungan mo ko para may makasama rin ako kaso nandito ka naman." sabi mo kay Ryzk.

"Sisimulan mo agad 'yon?"

Tumango s'ya. "Oo. Para na rin sa amin ni Aku."

Tumango-tango si Ryzk. "Oo nga pala. Ang sabi ko sasamahan kita kapag may plano ka na kaso nandito pa rin ako sa ospital."

"I can accompany you." sabi ko at parang gusto kong tuktukan ang ulo ko.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para masabi 'yon. Siguro dahil gusto ko s'yang makasama o makausap at ito ang magiging paraan ko?

Nakita kong nakangiti si Ryzk pero nung hindi na nakatingin sa amin ang kapatid n'ya ay nangingisi s'ya sa akin kaya inirapan ko na lamang s'ya.

Ngayon ay ako na ang sumasama sa'yo sa site at sa pagtingin ng mga gamit para sa restaurant na ipapatayo mo.

"Nakausap mo na s'ya, Reo?" tanong sa akin ni Denise habang nasa school kami.

Umiling ako. Kaya kumunot ang noo n'ya. "Bakit?"

"I think it's not the right time."

"At kailan naman 'yon? Kapag meron na?" sarkasmong tanong n'ya.

Meron na nga e. Pero never ko namang narinig o nabanggit ni Aku ang Papa n'ya.

Sa dalang kong pagbisita sa ospital ay nagiging malapit ako sa bata dahil na rin dinadala ito ni Reese sa ospital. Pero never ko talagang napansin na hinanap n'ya 'to at nabanggit. Ang tinuturing n'yang Papa ay si Ryzk na s'yang ikinatataka ko.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon