Chapter 8

2 0 0
                                    

Nagsi-balikan na kaming lahat sa mga pwesto namin ng bumalik ulit ang emcee habang nakangiti.

"Did you enjoy the dance with your partner?" nakangiting tanong nito.

Napansin kong maraming tumango habang nakangiti kaya lalong lumawak ang ngiti ng emcee.

"Well, I thought so." napangiti kami sa sinabi n'ya.

"Anyway..." hindi ko na narinig ang sinabi n'ya dahil lumapit sa akin si Tita.

"Reese," tawag sa akin ni Tita kaya nginitian ko s'ya.

"Bakit po?"

"Pwede ka bang kumanta?"

Nawala ang ngiti ko at napanganga sa sinabi n'ya.

"P-po? Pero---" napahinto ako sa pagsasalita dahil sa sinabi ng emcee.

"Let's all welcome, Ms. Reese Villanueva! Give her around of applause." sabi ng emcee kay nagpalpakan ang mga guest.

Hala! Hindi ako ready. Wala namang pasabi 'to si Tita

Natataranta na ako dahil sa pagtawag sa'kin. Hindi ko kasi 'to napaghandaan, sobrang biglaan. Wala akong kanta na naihanda.

"Let's go, Reese." sabi sa akin ni Tita habang hawak-hawak ako sa braso kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo at sumama sa kan'ya papunta sa stage.

"Tita..." kinakabahang sabi ko

"You'll be okay." nginitian n'ya ako.

"Sorry, sweetie." sabi sa akin ni Tita habang naglalakad kami paakyat ng stage.

Pagkalapit namin sa emcee ay nginitian ko s'ya at umakto ng normal. Ibinigay n'ya sa akin ang mic at bumaba habang si Tita ay tinapik ang balikat ko at bumaba rin. Napansin ko na may inaakyat sila na portable keyboard, mic stand, at upuan. Lumapit sila sa pwesto ko kaya tumabi ako para mailagay nila ito sa harap ko.

Lihim akong huminga ng malalim at umupo sa harap ng keyboard at inilagay ang mic sa stand nito at ni-adjust ko ito para tumapat sa akin ang mic.

"Here it goes..." sabi ko at tumipa sa keyboard.

"I like your eyes, you look away when you pretend not to care..."

Naalala ko na minsan kong tinititigan ang brown n'yang mga mata. Ewan ko ba, gustong-gusto ko ang parteng 'yon ng muhka n'ga siguro kasi do'n ko nakikita ang emosyong hindi nakikita sa muhka n'ya mismo. Tapos kapag naman tititigan ko s'ya ay parang wala nga lang sa kan'ya, parang okay lang.

"I like the dimples on the corners of the smile that you wear..."

Naalala ko dati na unang beses kong makita ang dimple n'ya sa kaliwang pisngi n'ya, talagang sinundot ko ng sinundot iyon hanggang sa mainis s'ya.

"I like you more, the world may know but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby be prepared..."

Lihim akong napatingin sa kan'ya. Sana kapag sinabi ko na sa kan'ya na mahal ko s'ya, hindi s'ya lumayo. Baka ayon pa kasi ang dahilan kung bakit ako masasaktan. Pero hindi ko na kasi kayang itago, sobrang hirap. Parang sasabog na ang puso ko.

"I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell..."

Lahat sa kan'ya gusto ko, hinahangaan ko, ultimo mo ata paglalakad n'ya at mga kilos n'ya ay hinangaan ko.

"To be your favorite jacket, just so I could always be near..."

Naalala ko 'yong mga araw na ipinapatong n'ya sa balikat ko ang jacket o kaya ang blazer n'ya 'pag magkasama kami. Kahit hindi naman na kailangan ay nilalagay pa rin n'ya, pinapahiram sa'kin.

"I loved you for so long, sometimes it's hard to bear
But after all this time, I hope you wait and see..."

Napatingin na naman ako sa gawi n'ya ng palihim. Totoong minsan hindi ko na kayang itago. Pero kung ang pagtatago ng nararamdaman ko ang dahilan para mapalapit sa kan'ya, itatago ko na lang ng tuluyan.

"Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
'Cause baby you're the one, I don't know how
I love you 'til the last of snow disappears
Love you 'til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you, and now you know..."

Kahit anong mangyari, lumipas man ang segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan, mamahalin kita. Kahit patago pa, kahit masakit.

"I like the way you try so hard when you play ball with your friends..."

Kapag may game sila Ryzk, lagi akong nando'n naka-suporta sa kanilang dalawa ni Reo.

"I like the way you hit the notes, in every song you're shining
I love the little things, like when you're unaware..."

Minsan ko na s'yang narinig na kumanta kaya siguro lalo akong nahulog sa kan'ya dahil sa magandang boses n'ya. Pati mga maliliit na bagay, minahal ko rin sa kan'ya.

"I catch you steal a glance and smile so perfectly..."

Pero hindi ako nag-aassume kahit gano'n. Alam ko kasing wala lang malisya 'yon pero gusto ko pa ring makita ang mga ngiti n'ya.

"Though sometimes when life brings me down
You're the cure my love
In a bad rainy day
You take all the worries away..."

Pagnakikita ko s'ya, okay na ko. Okay na okay na ko. Parang hindi ako nagkaro'n ng problema o ano pa. Kasi alam kong nandyan s'ya, tutulungan ako palagi.

Lihim ulit akong napatingin sa kan'ya.

"Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
'Cause baby you're the one, I don't know how
In a world devoid of life, you bring color
In your eyes I see the light, my future
Always and forever I know, I can't let you go
I'm in love with you, and now you know
I'm in love with you, and now you know..."

Napangiti ako pagkatapos kong kumanta.

Sana sa pamamagitan ng kinanta ko, malaman mo.

Narinig ko ang palakpakan nila pagkatapos kong kumanta.

"Thank you. I hope you like the song." nakangiting sabi ko sa kanila at tumayo. Nagbow ako ng konti at bumaba na papunta sa table namin.

Napadaan ako sa table nila pero hindi ako tumingin sa gawi n'ya. Nginitian ako nila Tita kaya nginitian ko rin sila. Nang makarating ako sa table namin ay nakangiti sa akin sila Ate.

"Dedicated kanino 'yong kanta?" nanunuksong sabi ni Ate kaya kumunot ang noo ko pero nangingiti.

"Huh? Anong sinasabi mo d'yan?" tanong ko sa kan'ya habang umuupo ako sa upuan ko.

"Kinanta ko 'yon kasi ayon 'yong kinakanta ko nitong mga nakaraan. Wala na akong maisip dahil biglaan rin naman."

"Akala ko naman..." sabi ni Ate at sumimangot.

"Akala mo lang 'yon." nakangising sabi ko sa kan'ya.

"Re..." napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakitang si tita Grace ito kasama si tito Art, pareho silang nakangiti sa akin.

Napaatras naman ako na ikinatawa ni Dad at ni Ate, natawa na rin mismo si tito Art.

"Hala ka, hon!" pang-aasar ni Tito sa asawa.

"Natakot na sa'yo 'yong bata, akala siguro ay may ipapagawa ka sa kan'ya na biglaan na naman." natatawang dugtong pa n'ya. Pinalo naman s'ya ni Tita.

"Hindi na 'no." nakasimangot na sabi ni Tita at hinarapa ako.

"Sorry talaga, Re." pagpapaumanhin n'ya kaya umiling ako at nginitian s'ya.

"O-okay lang po."

"Pero alam mo ba, naka-relate ako sa kanta mo?" sabi ni Tita kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Talaga po?" tumango s'ya.

"Oo. Kaya salamat, naalala namin ng tito Art mo 'yong mga nangyari sa amin no'ng kabataan namin." nakangiting sabi n'ya sakin kaya napangiti na rin ako.

"Walang anuman po. Masaya ako na nagustuhan n'yo."

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon