Chapter 1

36.2K 972 343
                                    

Giselle

"Good morning, Ma'am"

Bati ng mga students habang naglalakad ako sa lobby papuntang classroom. Pagdating ko doon ay konti palang ang mga students ko. They all greeted me with 'Good morning' when they saw me.  Dumeretso agad ako sa office ko sa may likod. Mabuti na lang talaga at pumupunta lang kami sa faculty kapag may meetings. Medyo ayoko kasi kapag nandoon ang table ko dahil sobrang ingay nila lalo na 'yong may mga asawa na. Pagkatapos kong ilagay ang bag ko ay lumabas ulit ako ng office ko para iinstruct sila na maglinis muna.

Hindi nagtagal ay nagsidatingan na rin ang ibang students at nakita kong tumulong naman ang iba at ang iba nakipagchismisan na.

Napailing nalang ako. Ang aga-aga.

Hindi nagtagal ang nagring na rin ang buzzer tanda na time na para sa unang klase para sa may mga klase ngayong araw. Hindi naman kasi parepareho ang schedule ng mga students lalo na at magkaiba-ibang program nila.

Habang inaayos ko ang mga libro ko ay biglang tumahimik ang mga estudyante ko kaya sumilip ako mula sa nakaawang na pinto ng office ko at nakita kong pumasok ang isang sikat at maganda kong estudyante. Actually, ngayon lang nila ako naging teacher dahil 3rd year at 4th year lang ako nakaassigned para magturo ng Business Administration.

Sa isang taon ko na bilang professor dito ay kilalang kilala ko na siya. She's one of the most famous students here at Vitale University. She's taking Bachelor of Business Administration pero may special class siya sa Music subject dahil marunong siyang gumamit ng iba't-ibang music instruments. Matalino at marespeto din siya kaya ginagalang siya ng mga kapwa niya estudyante kasama ang pinsan nito.

Napangiti agad ako nang makita ko itong tahimik na umupo sa assigned seat niya. Kilala siya bilang isang tahimik na tao, ngumingiti siya pero tipid lang. Pero kahit ganon ay hindi nawala ang pagkagusto ko sakanya.

Yeah. I like her romantically.

I like my student.

Napailing nalang ako para madivert ang isip ko dahil kailangan ko pang magturo. Lumabas na rin ako dala ang isang libro ko.

"Good morning class" bati ko with my very firm and strict voice. Ang hirap talaga magpanggap na strict. Kaya ramdam ko na ang mga paghihirap ng mga artista.

"Good morning, Ma'am" bati nila pabalik. Hindi naman kailangan tumayo pa sila dahil hindi na kami nasa highschool para gawin 'yon.

Umupo ako at sinumulan ng icheck ang attendance.  Kahit na tinatamad ako minsan ay ginagawa ko parin 'to para ipakita sa mga estudyante ko na naappreciate ko ang hindi nila pagliban sa klase.

" Thayer Fluer Cervantes"

Tawag ko sakanya. Kahit pagbanggit lang ng pangalan niya bumibilis agad ang tibok ng puso ko.

Ganda ng name pati may-ari.

Gosh!Ang landi ko talaga kahit kelan.

" Present Ma'am"

Hindi ko mapigilang lumingon sa gawi niya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nakatingin din ito saakin pero agad kong kinalma ang sarili ko dahil nasa klase ako. Hindi pala dapat hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.

My goodness Giselle! Ang landi mo talaga pagdating sakanya.

Umayos ka nga. Student mo 'yan Gisselle. Wag kang ano.

Pagkatapos kong icheck ang attendance nila ay nagsimula na rin akong magdiscuss sakanila. As usual tahimik lang sila at minsan naman sumasagot kapag may mga tanong ako.

Kahit na gusto kong marinig sumagot si Thayer ay hindi man lang ito tumataas ng kamay para sumagot. Tahimik lang itong nakaupo sa gilid at nakikinig.

Nagtatalo nga ang isip ko kung titingin ba ako sa kanya o hindi. Ang likot ng mata ko pero pinipigilan kong mapatingin sa gawi niya.

Kailangan kong imaintain ang poise ko dahil isa pa naman akong teacher at estudyante ko siya.

I'm not bi or lesbian. Maybe.

I mean, nagkaroon na rin ako ng mga boyfriends noong highschool at college year ko at ni minsan ay hindi ako naattract sa babae.

Nagstart lang naman ang pagkagusto ko sakanya nong makita at marinig ko siyang magperform sa stage nagpeplay ng violin. I remember how beautiful she looked while playing the violin at that time. Hindi lang naman violin ang alam niya. Sobrang talented niya kaya hindi na nakakagulat na maraming nagkakagusto sakanya at gustong makuha ang atensyon niya exept saakin, gusto ko siya but I'm not that desperate for her attention. Student ko siya at kahit kelan hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang estudyante sa guro. Mahigpit iyong pinagbabawal.

Pero imposible din namang magkaroon kami ng relationship dahil hindi niya ako gusto katulad ng pagkagusto ko sakanya.

She only sees me as her teacher—no more, no less. Period.

Natapos ang klase ko ng matiwasay. Tuwing Tuesday kasi ng umaga ay tatlong klase ang tuturuan ko. Nakakapagod minsan pero masaya at worth it pa rin naman. Ang sarap kasi sa feeling na maraming natutunan sayo ang mga students mo, may makukuha silang aral mula sayo at maari nilang gamitin sa mga darating na panahon.

Sana nga meron.

Anyway, alam ko namang kahit papaano ay meron nga dahil every week ay nagbibigay ako ng summative exam para malaman ko kung nauunawaan ba nila ang topic o hindi.

Marunong naman akong magconsider kapag hindi talaga nila kaya. 'Yong iba tinuturuan ko kapag may free time ako.

Masaya nga ako na walang mababang score sa class ko ngayon. So meaning naiintindihan nila ang mga tinuturo ko. Pero sabagay ay nagsisimula palang naman ang first semester kaya di ko pa rin masasabi.

" Ma'am"

Umangat ako ng tingin sa tumawag saakin at bumilis agad ang tibok ng puso ko nang makilalang si Thayer 'yon.

" Yes? Step in Miss Cervantes" pormal na wika ko. Walang pag-alinlangang pumasok naman ito sa office ko. Lunch break na kasi pero hindi pa ako nakakapunta sa canteen dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko. Wala rin naman akong first and second subject pagkahapon kaya hawak ko ang oras ko.

" I just want to pass my project" tipid na sagot nito. Ngayon ko lang napansin ang dala nitong illustration board na 1/4 ang laki na nakabalot gamit ang plastic cover.

" Project for your Organizational chart?" I asked.

She nod. Tipid masyado! Gusto ko lang naman siyang marinig magsalita.

Tumigil ka nga Giselle!

Kastigo ko sa malandi kong brain cells.

" 2 weeks after the deadline pa naman. Wag mo masyadong irush" tumayo narin ako sa pagkakaupo para kunin ang project niya.

" I have a busy schedule this month kaya kailangan kong tapusin 'to. "

Oh diba? Mas busy pa siya saakin.

Tumango nalang ako at inabot ang illustration board mula sakanya dahilan para aksidenteng magkadikit ang mag kamay namin.

Ito na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Lumalandi na naman!

Nagkunwari nalang ako na hindi ko iyon naramdaman. Gosh! Ang lakas talaga ng epekto niya saakin.

"Thank you, Ma'am. Alis na ako" paalam nito.

"Okay " was all I said. Hanggang ngayon kasi ramdam ko pa rin ang mainit nitong kamay sa balat ko.

Oh god!

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon