Makalipas ang buong week ay nanatili ako sa Quezon. Sunday ako umuwi para makapagpahinga pa ako. Tinulungan ko nalang si Mama sa flower shop niya habang nandoon ako. Isang beses lang ako sumama kay Gino lumabas.
Napatingin ako sa glass wall at nakita kong nakaupo si Thayer sa seat niya habang nagbabasa.
Hindi maayos ang huling pagkikita namin. Ewan ko feeling ko lang. Ang cold niya kasi saakin. I mean cold naman siya dati pa pero okay naman kapag magkasama kaming dalawa.
Tumunog na ang bell kaya kinuha ko na ang libro ko bago lumabas.
I check their attendance before starting the lesson. Marami kaming kailangang icatch up lalo na at isang linggong walang klase. I also gave them projects dahil malapit na rin ang final nila for first semester.
Napatingin ako sakanya nang matapos kong idismissed ang klase. Hindi ito nakatingin saakin at kausap ang katabi niya.
Lumabas na ako at dumeretso na sa next subject ko. Tuwing Monday talaga ay limang klase ang hawak ko kaya medyo nakakapagod. 3 subjects sa umaga at 2 sa hapon.
Nang dumating ang lunch break at as usual magkasama ulit kami ni Jas at ang daming tanong saakin. 'Yong iba sinasagot ko naman. Lumapit sa table namin si Tiffany at Ivy. Wala iyong tatlo niyang kaibigan.
" Hello guys. Can I sit here?" Tanong ni Bianca. Kasama naming professor. Umurong naman si Tiffany para makaupo si Bianca. Engaged na ata si Bianca. Hindi ko lang sure. Well, nasa right age naman na siya.
Nagtilian ang mga estudyante kaya nagtaka kami. Napatingin kami sa bagong pumasok at si Marco lang pala.
" Oh the new handsome professor" kumikinang pa ang mga matang sabi ni Bianca.
So he's going to be our co-teacher here. Well, that's nice. Expected na rin naman 'yon lalo na at anak siya ng may-ari ng school. He will be the heir kaya dapat lang na dito siya magtrabaho.
" He's pogi" nakangiting sabi ni Tiff.
" Bagong crushes na naman ng mga students" naiiling na sabi ni Jasmine. Gwapo naman siya kaya hindi malabong mangyari 'yon.
" I saw your post sa IG. You were in Tagaytay?" Tiffany asked. Tumango naman ako.
" Sino 'yong mga kasama mo?"
" My friends. Inimbitahan lang nila ako. We stayed there for two days" I said.
" Excuse me ladies. Can I join?" Sabay na napalingon kami sa nagsalita at si Marco pala with his sweet smile. Nagkatinginan naman kaming lahat hanggang sa tumango si Tiffany.
" Hi. You're the new professor right? Nice to meet you. I'm Bianca" pakilala nito.
" Yes. I'm Marco" Nagsimula naring magpakilala ang iba maliban saakin, at kay Ivy na walang pakealam. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Typical Ivy.
" Hi Giselle. Mukhang lagi na tayong magkikita nito" he smile.
Nakita kong nagtaka naman ang iba. Hindi siya kilala ni Jas dahil wala namang pakealam 'yan sa paligid niya noong college kami. Masyadong focus sa pagiging nursing student niya.
" You two knew each other?"
Marco said yes and tell them that we were batch mate in college.
" So how are you Giselle? "
" I'm okay. Masaya naman" sagot ko.
After lunch ay nauna na kaming nagpaalam ni Jas. Sinamahan niya pa akong magcr bago kami tumuloy pero naghiwalay din kami dahil sa ibang direksyon siya.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship