Chapter 13

16.5K 742 97
                                    

" Nag-enjoy po ba kayo Prof?" Tanong ni Kadynce habang nasa biyahe na kami pauwi.

Sinabi kong wag na niya akong tawaging Ma'am pero tinawag naman akong Prof.

" I did. Thank you for inviting me"

" No worries Prof. Gusto niyo po bang sumama ulit?" Masayang tanong niya.

"Where?"

" Ewan pa po. Basta babalik kami doon sa Thursday" Sabi niya.

Napatingin ako kay Thayer habang nagmamaneho. Nakatingin din pala ito saakin sa rearmirror pero agad ding binalik ang tingin sa daan.

" Sure. Just update me" I said.

Buong biyahe ay magkausap lang kami ni Kadynce. Minsan naman ay silang dalawa.

" Thank you guys" pasalamat ko nang maihatid nila ako sa building ng apartment ko.

Napakunot noo pa ako nang bumaba si Thayer sa driver seat. Ah baka magpapalit sila.

Pero hindi nangyari 'yon.

" Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sakanya nang hindi na siya pumasok ulit at lumapit saakin.

Umiling ito at narinig nalang namin ang busina ng sasakyan nila paalis.

" Bakit naman?" Tanong ko.

" Lets just go" umismid ako.

Nauna nalang akong naglakad papasok sa building at nakasunod naman si Thayer. I press the 9th floor. Pagdating namin ay pumasok agad ako. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at alam kong si Thayer ang sumarado. Inalis ko agad ang flat shoes ko at nagsuot ako ng tsinelas at inalis ang jacket na pinahiram niya kanina.

Napaupo ako sa sofa habang nakapikit.

" You're tired?"

" Hmmm" I hum.

" You can go to your room and take a rest. I'll cook dinner for you" nakangiting nagmulat ako.

" Kaya ka ba nagpaiwan dahil alam mong pagod ako?" Hindi ko maiwasang maitanong sa kanya. Tumango ito kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko bago tumayo.

" Thank you" I kissed her cheek bago dumeretso sa kwarto ko. Nagpalit agad ako ng damit at inalis ang suot kong jeans bago sumampa sa kama at natulog.

Nagising lang ako dahil sa mahinang yugyog saakin. I slowly open my eyes and there I saw the most beautiful girl I've ever seen.

Am I dreaming?

" Wake up. Dinner is ready" rinig kong sabi niya. Nakita ko nalang na sumarado ang pinto.

Napapikit ako bago bumangon. Nagsuot nalang ako ng short shorts bago lumabas. Nakita kong nakaprepare na ang pagkain sa mesa.

" Let's eat" tumango ako at umupo na. Tahimik na kumakain lang kami. After namin kumain ay siya narin ang naghugas ng plato kahit sinabi kong kaya ko na.

Bumalik nalang ako sa kwarto at naligo at nagpalit ng pantulog. Paglabas ko ay nakaupo na ito sa sofa.

" Uuwi ka pa rin ba?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

She nod. " You can spend the night here. Hindi naman uniform day bukas kaya mapapahiram kita ng damit. Tsaka gabi narin masyado" Sabi ko.

" You sure?"

Tumango ako kaya sumagot siya. " Okay"

" Sige. Iprepare ko lang tutulogan mo" paalam ko.

Pumasok ako sa isang kwarto at inayos ang kama pati bed sheet. Mabuti nalang malinis ako sa mga gamit ko kaya hindi ako nahirapan. May mga extra toothbrush and towel naman ako. Pinahiram ko narin siya ng pantulog at undies na hindi ko pa nagamit.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon