Ilang beses akong napalunok.
Inhale.
Exhale.
Calm down.
Ano na naman bang katangahan 'to Giselle! Ang landi mo!
Kastigo ko sa sarili ko.
Kung hindi ba naman kasi maharot ang kamay ko edi hindi ako maliligo ngayon ng pawis sa kaba.
Mariing napapikit ako. Sana naman hindi na niya ibig deal 'yon.
When 3 pm in the afternoon strikes ay umalis na ako dahil kailangan ko pang mag grocery para sa mga ingredients na lulutuin ko mamaya.
Wala na rin naman akong klase kaya okay lang.
Pinaghahandaan no?
I mentally rolled my eyes.
Syempre, ito ang unang beses na ipagluluto ko siya kaya dapat satisfied siya.
Malay mo mafall siya sa saakin dahil sa luto ko. Char!
Ang landi talaga ng isip ko.
Jasmine Calling...
Napakunot noo naman ako pero sinagot ko pa rin habang nilalagay ko ang mga pinamili ko sa ref at sa cabinet 'yong iba.
" Napatawag ka?" Tanong ko pagkasagot ko sa tawag.
" Netflix?" She asked.
" Sorry hindi ako pwede ngayon eh. " Tanggi ko.
" Ay sayang! Ngayon na kasi start ng Vincenzo sa Netflix. Bakit ano bang gagawin mo?Matagal pa naman ang exam ah"
Hindi ko naman pwedeng sabihin na pupunta dito si Thayer. I'm sure magtataka 'yon.
" Marami akong tatapusin ngayon. Next time nalang. Gusto ko manood ng downloaded na" Sabi ko habang papunta sa sala.
" Sige hindi nalang din ako manonood. Gusto ko sabay tayo. Ang boring ng walang kasama" natatawang sabi niya.
" Ikaw bahala. Sige baba ko na"paalam ko.
" Sige. Ay wait. Bakit ang aga mong umuwi kanina? " Pahabol niya.
" Gusto ko kasing magpahinga. Napagod ako ngayong araw" totoo namang napagod ako.
Napagod ako kakaisip ko anong masarap na lulutuin.
Sayang! Ako sana yung masarap! Chos!
Here we go again with my malanding utak.
Pagkatapos kong maglinis ng buong apartment ay naligo na rin ako. Mga 7 or 8 pa naman ata siya darating kaya manonood muna ako. Kinuha ko ang laptop ko sa night table at nanood ng korean drama. Crush ko talaga si Cha Eun Woo. Sobrang gwapo niya pero walang tatalo kay Thayer, my baby.
Ang landi ko talaga.
Napanood ko na rin 'yong ibang palabas niya kung saan leading man siya doon. Shems!
Napatigil lang ako sa pagtawa nang makarinig ako ng doorbell. Hindi naman ito 'yong mga cheap na apartment. Kahit papaano ay afford ko rin 'yong may doorbell HAHAHA.
" Hi. Come in" Sabi ko at may tipid na ngiti kahit na deep inside halos mapunit na ang labi ko. Walang emosyong pumasok siya at hindi man lang ako binati pabalik. Sarap talaga patayin ng halik. Char!
Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang paper bag. Nilibot nito ang tingin sa apartment ko na akala mo ngayon lang nakapunta. Hindi ko alam kong nagandahan siya dahil wala naman siyang reaction. Medyo girly lang talaga ang loob ng apartment ko dahil nga babae ako. Medyo masikip din kasi nga ang dami kong gamit. Isahan lang kasi ang kitchen at sala ko.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION
RomansaSERIES 2 ProfxStud relationship