Chapter 27

15.6K 689 136
                                    

"Ganon? Ibig sabihin mayaman
talaga ang magpinsan na 'yon?"

Tumango ako kay Jasmine. Pinuntahan ako dito sa office nang malaman ang nangyari. Grabeng sermon pa ang inabot ko nang malaman niyang binastos ako. Kung bakit daw hindi ko sinabi sakanya.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto kaya pareho kaming napalingon doon.

"Come in" Sabi ko sa medyo mataas na boses para marinig ng kung sino man ang kumakatok.

Lihim akong napasinghap nang makitang ang baby ko pala ang kumakatok.

"My cousins want to grab lunch with you, Prof. " Walang emosyong sabi niya. May kasama kasi kami.

"Talaga?" Tumango ito at binati si Jasmine.

"Wait—paano ka?" Tanong ko sa best friend ko.

She smiled at me. " Okay lang ako. Hindi ko pa naman break time. Nagmadali lang akong puntahan ka dahil akala ko napano ka na"

Tumango naman ako bago tumayo.

"You're wearing heels?" Tanong niya nang nasa pinto na kami. Nakatingin ito sa takong ko.

Napakamot nalang ako sa batok ko bago lumapit sa shoe rack at nagpalit ng flat shoes. Ayaw niya talagang nagheheels ako. Hanggang ilong niya lang tuloy ako. Ang tangkad kasi ng isang 'to.

" Bye bes, enjoy!!" Sigaw ni Jasmine. Kumaway naman ako sakanya.

Paglabas namin ng building ay tumambad agad saamin ang mga pinsan nitong hinihintay kami.

"Lalabas tayo?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Privacy" was all she said.

Binati naman ako ng mga pinsan niya nang makita ako. Doon kami sumakay sa kotse ni Afra dahil walang dalang sasakyan si Thayer.

Huminto kami sa isang restaurant na sa palagay ko ay Filipino food ang pagkain dito. Marami agad ang napapatingin sa gawi namin. Syempre parang mga artista kasi ang mga kasama ko.

Dinala kami ng apat na babae sa isang private room. Pagpasok namin ay tumambad saamin ang mahabang mesa pero walang mga upuan dahil sa floor uupo. 'Yong parang mga Korean ang style. Nakaprepare na ang lahat.

Tama nga ako na Filipino food lahat.

"Upo na tayo. I miss Filipino food!!" Masayang umupo si Kashley kaya nagsiupuan na rin kami. Syempre katabi ko si Thayer.

" Afra lead the prayer" Sabi nito na agad na tinanguan ni Afra.

Saamin kapag pinaglelead ng prayer nagtuturuan pa. Halatang mga demonyo.

"Amen! Let's eat!" Feeling ko masayahin sila Afriane pero mas masayahin si Kashley.

Nasa gitna na kami ng pagkain nang magsalita si Kadynce.

"Thaye. Pakilala mo na girlfriend mo kay Kash.."

Bigla akong namula nang maghiyawan sila lalo na nang tumayo si Thayer.

"Kash meet my girlfriend Giselle Rye Silvan. Mi Luna, meet cousin, Attorney Kashley Riadna Valle d'Aosta. "

Ngumiti naman si Kashley bago lumapit saakin at niyakap ako.

"Hi again. Welcome to the family. Kaya pala nakipagsuntukan itong pinsan ko hindi dahil professor ka niya. You're her girlfriend pala. "

"Thank you so much" pasalamat ko.

" No worries. Sayo dapat kami magpasalamat dahil napaibig mo ang isa sa mga bato naming pinsan. If you're going to be her wife, you'll meet her cold squad" natawa kaming lahat maliban sa dalawa.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon