Chapter 35

16.7K 636 112
                                    

Giselle

" Good morning" I happily said. " Saying good morning to you is a dream come true."

Sumilay ang ngiti nito sa labi and look at me lovingly.

" Every morning that I wake up next to you is a good morning"  I bit my lower lip. Ang aga-aga magpakilig ng batang 'to.

Niyakap ko nalang siya dahil wala akong masabi. Pinagiisipan ko pa 'yong sasabihin ko kanina para kiligin siya pero parang ako yata ang kinilig.

"Wala kang hangover?" she asked.

"Medyo masakit lang ang ulo ko baby pero dahil nakita na kita ay nawala na ang sakit. " Banat ko.

Nilagay nito ang kamay sa temple ko at mahinang hinilot doon.

"I love you" she mumble tenderly.

"I love you too, baby" I replied.

"Mahal na mahal kita"

I smiled. "Mahal na mahal din kita."

Pareho kaming natawa. Obvious na obvious talaga na in love kami sa isa't-isa.

Bumangon na rin kami para magkape. Nauna akong maligo bago siya sumunod. Ang arte kasi, sabi ko sabay na kaming maligo pero ayaw niya.

Magkahawak-kamay kaming pumunta sa kitchen nilang parang buong bahay na. May sofa din dito na naka U ang style maliban doon sa mga center island na parang bar counter. Doon ata gumagawa ng kape. Ang arte no? Iba pa 'yong main kitchen sa coffee counter nila. Sabi ni Thayer nasa loob ang dirty kitchen kung saan mismo nagluluto ng pagkain.

"Good morning!" bati ng mga pinsan nito saamin nang makita nila kami. Wala pa si Majaliah at Sevrianna at mukhang nandoon pa sila sa kwarto nila.

Umupo ako sa tabi ni Afriane habang si Thayer ay pumunta sa counter at nagtimpla ng kape. Nag-usap na naman kami na parang hindi kami nagkita ng isang taon. Hindi kasi sila nakakasawang kausapin ang dami nilang topics. Politics, social life, nature, healthy foods, kahit anong mapag-usapan lang. Minsan nagkukuwento din sila. Dumating na din ang dalawang magjowa.

Hindi na kami natuloy sa pagbeach dahil gumala nalang kami sa city nila. Nakakamangha talaga dahil sobrang ganda. Parang gusto ko na dito manatili. Ang fresh pa rin kasi ng hangin kahit nasa kalagitnaan ka ng City. Hindi rin masakit ang sinag ng araw dahil may mga kakahuyan sa mga gilid-gilid.

Sana ganito din kaganda ang Manila.

Sino kayang mayor nila dito? sasabihan kong mag-president siya. Makikita mo sa lugar ang ugali ng  namamahala and I can tell na mabait ang mayor nila dito.

"Hi, Miss." napaangat ang tingin ko sa paglalakad nang may bumating lalaki saakin. Mukha naman siyang mabait so I nod and smile slightly. Friendly naman ako.

May dalawa pa itong kasamang lalaki at dalawa ring babae. Maybe double date tapos 'yong bumati saakin third wheel.

"Yes?" tanong ko. Nandito kami sa isang public park at nagpaalam lang akong magccr. Mabuti nalang may mga public comfort room rin sila dito. Marami nga ang tao eh. Hindi na ako nagpasama dahil kaya ko naman. Nagpumilit pa nga si Thayer pero sabi ko ibili nalang ako ng ice cream.

" Uhm..Hi my name is Daniel Salcedo. You are?" pakilala niya.

Okay?

"I'm sorry, but I don’t give my name to someone I’ve just met. If you'll excuse me." I smiled at them.

" Am I not attractive to you? pangit ba ako para hindi mo pansinin?" napatigil ako sa paglakad at nilingon sila. I look at him from head to toe.

" You're attractive. " He smile smugly. " But not for me. I'm already attracted to one person. " His smile instantly fade. Ako naman ang napangiti ngayon.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon